CHAPTER 48 [Revised]

0 0 0
                                    

A/n: Hindi pa rin naaalala ni Xiamella ang totoong nangyari noon, dahil nga sa Trauma kaya hindi na niya maalala kung sino ang pumatay kay Nemesis, at kung sino si Nemesis sa buhay niya.

She will soon remember it all, and it will awaken the most dangerous demon inside of her.

The theme of this Chapter is:

Demons by Boyce Avenue

***

¢HaPtEr 48~

Present Time

Xiamella's POV

Naka-upo na kami nina Mom, Xianne at Kuya vince. Nasa isang restaurant kami na paborito ni Mom.

Nagtaka ako ng hindi pa nag-oorder si Mom. Pero nawala din agad ang pagtataka ko nang makita si Dad na papalapit sa amin, napatingin sa kanya ang mga waitress.

My Dad is not that old. Gwapo ito at may mabigat na presensiya, sa kanya ko daw namana ang pagiging matalino ko.

"X-xianne.. Its really you.." My dad smiled and hugged Xianne.

Napadako ang tingin ni Dad sa akin matapos niyang yakapin ang kakambal ko. He smiled at me, tumango lang ako.

Napatawad ko na sila ni Mom, pero hindi ganun kadali kalimutan ang lahat. Madaming masasakit na alaala ang nasa memorya ko pa din.

Nang maka-upo si Dad ay nag-order na si Mom ng makakain, masaya silang nagkwentuhan. Habang ako naman ay nakatitig sa wine glass.

"Xiamella, ayos ka lang ba? Are you really tired? Pwede ka naman na umalis." Mom sounded so caring.

Ngumiti lang ako ng tipid. "No mom, I'm fine."

Mom smiled. Kumain na kami nang dumating ang pagkain, Dahan dahan lang akong kumain habang tinitignan si Dad.

He glanced at me and smiled again, hindi ako sanay na mabait siya kaya umiwas ako ng tingin.

After eating, My mom encouraged us to say something. Naunang magkwento si Xianne tungkol sa naging buhay niya noong inakala naming patay na siya.

"Someone saved me, hindi ko na nakilala kung sino. Tapos nakilala ko yung ex-husband ko, siya ang tumulong sa akin na hanapin si Xiamella. Hindi ko siya mahanap kaya naman natagalan ako at umabot ng taon bago ko nahanap si Ate."

She smiled at me. Tinignan ko lang siya, Nagpatuloy pa siya sa pagsasalita. Bigla kaming nakarinig ng ingay.

"MAY GANA KA PANG MAGSAYA?! PINATAY MO SIYA!" Sigaw ng isang babae sa lalakeng kaharap niya.

My dad shrugged. "Don't mind them, Hindi natin sakop ang problema nila."

Tumango si Xianne at nagpatuloy sa pagkwento. Pati si Kuya vince nakisali na. I sighed, Why do I feel uneasy?

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng Restaurant. My eyes suddenly stopped on a familiar person, He looks so old but his Charismatic face is still evident despite of his age.

Nagtagpo ang paningin namin. My breath stopped when I suddenly remembered something.

~~

"I WILL BRING YOU TO HELL!!! TANDAAN MO YAN! HINDI AKO TITIGIL HANGGANG BUHAY KA PA!!!! CRUSCEAN AGUELLO!!!"

~~

Napapikit ako at napahawak sa ulo ko. Cruscean? Who is he? At bakit parang nagagalit ako kahit hindi ko naman maalala kung sino siya?

"ONCE IN A LIFETIME" (COMPLETED) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon