CHAPTER 46 [Revised]

2 0 0
                                    

¢hApTeR 46~

Flashback

Elena's POV (20 years old)


Me and emilio got married. Patagong kasal pero legal. Isa na akong Romualdez ngayon! Sobrang saya ko dahil kasal na ako sa lalakeng mahal ko.

Emilio Vicente H. Romualdez is the name of my Husband. Nalaman ko din na hindi talaga siya Pinsan ni Cruscean, masyado lang silang close kaya tinawag na nila ang isa't isa na magpinsan.

I'm now.. Elena Angela B. Virdani--Romualdez.

Maaga akong nagising para ipagluto ng makakain ang asawa ko. Sobrang saya ko palagi na magising para makapagluto.

Pero bigla akong napahawak sa upuan dahil nahihilo ako. Parang nasusuka din ako.

"Ayos ka lang? Wife?" Inalalayan ako ni Emilio paupo.

I smiled weakly. "Nahihilo kasi ako, Hubby."

Hinawakan niya ang Noo ko at nag-aalalang tinignan ako. Aww! Ang sweet naman ng asawa ko.

"You want to rest? Ako na muna ang magluluto." He smiled and kissed me.

I smiled back. Bumalik ako sa kwarto namin at binuksan ang drawer, kinuha ko ang pregnancy test kit.

Malakas ang kutob ko na... Buntis ako.. Pero kailangan kong makasiguro, I went inside the Bathroom and used the pregnancy test kit.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na ang result. Napatitig pa ako dito at napahinga ng malalim.

A Happy smile formed my lips. Naiyak ako sa tuwa. I-I'm pregnant.

May biglang kumatok sa pinto, I heard my husband's voice.

"Are you doing fine there?" Napakagat ako sa labi ko at binuksan ang pinto.

Napakunot ang noo niya nang makitang sobrang lawak ng ngiti ko.

"H-hubby.." Napayakap ako sa kanya ng mahigpit.

He laughed. "Oh? Namiss mo ako? Magkasama tayo palagi."

Umiling ako at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya. I sighed and smiled again.

"Hubby. Wag kang mahihimatay sa sasabihin ko ah?" Humiwalay ako sa yakap at tinitigan siya.

Kumunot nanaman ang noo niya. He looked at me intently.

"Ano yun?" Napakagat ako sa labi at napangiti nanaman ng malawak.

Tinitigan ko siya. "I'm pregnant."

Nagbilang ako ng halos sampung beses bago siya napakurap at napatitig sa tyan ko.

"Sh*t! Totoo?!" He hugged me and kissed me multiple times.

Natawa ako sa kakulitan niya. After that, naging over-protective siya sa akin at palagi niya akong sinasamahan sa check-ups ko.

Nang malaman naming lalake ang first baby namin, agad na naghanda si Emilio. Daig pa niya ako sa paghahanda eh. Mas excited pa siya kaysa sa akin.

I endured the morning sickness everyday. Until the day came, ipapanganak ko na ang una naming anak.

Nag-panic pa ako dahil sobrang sakit na. Napakapit ako kay Emilio na ngumiwi rin sa sakit dahil sa mahigpit kong hawak.

Nakarating kami sa Hospital at doon ko naranasan ang Labor. Pagkatapos nun ay pinanganak ko na si Prince Vince, Our first baby boy.

"ONCE IN A LIFETIME" (COMPLETED) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon