¢HapTer 47~
Flashback (Xiamella's POV)
Xiamella's POV (6 years old)
Ibinaba ko ang librong hawak ko at napahawak sa tyan ko na kanina pa nagrereklamo.
Nakakulong nanaman ako sa kwarto, its been 5 hours, wala pa akong kain dahil umagang umaga ay nasagot ko si Mom kaya kinulong nanaman ako.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ni Xianne. She immediately hugged me.
"Ate. Kain na tayo. Napatawad ka na ni Mom." Ngumiti siya at hinatak ako palabas sa kwarto ko.
Habang pababa ng hagdan, nagsalita nanaman siya. Sobrang daldal at masayahin siyang bata, Why can't I be happy like her?
"May bisita tayo, Natalia at Nemesis ang pangalan. Kalaro na daw natin sila!" Narating namin ang dining hall, sabay kaming umupo.
Walang imik akong kumain kahit kinakausap na ako nung Natalia at Nemesis, magkapatid sila pero mas madaldal yung Natalia.
Matapos kumain ay naglakad ako papunta sa Garden, ayaw ko na magsalita pa, magagalit nanaman si Mom kapag may nasabi akong mali.
Hinawakan ko ang isang rosas, sana naging bulaklak nalang ako para alagaan ng mga tao at hindi pinapagalitan kapag nagkamali.
Sabi nila, abnormal daw ako, bakit daw ang talino ko? Bakit daw ang yaman namin? Bakit daw maputi at maganda kami ni Xianne?
"Hello. Laro tayo ng Taguan? Ikaw yung maghahanap sa amin!"
Napalingon ako kay Natalia, nasa likod niya lang si Nemesis at ang kakambal ko.
"Hindi ako mahilig maglaro." Sagot ko sa kanya.
She pouted. "Sige na! You're older than me kaya dapat pagbigyan mo ako!"
I rolled my eyes. If only I can shout at her, pero alam kong si Mom nanaman ang magagalit sa akin.
"Fine." Natuwa silang tatlo at saka nagtago na agad.
Bumilang ako ng Sampu, pagtalikod ko ay nakita ko si Nemesis. She smiled at me.
"You should be hiding right?" I asked at her.
Lumapit siya sa akin at may ibinigay na papel. Nagtataka man, binuksan ko ito.
Hi! I'm Nemesis Deniro, Can you be my friend? I love books too!
Napatingin ako sa kanya. "Marami ka na bang nabasang libro?"
Tumango siya, I instantly became her friend because of that. Nagkwentuhan kami ng sobrang daming bagay tungkol sa mga nabasa naming libro.
We became best friends.
Lumipas ang araw ng hindi namamalayan. Napagpasyahan namin ni Nemesis na mamasyal sa Maze na gawa sa bushes dito sa likod ng mansion namin.
Memorize ko naman na ang daan dito kaya hindi kami maliligaw, hawak niya ang librong pinahiram ko sa kanya.
"Kamusta nga pala yang pinahiram kong libro?" I asked, ang tahimik kasi ng paligid.
She smiled. "Maganda naman, its so emotional!"
Para kaming mga matured na babae dahil sa pag-uusap namin. Nung una naming pagkikita ang akala ko ay hindi siya nakakapagsalita, yun pala mahiyain lang siya.
Natahimik ulit kami, pero hindi awkward ang paligid. Malapit na kaming makalabas sa Maze.
"Salamat sa pagiging kaibigan ko, Xiamella. You will always be a great friend. Can you do me a favor?"
BINABASA MO ANG
"ONCE IN A LIFETIME" (COMPLETED) [UNDER REVISION]
ActionGenre: action,romance,drama **** In this World.. Love and Kindness isn't a Thing where everyone wants to experience it.. Marami pa rin ang Naghahangad sa Kapangyarihan.. Being a Gangster isn't Easy.. And Being a Gangster Queen isn't easy too.. She T...