Chapter Twenty-three

329 4 3
                                    

Spencer's POV

"HAPPY THREE-MONTH OLD, BABY BASTY!" at mukang nagkahiyaan pa kami ni Raffy kung sino samin ang magboblow ng candle sa cake ng anak namin. Pero sa huli, si Raffy pa rin ang pinagblow ko tutal sya ang ina.

Nasa restaurant kami na pagmamay-ari ni Tristan, ang SanSan. Dito namin sine-celebrate ang . At hanggang ngayon ay nasa bahay pa rin kami ng mga magulang ko. Ayaw na kasing payagan pa nila mommy sila Raffy na doon muli sa hotel tumuloy.

"Family picture, guys!" sigaw ni Ate Spicy.

At dahil okay na ko kay mommy at lalo na kay daddy, sila na mismo ang nagpush samin ni Raffy na magfamily picture.

"Nagkakahiyaan pa kayo! Hahahaha!" tukso ni mommy.

Hindi naman mawari si Raffy. At nakakatuwa syang tignan dahil namumula ang kanyang mga pisngi.

Syempre magpapakipot pa ba ko kaya lumapit ako kay Raffy.

"Spencer, buhatin nyong pareho si Basty! Bigyan nyo ng magandang family picture ang pamangkin ko! Hahaha" utos ni Ate Spicy.

Nagkatinginan kami ni Raffy. Natawa ako sa itsura nya.

"Bakit ka tumatawa?" tanong ni Raffy habang kalong kalong namin si Basty.

"You look like a tomato. Hahaha"

At nagulat ako ng bigla ako nitong hinampas. Bigla tuloy umiyak si Basty.

Napailing ako, "Ayan kasi! Inaaway ni Mommy si Daddy!"

Oooopppppsss!

Napatingin ako kela mommy at daddy. Halatang palihim na kinikilig ang mga ito at sila Ate Spicy naman ay kanina pa pala kami pinipicture-an.

Sumunod akong tumingin kay Raffy na nakayuko na lamang at hinayaan akong kargahin si Basty.

"Oh bat natahimik kayo? Hahahaha. Kunwari pa kasi! Hindi na kayo mga bata no!" tukso samin ni Tristan.

Natawa naman sila mommy.

"Kelan nyo ba kasi balak magpakasal?" si Daddy ang nagsabi nun.

Nagkatinginan ulit kami ni Raffy. Ngunit agad itong nag-iwas ng tingin.

"Ahmmm.. punta lang po muna ko ng restroom.." at sabay karipas ng takbo.

Lumapit sakin sila daddy.

"Spencer, dalawang buwan na ang nakararaan at hanggang ngayon ay wala ka pa ring da-moves na ginagawa para tuluyan ng magkaroon ng masayang pamilya itong apo ko.." sabi ni Daddy habang hawak hawak nito ang dalawang braso ni Basty at nilalaro iyon.

Natawa ako sa term nyang da-moves.

"At kelan ka pa naging gangster, Dad? Hahahaha"

"At kelan kayo balak magpakasal? Hahahaha"

Napatingin ako kay Basty. Tumigil na ito kakaiyak dahil nilalaro sya ni Daddy.

"Bakit hindi mo sagutin yang tanong ng ama mo? Hahaha" si mommy iyon.

"Bahala ka kapag naunahan ka ni Jedo" banta naman sakin ni Tristan.

"Sino si Jedo?" tanong ni Daddy.

"Raffy's childhood sweetheart. And a close friend of mine"

Binigay ko si Basty kay Daddy.

"Ewan ko sa inyo.." yun lang ang bukod tanging nasagot ko sa mga sinabi nila.

May Jedo nga pala si Raffy.

Bwiset!

-----------

Raffy's POV

Kanina pa ko sa cr at hindi ko na alam ang nangyayari sakanila.

Ayan kasi inaaway ni Mommy si Daddy!

