Gabby's POV
9 P.M na ng gabi kaya naman nagpaalam na ako kay Sir atsaka nag abang ng masasakyan na jeep
Hindi ko maintindihan kanina ang pagmumukhang ibinibigay saakin ni Edwardong mayabang
Tss! Mukhang nagtatampong bata, Haha! Hilig ngumuso, sarap ipaipit sa sipit ng alimango tch!
*Blag*
Natigil ako sa naiisip ng makaramdam ako na may tao sa gilid, may kumaluskos at halatang may nahulog
Hindi ko alam pero lagi na akong nakakaramdam na may sumusunod at nagmamanman saakin
Hmm, pero guni guni ko lang siguro. Hindi naman ako mayaman para kidnappin, hindi rin ako maganda
Pero nakakatakot dahil nakikita ko sa gilid ng mata ko na may nakatingin saakin
Inilabas ko ang cellphone ko upang ihanda ang sarili at tumawag dahil nakakaramdam na ako ng matinding kaba, pero bago ko mapindot ang call ay biglang lumabas ang pangalan ni Sir Edward sa screen
Sir Yabs calling....
Dali dali ko itong sinagot dahil nararamdaman ko na naglalakad na papalapit saakin ang lalaki
"S-sir!"
Edward's POV
Tch!
Pagkaalis ni Miranda ay may biglang tumawag saakin para sa biglaang meeting bukas. Kaya naman heto ako ngayon tatawagan ang magaling kong sekretarya!
Ginigigil na talaga ako ng babaeng 'to! Ansarap turuan ng leksyon!
Inis kong dinial ang numero ni Miranda at halos isang ring palang ang naririnig ko ay sinagot niya agad iyon
Tss! Miranda, wag masyado pahalata. Napaghahalataang sabik na sabik sa boses ko at masyadong nakaabang. Tsk tsk tsk
[S-sir!] parang kabado at mabilis na sambit ni Miranda
Tss! Napaghahalataan 'to masyado!
"MI.RAN.DA, napakagaling mo talagang sekretarya. The best!" sarkastiko kong sabi
[Thanks sir! A-a-]
"Tss! Bakit ka ba kinakabahan?!" inis kong kunwaring tanong
Haha! Nako Miranda! Hindi alam ang sasabihin. TSK!
Hindi sumagot si Miranda, ngunit narinig ko ang mabilis niyang paglalakad na nauwi sa takbo at ang paghikbi niya
[S-sir! T-tulungan m-mo ako] hirap na hirap na sambit ni Miranda na halatang takot na takot sa nangyayari
"Where are you???!!" kabadong kabadong tanong ko at nagmadaling hanapin ang susi ng sasakyan
"Where are you?!! MIRANDA!?"
Halos liparin ko ang daan papuntang parking lot ng mapatid ako sa putanginang stress ball ni Miranda na naapakan ko
Bat andito to??!! Tsk!
Inis ko iyong sinipa at nagmadaling sumakay ng sasakyan
"What the fuck Miranda? Paano kita matutulungan kung hindi ka magsasalita riyan!!"
[Sige! Takbo! Hahaha! Kahit anong takbo mo pa, mahuhuli at mahuhuli kita] rinig kong boses ng lalaki sa linya kasabay ng paghikbi ni Miranda
Shit!
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan at lumibot sa mga posibleng lugar na dinaraanan ni Miranda
Narinig ko sa kabilang linya ang pagbagsak ng cellphone ni Miranda at tanging mga yabag na lamang at mala demonyong tawa ng isang lalaki
[Hmmmm, tagu taguan... Gusto ko ito]
Binilisan ko lalo ang takbo ng sasakyan at sa di kalayuan ay nakita ko si Miranda sa likod ng puno na tila nawawalan na ng pag asa. Nakatakip ang kanyang kamay sa bibig, at kitang kita ko ang panginginig niya. Ngunit mas namutla ako ng makita kong nasa likuran niya na ang lalaki
Pinatunog ko ang wang wang ng sinasakyan ko at tinahak ang puno ngunit huli na
Hinampas ng lalaki si Miranda sa ulo hindi lang isa, dalawa kundi tatlo. Pagkatapos ay sinaksak niya ito na nagpatigil saakin
"HINDIII!!!!" gigil na gigil kong sambit at dali daling bumaba
Mabilis na nawala ang tarantadong lalaki
Pinuntahan ko si Miranda na naliligo sa kanyang sariling dugo
"M-miranda! G-gumising ka! H-hindi ka p-pwedeng m-m-mamatay!!!!"
Kahit hirap na hirap na ay nagawa ni Miranda na ngumiti kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha
"S-salamat at d-dumating ka" hirap na hirap niyang sabi pagkatapos ay ang tuluyang pagpikit ng mata niya
HINDI!!!!
Mabilis kong kinarga si Miranda at sinakay sa sasakyan, dinala ko siya sa hospital
Umaasang mabubuhay pa siya, ngunit wala na
Patay na ang assistant ko,
Patay na si Miranda.
