Chapter Eight

501 5 1
                                    

Spencer’s POV

May special party si Ate Spicy next week. Hindi ko alam kung paran saan iyong party na yun. Pero malakas ang pakiramdam ko na para sakin yun at para magkita kami ni Raffy dahil invited din ito.

“Hoy! Siguraduhin mong okay na ang mga pina-reserve nating upuan at table for next week. Ayoko ng aberya ha!” nandito si Ate Spicy sa bahay ko. Yes! Sa bahay ko!

“Opo, mam” walang kaganang-ganang sagot ko. Kamusta na kaya si Raffy? Magiisang buwan na kaming hindi nagkikita. Napakatagal na rin. Mukhang ayaw talagang magpakita sakin ni Raffy dahil sa tuwing tatawagan ko sya, cannot be reach daw. At noong binista ko naman ang condo nya, wala naka-lock iyon. Haaaaaaaaaaaayssss... hindi ko na alam kung paano ko sya makakausap.

--------------

Raffy’s POV

“Good morning, miss beautiful!” biro sakin ni Tristan. Natawa na lang ako sa pambobola nya. Well, nasasanay na ko sa mga compliments nya sakin. Beautiful? Ito yung salitang ni minsan hindi nasabi sakin ni Spencer....

Oh shit! Stop thinking about him, for pete’s sake!

“Good morning din, handsome!” biro ko. eh sa pogi naman talaga sya magagawa ko? hahaha.

“Tapos mo na ba mga pinapagawa ko? kelangan mo ba ng tulong? Pwede kitang tulungan if you want to? Haha”

“Hahahaha. Okay ka lang? ako ang inutusan mo na gawin to tapos tutulungan mo ko? ehdi sana di mo na lang inutos to”

“Highblood lang? hahaha. Papanget ka nyan”

“AYIIIIIIIIIIIIIIEEEE!” tukso samin ng mga officemates ko. Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko. Am I blushing? Noooooo waaaay!

“Doon ka na nga sa office mo, S I R  Tristan” pinagdiinan ko pa talaga ang salitang sir para naman maalala nya na boss ko sya at empleyado nya ko.

“Okay po, M A M!” napangiti na lang ako sa sinabi nito. For sure, nag-iinit na naman ang mga tumbong ng mga officemates ko sa kilig. Hahahah.

Bumalik ako sa trabaho ko at tsaka ko lang napansin ang yellow invitation sa upper desk ko. It is an invitation from Ate Spicy. Nagulat pa nga ako ng malaman ko na nandidito si Ate Spicy. For sure, alam na nito ang estado namin ng kapatid nya.

*beep beep beep*

From unknown number:

Meet me on the groundfloor of this d*mn bldg.  It’s your sissy... Ate Spicy..

Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko ang pangalan sa text. Anong ginagawa ni Ate Spicy  sa groundfloor? Well.. nagiisa lang ang resto na nakatayo malapit sa bldg namin.

Tumayo ako at bumaba sa ground floor only to find out na... si ATE SPICY NGA!

She welcomed me by hugging me. “I miss you sooooooo much, sissy! How are you na ba?”

O_O Si Ate Spicy na nga ba talaga ito?! kakapanibago!

“Okay lang naman, Ate Spicy... but .. what are you doing here?”

“Break time mo sooooo I want to invite you for a lunch and surprise you, of course.. hahaha!” napangiti ako pero yung ngiting naweweirduhan.

“And how did you know my schedule ha?”

Ngumiti si Ate Spicy. Shunga lang, Raffy!!! Syempre sa kapatid nya!

“Tara na nga! Madami pa tayong pag-uusapan!” sabay hila nya sakin palabas ng bldg at pinasok ako sa kotse nito. Thats the reason kung bakit ayaw kasama ni Spencer si Ate Spicy... may pagkasiga kasi ito.

Nagmahal Ako Ng Manhid  [ On Going Series ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon