CHAPTER 45 [Revised]

1 0 0
                                    

¢HapTer 45~

Flashback

Elena's POV (16 years old)

Maraming bagay ang nangyari bago ako maging 16. Nag-training ako sa paghawak ng baril at pocket knife.

Kailangan ko daw kasi matuto sabi ng tatay ko, para daw worthy ako na maging Hired Assassin ng mga Aguello.

Malay ko ba sa mga Aguello na yan. Sino ba talaga sila? Mayaman ba sila ng sobra? May mansion na napakalaki na mas malaki kaysa yung sa amin?

Tsh. I don't care. Kailangan ko lang sumunod kay dad, because after this, When I turn 18. Ako na ang masusunod, ako na ang bahala sa sarili ko. Tapos na ang obligasyon ko bilang anak ng isang Gangster leader na pinapaikot ng mga Aguello.

Maraming hawak na Gang ang Aguello dahil maimpluwensya sila at ang lakas ng kapit sa mga opisyal kaya hindi sila nahuhuli at nakukulong.

"Malalim ang iniisip mo." Napalingon ako sa lalakeng nagsalita.

He is Cruscean Aguello. Ang pinaka-boss dito sa Mansion. Dito na din ako tumitira dahil nga ako na ang Hired Assassin nila.

"Hindi naman masyado, Boss." I exclaimed and smiled.

He smiled and stared at me. Nailang ako kaya lumayo ako ng kaunti pero lumapit pa din siya. What the hell?!

"You look hot. Mukhang tama nga ang ilang tauhan ko, You can make me Happy in Bed. My wife is not even enough." He stared at me with lust in his eyes. Nanindig ang balahibo ko.

Bago pa ako makasagot ay may nagsalita na. It was Emilio, Cruscean's Cousin.

"Crus. Your wife is calling you." He darted his gaze on me.

Cruscean bit his lower lip and scanned my whole body. He laughed and then he left.

Tsk. Damn him. Kung pwede ko lang siyang suntukin sa mukha ay ginawa ko na. Gwapo nga siya, Manyak naman.

"You are Elena right? My cousin's hired assassin?" His eyebrows raised and scanned me.

Ang weird, pero hindi ako nangilabot sa pagtingin niya sa akin. I like his gaze because it looks so dangerous but likeable at the same time.

"Ako nga. You are Emilio right?" He didn't answer.

Instead, He came closer and stared intently at me. Bigla akong hindi nakahinga. Parang may kumuha ng lungs ko.

"I am Emilio. Nice to meet you." He nodded at me.

Napalunok ako at pinilit na ngumiti. Hindi talaga ako makahinga sa sobrang lapit niya! Bakit ganun?!

Bago pa siya makasalita ulit ay tinawag na siya ng Pinsan niya. Yes, No other than that perverted Cruscean.

*

Months passed by, marami na akong napatay para lang sa ikasasaya ni Cruscean. As long as possible ay lumalayo ako sa kanya.

Malandi ang lalakeng yun. Laging tumitingin sa akin kahit kasama pa niya ang asawa niya.

Naiirita na nga ako eh. Ang sarap niyang batuhan ng Mamahaling Vase sa mukha para naman mabawasan ang kamanyakan niya sa katawan.

Nagkamabutihan na din kami ni Emilio. Palagi kaming nagkwekwentuhan, Naging busy lang siya this past few days.

Isang araw, inaayos ko ang List ng mga papatayin ko next month para organized. Dumating nalang bigla si Emilio.

"Let's have lunch." He darted his gaze at me.

"ONCE IN A LIFETIME" (COMPLETED) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon