Gabby's POV
"W-w-w-wait Sir!" hingal na hingal kong habol sakanya
Kakatapos lang ng meeting, at talaga namang mainit ang ulo niya. Hindi niya nagustuhan ang daloy ng naging usapan kanina
Nakakatakot talaga siya magalit,
Tumigil siya sa paglalakad atsaka inis na lumingon saakin "Pwede bang pakibilisan naman maglakad, Maria Clara!?" inis niyang sabi atsaka tiningnan ako mula paa hanggang ulo "Tsk!" inis niya pang dagdag atsaka nagpatuloy uli maglakad
Pagkarating sa parking lot, ay nagtaka ako nung pumasok agad siya sa loob. Sunod sunod naman siyang bumusina kaya halos mapatalon ako sa gulat
Maryosep!
"Hindi ka ba sasakay ha? Umaasa ka bang pagbubuksan pa kita ng pinto ha Maria Clara?!!" galit niyang sabi atsaka muling sinara ang bintana
Dali dali naman akong sumakay "S-sorrry Sir"
"Tsh!"
Nagulat ako ng tumigil ang tingin niya sa dibdib ko at nagunot ang noo
Napalunok ako at inalis ang tali ng buhok ng pasimple atsaka iyon inalaylay sa may dibdib ko
Nakita naman sa gilid ng mata ko na napataas siya ng kilay at saka tumingin saakin "Magseatbelt ka" seryoso niyang sabi
Tumango na lamang ako at dahan dahan nagseatbelt ngunit ang hirap! Bwiset
"Tch!" inis niyang tatat at saka lumapit upang ayusin at seatbeltan ako
"Panget na nga, engot pa"
"Tss. Kala mo siya pogi!" inis kong bulong
Napakayabang!
"Ano?! May sinasabi ka ha?" gigil niyang tanong
"Wala po. Uhm san po ba tayo pupunta?"
Hindi na siya sumagot at diretso ng nagmaneho
Makalipas ang ilang oras, ay nandito na kami.
"Sir ano meron dito?" takang tanong ko habang tinitingnan ang napakaganda at mataas na building
"Tss, stop asking." maarte niyang sabi atsaka pumasok at sumakay ng elevator
Nang makarating sa 5th floor ay lumabas na sa elevator at tumigil sa pintuang 122
"Wow, condo mo sir? Taray!"
Inis niya naman akong tiningnan at saka sinenyasan na tumalikod "Magttype ako ng password"
Psh! Kala mo naman pagtatangkaan ko ang condo niya
Pagbukas ay angganda, sobra. Modernong moderno ang design nito at sobrang napakalinis. Puro gray,white at black lamang ang mga kulay.
Dirediretso naman siyang ibinagsak ang sarili sa sofa at hinubad ang sapatos gamit ang paa niya tsaka iyon initsa
Inalis niya narin ang coat niya at necktie atsaka ako pinalapit
"B-bakit po?" medyo kabado kong tanong dahil kami lang dalwa sa loob tas naghuhubad siya
"Water please" utos niya habang pikit na ang mata. Pumunta naman ako sa may kitchen at kumuha ng tubig sa ref,
Hindi na ko magugulat sa dami ng masasarap na pagkain sa ref niya, SHET. Kaso walang ice cream at chocolate. Puro beer lang tsaka mga mamahalin na pagkain
Binigay ko naman sakanya ang tubig atsaka niya iyon ininom"Miranda, may sasabihin ka ba sakin?" masungit na niyang sabi
Siguro nga'y napapansin niya na na may gusto akong matanong, matagal na
"Gusto ko lang po sana itanong, kung kelan ako pwede umuwi ng probinsya? Malapit na po kasi ang pasko"
Napabuntong hininga naman siyang pumikit "December 22"
"Thank you Sir"
"Miranda, dito ka muna sa salas matutulog muna ako sa kwarto ko. And please, bago mag 7 pm ay magpadeliver ka ng pagkain at pakigising ako ng 7:10"
"O-okay Sir"
"At PLEASE LANG, wag kang malikot dito. Magtrabaho ka, dala mo naman ang laptop" dagdag niya atsaka tuluyang pumasok sa kwarto
Tss! Grabe anong kala niya saakin, pasaway na bata? Malikot ang kamay? GRABE LANG
Inis kong inilabas ang laptop atsaka na nga nagtrabaho. Ng sumapit ang 6:00 ay doon ko lamang na realize na walang pera na iniwan si sir, alangan namang gisingin ko siya para humingi ng pera. Baka bugahan pa ko non ng apoy. Haaays! Wala rin akong pera, myghad!
200 lang laman ng wallet ko, hindi to kaya. Lalo na't maarte yun sa pagkain
Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref
Hmmm
Engot! Bat ko ba to bubuksan?! Di naman ako marunong magluto!
Huhu, ano gagawin ko nito
Bahala na nga sa naisip ko!
