CHAPTER 42 [Revised]

0 0 0
                                    

¢hApter 42~

Xiamella's POV

Patuloy ang putukan ng mga baril sa paligid. Pinaputukan ko na din silang lahat. Pero dalawa lang ang natamaan ko dahil nakapagtago agad ang iba.

Tsk. Paubos na din ata ang bala ng baril na ito. Tumakbo ako palapit sa isang kalaban at sinipa ang kamay nito.

Nabitawan niya ang baril kaya pinulot ko ito agad at pinaputukan siya sa tyan.

Yes! Double pistol na ang hawak ko ngayon. Mas mapapadali ang pagpapatumba ko sa kanila.

Lima nalang ang natira kaya hindi na ako mahihirapan dito.

Sinipa ko ang mukha ng isa habang pinaputukan ko naman sa braso ang isa pa. Muntik na akong mabaril sa ulo pero nakaiwas ako.

Sinuntok ko ang mukha nung pinakahuling tauhan ni Natalia. I smirked.

Now, where is that bitch? Nagtago na ba siya?

Agad akong umakyat sa sira-sirang hagdanan. Nakita ko ang bakas ng dugo sa sahig. Hay nako, nagtago pa kasi eh.

Tumakbo ako at lumabas sa veranda. I saw Natalia, hawak hawak niya ang balikat niya na dumudugo pa din.

"As expected, natalo mo ang mga tauhan na dinala ko." Humarap siya sa akin habang nakangisi.

Tinitigan ko siya ng maiigi. Pero napakurap ako nang ngumiti siya sa akin. Her smile is so sincere na mapapaniwala talaga ako na totoo yun.

"I'm sorry for all that I did. Pero hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko dahil iyon ang patunay na naging malakas ako." Dahan dahan siyang lumapit sa akin.

Tinutok ko ang isang baril sa kanya. Pero nagpatuloy siya sa paglapit sa akin. What the hell is she doing?!

"Xiamella. You're the first person to treat me like a true sister. Pero nabulag ako ng kasamaan. I can't make things right. So, I will take away my life." She smiled again.

Tumalikod siya at naglakad palayo sa akin. Nanlaki ang mata ko nang umakyat siya sa lumang bakod ng veranda.

"What the hell!!" Sigaw ko at agad tumakbo palapit sa kanya.

Bigla siyang tumalon. I immediately held her hand. Sumakit ang sugat ko sa braso. Pero hindi ko yun ininda.

Napatangad siya sa akin. Fear and loneliness is in her eyes.

"B-bitawan mo na ako. Xiamella."

"Damn you! Hindi pa ako nakakaganti sayo!" Sigaw ko at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

Kapag binitawan ko siya ay bangin na sobrang lalim ang babagsakan niya dahil saktong tapat ng veranda ang isang bangin.

"Xiamella. Ako nalang ang bibitaw, salamat sa lahat.." Naiiyak niyang sabi habang nakayuko.

I groaned in pain dahil sa sugat ko sa braso ko. Pero hindi ko bibitawan si Natalia! Bwisit talaga ang babaeng 'to. Pinapahirapan pa ako eh.

"Tanga ka ba?! Don't let go! Hindi kita mapapatawad kapag bumitaw ka!"

Hinila ko siya pataas. Pero sobrang nahirapan ako dahil sa sugat ko. Damn this! Kung bitawan ko nalang kaya siya?! Tsh. Ayaw ko nga, hindi ko gagawing madali ang pagkamatay niya.

"BOSS!" Narinig ko ang sigaw ni marko at gio.

Tinulungan ako ni Sean na hilahin pataas si Natalia. Nagawa naman naming hilain siya pataas.

Napaluhod si Natalia habang umiiyak.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya. Pero bigla siya tumayo at hinablot ang buhok ko. Tumawa siya at itinutok ang baril niya sa ulo ko.

"ONCE IN A LIFETIME" (COMPLETED) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon