February 2010
Limang minuto lampas alas siyete na ng magising si Jenny. Labag man sa kalooban ay pilit na ibinangon niya ang tila puyat pa ring katawan bagama't halos walong oras ring diretso ang naitulog niya.
Ngayon ang unang araw ng pagpbabalik niya sa Chilis & Sweets, ang restaurant kung saan siya nagtatrabaho bilang supervisor matapos ang dalawang linggong leave na ibinigay sa kanya ng boss niyang si Miss Anna kaya naman hangga't maaari ay iniiwasan niyang malate.
Pagdating sa Chilis & Sweets ay agad niyang tinungo ang kusina kung saan alam niyang matatagpuan ang kaibigang si Vince na tulad niya'y Supervisor rin ng naturang restaurant. At hindi nga siya nagkamali dahil naroon ito't kinakausap ang ilang staff ng restaurant.
"I'm back!" Nakangiting bungad ni Jenny.
"Jen!" tili ng kaibigan na bakas sa mukha ang kasiyahan. Agad itong lumapit sa kanya at yumakap. "I'm so happy to see you."
"Me too."
"Kumusta naman ang dalawang linggong bakasyon?"
"Bitin. Parang ayaw ko pa nga sanang bumalik eh."
"So gusto mo pang mag-extend, ganon?"
"Sana, kahit mga 2 weeks pa. Pero baka wala na akong sahurin niyan." Pagbibiro ni Jenny.
"Talagang wala na. At baka wala ka na rin trabahong babalikan."
"Naisip ko rin 'yan." Ani Jenny.
"Isipin mo na lang kung lahat ng mabo-broken hearted ay may 1 month vacation with pay. Maraming magti-take advantage niyan at kasama na ako doon."
"Baliw ka talaga." ani Jenny.
"Nagsalita ang hindi. Sino kaya sa ating dalawa ang mas baliw lalo na sa pag-ibig?" natatawang sabi ni Vince.
Napahalakhak siya sa sinabi ni Vince. "Haay, namiss ko ang tumawa ng ganito." Ani Jenny na selebrasyon pa ata ng bagong-taon ng huli siyang tumawa ng ganoon at mahigit isang buwan ng nakakalipas 'yon.
At isang buwan na rin ang nakakalipas mula ng maghiwalay silang dalawa ni Nathan na boyfriend niya ng mahigit dalawang taon at inaakalang makakasama habang buhay matapos niya itong madatnang may kasamang ibang babae at kapuwa hubad na natutulog sa apartment na inuupahan nito isang araw matapos ang kanilang engagement party.
Nagtatawanan ang magkaibigan ng bumungad sa harapan nila ang boss nilang si Miss Anna na abo't tenga ang ngiti ng makita si Jenny. "Welcome back!"
"Thank you ma'am!"
"I'm very happy to see you. And thank God, may makakatulong na ulit sa amin ni Vince sa pagma-manage ng restaurant."
"Tama ka diyan ma'am Anna. Nakakapagod mag-manage ng dalawang restaurant. Sa sobrang pagod ko nga parang gusto ko rin ng two weeks vacation." Pagbibiro ni Vince.
"Hindi muna ako mag-aaprove ng leaves ngayon!" ani Miss Anna.
"One week?" Hirit ni Vince.
"Kahit one day, NO." Sagot ni Miss Anna.
At sabay-sabay na nagtawanan ang tatlo.
"Anyway, since narito na rin naman tayo lahat, I have an announcement to make." Ani Miss Anna. "Gather-up people, we have a meeting!" sigaw nito.
Agad namang nagtipon-tipon ang lahat matapos marinig ang tawag ng kanilang manager na siya ring may-ari ng Chilis & Sweets.
"This is sort of a good news." Simula ni Miss Anna. "Isa tayo sa mga pinagpipiliang mag-cater sa gaganaping art gallery exhibit ng mga kilalang fil-am painters on February 13."
"Wow! That's great!" nakangiting sabi ni Jenny.
"And this is exciting dahil isa itong charity event. And we all know na kapag charity events mga alta-sosyodad ang mga naroroon."
"Exciting nga!" Ani Vince.
"So we are expected to serve them our best food. The Organizers are going to be here on Thursday morning for the taste test. So please guys, I expect team work. We can do it, right?!"
"Aja!" sigaw ni Jenny.
"Aja!!" Saba-sabay na sigaw ng lahat.
----------
Salubong ang kilay na pinagmamasdan ni Jenny ang isang litrato sa kanyang laptop ng sumulpot sa harapan ng pintuan ng kanyang apartment si Vince. Isasara na niya sana ang laptop ngunit huli na ang lahat.
"Kailangan ba kasing torturin pa ang sarili?"
"It's not what you think Vince. Naiinis nga ako kung bakit naka-post pa rin as profile picture ang picture namin dito. And worst I'm still 'engaged' sa account na 'to."
"Then why don't you deactivate it?"
"Believe it or not, I can't log-in. Pinalitan ni Nathan ang password."
"Iyan ang problema when you're sharing account with other people. Why don't you just create another one?"
"Para ano? Para mag-explain? Vince, I'm so tired of explaining things to other people kahit hindi naman dapat."
"Then let it be. At hayaan mo na rin si Nathan sa kahibangan niya. Unless you want him back."
"Of course not. We are so over!" May konbiksiyong sabi ni Jenny.
"Well that's good. And because of that, whether you like it or not, you're booked for Wednesday." Nakangiting sabi ni Vince.
"Booked for what?" Nagtatakang tanong ni Jenny.
"Speed dating."
"Speed dating? Vince, what were you thinking?" Inis na tanong ni Jenny. "I am not joining!"
"Come on Jen, I've already paid for our tickets. Besides, you're not doing anything on Wednesday and we need a date for Valentines."
"Hindi ko kailangan ng date sa Valentines."
"Pero ako kailangan ko. Sige na Jen please?"
"I'm sorry Vince, I'm not doing it. Hindi ako sasali sa speed dating na 'yan. That's cheap!"
"Cheap? Let me just remind you of Mr. White Guy?" Ani Vince.
"I can't believe you brought that up, that was 5 years ago. Mga bata pa tayo noon." Natatawang sabi ni Jenny matapos marinig ang pangalang 'yon.
"And I was there, 'karamay' mo sa lahat ng mga kalokohan na 'yon." Paalala ni Vince na mahigit sampung-taon na rin niyang kasama at siya niyang maituturing na pinaka-matalik na kaibigan.
"Hindi ko pa alam ang mga ginagawa ko that time."
"Jen please, for friendship sake do this for me. At isipin mo na rin na bayad mo ito sa akin dahil ako ang gumawa ng iniwan mong trabahao for two weeks." Nakangiting panunumbat ni Vince.
"Nakakainis ka!" Ani Jenny na wala ng nagawa sa pressure ng kaibigan.
"Thank you." Ani Vince at nilapitan ang kaibigan at binigyan ito ng mahigpit na yakap. "You're such a good friend."