Chapter Seventeen

378 2 0
                                    

Spencer’s POV

Halos isang taon na kong naghihintay kay Raffy. Ni anino nito ay hindi ko makita. I actually hired an investigator just to find Raffy. Pero sabi nga nila, mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap.

“Spencer ... anak?” tawag sakin ni mommy. Nandito kami ngayon sa bahay ng mga magulang ko kasama sila Ate Spicy at Tristan. We are having a family dinner.

“Po?”

“Kanina ka pa namin kinakausap ng daddy mo. Aren’t you listening?” – mommy

Napangiti ako ng pilit, “S-sorry. It’s like I have this random thoughts”

Napabuntong hininga si daddy, “Is it about Raffy?”

Napatingin ako sa ama ko at para bang nagtatanong ang mga mata ko na why do you care?

At dahil hindi ako sumagot, “Spencer, kahit hindi mo sabihin alam ko at alam naming lahat na namimiss mo si Raffy. Eh hindi ka naman magkakaganyan kung hindi nawala si Raffy eh”

Sa puntong iyon, para bang nawalan na ko ng ganang kumain. So I put down my spoon and fork and leave.

Narinig ko pa ang huling sinabi ni mommy, “Ano ka ba naman ba? Alam mo namang bestfriend ng anak natin si Raffy. Of course he miss her kaya ganyan ang anak mo..”

“I think he’s inlove with Raffy. He loves Raffy more than just a bestfriend” at sa nasabi ng aking ama, tumulo ang mga luha ko.

Raffy ... nasan ka na ba talaga? Ayokong sumuko sayo dahil alam kong marami pa kong dapat gawin at sabihin sayo ..

Please ... come back to me...

---------------

Raffy’s POV

Ang cute cute ni Baby Basty. Kamuka nya talaga si Spencer.

Saktong biglang umiyak si Basty. Naku po! Gutom na naman!

So I don’t have any choice kundi magpadede ng bata. Well, natutuwa naman ako tuwing nakikita ko syang dumedede dahil feeling ko mother na mother na talaga ang peg ko.

Kung may asawa lang ako ehdi sana may father na din si Basty.

And so I remember Spencer.

Oh come on! Not Spencer .. He doesn’t love you..

Napatingin ako kay Jedo. Nakahiga ito sa couch at nakakatuwa naman dahil may pagka-father-material ito unlike Spencer na puro na lang si Sheena.

Wag mo ng isipin pa si Spencer  - utak

Mahal mo sya. Siya lang dapat – puso

Napailing na lang sabay tingin sa anak ko na nakatulog na kakadede sakin.

Kelangan ba malaman ni Spencer ‘to? Na may anak na sya?

------------

Spicy’s POV

“Honey, are you okay?” tanong ko. We’re on a date dito malapit sa building nila.

“Ahmm, yes. Why?” sabi pa nito habang nakatingin sa cellphone nito. At ayoko ng ganun. I’m talking to him yet his attention is on his phone.

“Ano ba yang tinignan mo?” naiinis kong sabi.

Napatingin naman ito sakin, “N-nothing..” after that ay tinago na nito ang cellphone nito.

“Are you cheating on me?” pranga kong tanong.

Maagap nitong hinawakan ang dalawa kong kamay, “Of course not! Yan ba tingin mo sakin?”

Umiling ako. Pero may nasesense pa rin akong kakaiba rito. And I need to find it.

After naming kumain ay nagpaalam itong pupunta ng restroom. So I grab the opportunity to get his phone.

Kaya lang may passcode.

Bakit kelangan nyang maglagay ng passcode?

Is he hiding something on me?

Gustong mag-init ng ulo ko pero di bale na lang. Marami pa namang paraan para malaman ko kung ano meron sa phone nya.

Binalik ko sa dating pagkakalagay ang phone nito at sakto namang padating na si Tristan.

“Tara na?” yaya nito.

Ngumiti ako bilang sagot.

------------

Raffy’s POV

Nakauwi na kami sa bahay ni Jedo at kasama pa rin namin si Grasya. At si Baby Basty naman ay kalong kalong ko.

“Magpahinga ka muna, Raffy. Ako muna bahala kay Basty” suhestyon ni Grasya.

Ngumiti ako, “Sige. Pero doon na lang kayo sa kwarto ko ni Basty ha. Alam mo naman, medyo protective akong nanay. Hahaha” pagbibiro ko.

Naintindihan naman ni Grasya iyon, “Oh sure. No problem. Haha”

Binigay ko si Basty kay Grasya at sabay sabay kaming nagpunta sa kwarto ko. Si Jedo naman ay kinakausap ang mga katulong. For sure marami na naman itong ibibilin kila Manang lalo na’t may baby na sa bahay.

Pagkahiga ko sa kama ko ay nakita kong pinapatulog pa ni Grasya si Basty.

“Do you think hahanapin nya ang tunay nyang ama habang lumalaki sya?” tanong ko.

Napatingin sakin si Grasya, “Syempre naman. Sino bang bata ang di gugustuhing di makilala ang ama nila?”

“Should I tell him the truth?”

Ngumiti si Grasya, “Para sakin, oo. After what happened to you and to Spencer, I think he deserves it to know about Baby Basty”

“Thank you, Grasya” yun lang ang tanging nasabi ko. Nagdadalawang isip pa ko sa magiging desisyon ko.

“Ikaw ba? Gusto mo bang malaman ni Spencer na may anak sya sayo?”

Napaisip ako, “Hindi ko alam. Ang tanging siguradong alam ko ngayon ay ayoko na syang makita pa”

“Ikaw iyon. Pero itong si Basty, for sure hahanapin nya ang tunay nyang ama.”

Napailing ako na para bang hindi na alam ang gagawin.

Lumapit sakin si Grasya at umupo sa gilid ng kama ko. Binigay nya sakin si Basty.

“Look Raffy, hindi habang buhay ay nandito ka sa States kasama si Jedo. Marami kang naiwan sa Pilipinas. At isa pa, pagmasdan mong mabuti si Basty. Kamukang kamuka nya si Spencer”

Pinagmasdan ko nga si Basty at totoo naman iyon.

“Alam kong kapag nakikita mo si Basty ay si Spencer ang naaalala mo”

Napasinghap ako, “S-sorry”

“Why? You don’t need to say sorry. Alam kong mahal mo pa rin sya. Pero kakambal na ng pagmamahal mo ang sakit na nararamdaman mo sa tuwing mababanggit si Spencer sayo”

Natahimik ako. Grabe tong si Grasya! Napaka-observant.

“Raffy, pag-isipan mong mabuti ang lahat. Pag-isipan mo” iyon lang at lumabas na ito ng kwarto.

Tinignan ko ulit si Basty.

Anak, dapat ko bang sabihin sa ama mo ang tungkol sayo?

At mukang naiintindihan ng anak ko ang nasa isipan ko dahil biglang itong ngumiti habang natutulog.

Is this a sign?

------

*A/N: Babalik kaya sa Pinas si Raffy? Hahahaha. Abangan!

Nagmahal Ako Ng Manhid  [ On Going Series ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon