Gabby's POV
Pumipili ako ng pagkain sa cafeteria ng biglang may nagsalita sa gilid ko
"A-alam k-ko kung a-ano masarap diyan"
Lumingon ako "Oh talaga, ano?"
"Y-yung c-chicken"
-____-
Tiningnan ko siyang parang alien, sa tingin niya ba ay hindi ko alam ang lasa ng chicken? Aba'y malala. Eh sawang sawa na nga ako diyan.
"Alam mo brodie, isang linggo ko ng ulam yan. Baka naman mapurga na ako niyan at mangitlog na ako"
"S-sor--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil tinakpan ko agad ng tissue ang bibig niya
"Alam mo, hindi na kita isasabay pag sorry ka ng sorry diyan"
"H-hindi naman m-masamang magsabing s-sorry d-di-b-ba?"
"Oo hindi masama, Oo masama......Atsaka ikaw naman kasi sineseryoso mo agad lahat ng bagay. Hindi tuloy ako makapagjoke!" Inis kong sabi at sinabi kay ateng nagseserve na dalawang order ng dinuguan
Ako lang ata bumili nito eh, abay walang kabawas bawas ang dinuguan. Namiss ko itong ganitong klaseng pagkain kahit papaano. Paano ba naman kasi puro iba ang klase ng pagkain dito, pangmayaman nga di naman masasarap. (( yung iba lang masarap ))
Oh couie company aba pasalamatan niyo ko't kahit papaano ay may sinabi akong masarap
Binigay ko naman kay brodie ang kanya "Oy bayaran mo yan, akala mo ata ililibre kita. Asa" tsaka ako humanap ng pwestong mauupuan
Nakaupo na ako sa pwesto at pinapanood siyang papunta sa akin na parang nag aalinlangan "HOY BILISAN MO NAMAN MAGLAKAD GUTOM NA AKO. KUNG AKALA MO GALIT AKO, AKALA MO LANG YUN!" sigaw ko at ngumiti para naman malaman niyang nagsasabi ako ng totoo.
Tumungo naman siya at ngumiti at dali daling nagpunta saakin. "Oh game game" sabi ko at dali daling sumubo pero napaangat ako ng tingin ng makitang nakatitig lang siya sa pagkain niya
"Rich kid eh" sabi ko kaya agad naman siyang napatingin saakin
"H-ha?"
"Tch. Ngayon ka lang makakakain ng ganyang klaseng pagkain 'no?"
"O-oo, n-ngayon k-ko lang i-ito n-na-k-kita at n-narinig k-ko kanina na d-dugo ito" napapalunok niyang sabi
"Edi ngayon nakita mo na! Atsaka eh ano naman kung dugo iyan, masarap naman" sabi ko at pinilit siyang kainin iyon
"Kainin mo na iyan, pag iyan nakain mo magiiba ang tingin mo sa mundo!" Syempre pang uto ko lang naman ito, para kainin niya
-____-
Unti unti naman siyang sumubo at nakita ko naman sa reaksyon niyang nasarapan siya "Sabi ko naman sayo eh, ang sarap."
Ngumiti siya at nagpatuloy ulit sa pagkain. Tch ang baboy naman pala nito, lakas kumain
"Hinay hinay naman brodie"
Nang matapos na siyang kumain ay agad siyang tumunghay sakin ng nakangiti "S-salamat" bigla namang may nagtext sakanya at nakita ko ang reaksyon niya, mukhang nagiba. Parang hindi siya eh. "Sorry kailangan ko lang umalis. Emergency" at dali dali na siyang nagtatakbo
Alam mo minsan, ang tuwid niya magsalita minsan baluktot.
**
"Hi sir!!! I'm back. 3 minutes pa bago magtime. Ang aga ko"Nakataas naman ang kilay niyang tumunghay saakin "Anong pake ko sayo?" masungit niyang sabi
"Anong pake mo sakin? Eh lagi mo kaya ako sir inaabangan wushu kunwari pa"
"Wag kang assuming. May iuutos kasi ako sayo non"
"Eh wag kang defensive" pabulong kong sabi pero mukhang narinig niya
Tch.
"Itigil mo nga 'yang pagpapantasya mo Miranda!" sermon nanaman ni Tatay
Alam niyo, kung tutuusin feeling ko ay tatay ko talaga itong si Sir yabs kahit di ko pa naman nararanasan magkaroon ng tatay
Busy ako sa pagaayos ng documents ng biglang naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Palihim ko itong tiningnan
5 messages received
From: Jon
Miss na kitaFrom: Jon
Hoy si Badi nagsend nito punyeta talaga yon, pasensyaFrom: Badi
Hindi ako nagsend non, di ko nahahawakan cellphone non promiseFrom: James panget ng 100x
Oy bakekang, miss ka na daw ni NathanFrom: Nathan
AsaMga gago! Napagtripan nanaman ako. Inis kong binalik ang cellphone ko sa bulsa. Mga punyeta talaga sila.
"Napakagaling mo naman talaga, may oras ka pa para makipagtext"
Gulat naman akong napatingin sa taong nasa harapan ko
-____-
Tsk tsk, tingnan mo nga naman at talagang pinapanood nito ang mga ginagawa ko. May crush talaga sakin 'to. Sorry siya pero hindi ko siya crush yuck
"Sir, hindi po ako nakikipagtext. Nagbasa lang po ako ng text, sila po ang nagtetext sakin"
"Eh ano namang pake ko?" sabi niya at umalis
Tch. Titingin tingin tapos wala daw siyang pake, edi wow
Lumabas siya sa opisina kaya naman dali dali kong nireplyan ang mga gago
To: James panget ng 100x, Badi, Jon, Nathan
mga punyeta talaga.
Inis kong i-ooff ang cellphone ko ng biglang may nagtext na unknown number
From: 09********
Hi my queen, gusto mo bang gantihan ko sila?