Napangiti ako habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Sabi ni Spencer muka daw akong kamatis. Marahil ay kanina pa nito alam na nagbablush ako.

Natawa ako.

"Leche ka, Spencer! Ano ba ginagawa mo sakin!!! Hahaha" para akong baliw na kinakausap ang sarili sa harapan pa ng salamin.

At ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

No, Raffy! You promised to yourself that you will never ever love him again..

Napabuntong hininga ako.

Ang hirap kalabanin ang sarili.

Lumabas na ko ng restroom tutal muka na kong tanga kakatingin sa sarili ko.

Naabutan ko sila na nagtatawanan at si Spencer naman ang nagmukang kamatis.

"Did I miss something?" sabi ko.

"Nandyan ka na pala. Hahahaha" sabi ni Ate Spicy, "ito kasing si Spencer kanina pa namumula sa inis samin"

Naguluhan ako. "Bakit?"

"Nagseselos kay--------

Hindi na napagpatuloy pa ni Tristan ang sasabihin dahil biglang tinakpan ni Spencer ang bibig nito.

"W-wala iyon. Galing lang mang-asar ng mga ito"

Napangiti na lang ako.

Nagseselos sya? Kanino? Atsaka bakit sya nagseselos?

"Eh maiba nga tayo, kelan nyo ba balak binyagan si Basty?" tanong ni Tito Sergio.

"Pag 6 months na po si Basty" sagot ko.

"Aba malapit na iyon ah!" saad ni Tita Peris.

Umupo na kaming lahat upang kumain.

At habang kumakain kami, pinapaplanuhan na namin ang binyag ni Basty.

"Basta wag nyo kakalimutan kunin akong ninong ha.." sabi ni Tristan. Katabi nito si Ate Spicy.

"Sige ba. Basta wag nyong kakalimutan kunin si Basty na ring-bearer nyo ha. Haha" sagot naman ni Spencer na katabi ko.

Hindi na lang ako kumibo.

Tayo kaya, Spencer... kelan tayo ikakasal?

Napailing ako.

"Are you okay?" tanong ni Spencer.

Napatingin ako sakanila, "Aahhmmm. Oo"

"Eh bat umiiling ka? Ayaw mo bang ikasal sila Ate Spicy?"

"Of course not. Nahilo lang ako kaya napailing ako" palusot ko.

Kaya naman nabaling na ang atensyon nila sa dalawang plano.

Ang una ay ang binyag ng anak ko at ang ikalawa ay ang pagpapakasal nila Ate Spicy at Tristan.

Buti pa sila.

Shut up, Raffy! - sigaw ng isip ko.

Bakit ba?! Mahal ko sya eh! - sabi ng puso ko.

Gaga! Natutuwa ka lang dahil nabunutan ka na ng tinik! - sabi ng utak ko.

Napabuntong hininga ako. Ang gulo ng isip at puso ko kasing gulo ng buhok ko. Hahahaha.

Sana naman maisip ni Spencer na magpakasal kami. Kasi kahit ayoko ng magmahal, sa kaibuturan ng puso ko, siya at siya lang ang lalaking nanaisin kong makasama habang buhay.

Oo, ayoko na nga talagang magmahal pero mahirap pagsabihin ang pusong naturuan ng magtiis at magmahal ng isang manhid na kagaya nya.

Nakakatawang isipin na ang dali kong napatawad si Spencer sa lahat. Siguro dahil kay Basty.

*A/N: Baka magupdate ulit ako ngayon. Baka lang naman. Hahahaha. Keep reading!

Thank you nga pala sa 1.9k na nagbasa nito at sa patuloy pa rin magbabasa, salamat ng marami :)) Thank you rin sa 61.7k reads of Patiently Waiting :)

Mahaba haba pa po ang pagsasamahan natin sa istoryang ito. :)) Comment and vote now!

Nagmahal Ako Ng Manhid  [ On Going Series ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon