Chapter Twenty-five

308 7 12
                                    

Spencer's POV

"Wala na agad bisita mo?"

"Ah oo. Marami pa kasi syang aasikasuhin. May negosyo din kasi sila dito sa Pilipinas.." sagot ni Raffy habang naglilipit ito ng pinagkainan nila ni Jedo.

Nang malagpas na ito sa harapan ko, "Buti naman wala na sya.."

Huminto ito at nilingon ako.

"Ano sabi mo?"

"S-sabi ko sayang..." sabay kamot sa batok, "magpapahanda pa naman ako para naman sabay sabay tayo kumain.."

Pero nakakunot ang noo nito. Halatang hindi naniniwala sa nasabi ko. Nagpatuloy ito sa paglalakad at dumiretso na sa kusina.

Sa isip isip ko, ayoko na talagang tumagal pa si Jedo dito or mas mabuting sabihin na ayoko syang pumunta dito sa bahay.

Nagpunta ako sa kusina at nadatnan kong hinuhugasan ni Raffy ang mga plato.

"Bakit hindi mo pa ipagawa yan sa mga katulong?"

"Wag na. Wala rin naman ako masyadong ginagawa dito except na lang sa pag-aalaga kay Basty.." sagot nito habang naghuhugas.

"Bakit sa tuwing tatanungin kita, hindi mo ko nililingon para sumagot?"

Mas mabilis pa sa rumaragasang kotse ang paglingon sakin ni Raffy.

"A-ahh.. joke lang yun! Hehehe. Sige. Bye!" at dali dali akong tumakbo paalis sa kusina.

Ano ba naman kasi yang sinabi mo sakanya?! Hindi ka talaga nag-iisip, Spencer! Tanga ka talaga!

-----------

Raffy's POV

"Ano problema nun?" tanong ko sa sarili ko.

Loko pala sya eh. Busy ako sa paghuhugas tapos tatanungin nya ko ng kung anu ano. Hindi ko naman kasi pwedeng iasa sa mga katulong ang laaht ng gawing bahay.

Pagkatapos kong maghugas ay nagtungo ako sa kwarto at nadatnan ko si Basty na mahimbing na natutulog.

"Nakuu. Iniwan ka na naman ng daddy mong mag-isa rito..." pailing ko sabi.

Humiga ako sa tabi ni Basty at hinahaplos haplos ang balat nito.

"Napaka-iresponsable talaga.." sabi ko. At sukat ba namang umiyak itong si Basty.

Mukang maka-ama itong anak ko ha..

Binuhat ko agad ito upang tumigil sa kakaiyak pero waepek pa rin. Agad naman akong napalingon ng biglang bumukas ang pinto.

Si Spencer.

"Tamang tama! Nagugutom na si Basty kaya ito oh.." sabay abot sakin ng gatas ni Basty.

Pero mukang hindi makakilos ang katawan ko kaya imbis na makuha ko agad ang bote na may lamang gatas ay nahulog ito.

"Si mommy talaga... ang careless.."

Hindi ko alam pero biglang sumilay ang ngiti sa muka ng anak ko.

Daddy's boy..

"Ahhmm.. sorry" sabi ko.

Lumapit ito sakin at umupo sa gilid ko. Syempre, naging uneasy ako dahil sa presensya nito.

"Gutom na si Baby Basty.." sabi ulit ni Spencer.

Oo nga pala! Bwiset naman kasi.

Ieexpose ko na sana ang breast ko pero napansin kong nakatingin sakin si Spencer.

Nagmahal Ako Ng Manhid  [ On Going Series ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon