Chapter Four

577 8 0
                                    

Spencer’s POV

Nagpaalam ako kay Raffy na may gagawin lang ako but the truth is, susundan ko lang si Sheena. I miss her...

“Sheena...” tawag ko sakanya nang makarating kami sa parking lot ng venue.

Bigla itong umiyak. Syempre, to the rescue ako. Lumapit ako sakanya at niyakap sya.

“What happened?” tanong ko.

“I-i’m sorry for choosing my career over you...I-i know it’s my fault but I can’t lose you..” *facepalm*

Hinigpitan ko ang yakap sakanya, “Ssshhh..hush na, baby..”

Sa totoo lang, nawala ang lahat ng galit ko sakanya nang umiyak sya. Siguro ganito talaga kapag nagmamahal. Madaling mapatawad ang taong minamahal. Pero hindi pa rin ako makikipagbalikan sakanya, I still need a space...

“Come back to me please...”

“S-sorry, Sheena.. but I already have a girlfriend” sa sinabi kong iyon ay umalis ito sa pagkakayakap ko.

“Sino? Si Raffy na bestfriend mo?”

Tumango ako.

“Hah! I thought you’ll not fall in love with your bestfriend..” paasik nitong sabi.

“But I  did.. I did fall in love with her..” pagsisinungaling ko.

Lalo syang humagulgol ng iyak, “D-don’t you love me?”

Booom! Sapul ako doon ha. Of course, I love her....

“I love you.....” sabi ko.

Ngumiti sya..

“As a friend...”

Kitang kita ko sa mga mata nya ang sakit. Pero  mas masakit sakin na nakikita syang ganyan. Nagulat ako ng hawakan nya ang tyan nya..

“A-are you okay?” pag-aalala kong tanong.

Tumango sya, “Leave me please...gusto ko ng umuwi..” sabi nya while easing her pain.

“What’s wrong with you?”

“A-ang sakit ng tyan ko...”

“Shit! Hatid na kita sa condo mo.. tara!”

Pagdating namin sa condo nya..

Inalalayan ko syang makahiga sa kama nya. “Wait.. I’ll get you a med..” sabay takbo sa kusina sala nito para hanapin ang med kit nya.

Pagkakuha ko ng gamot nya, tumakbo ako papunta sa kusina para kumuha ng tubig at dali dali akong bumalik sa kwarto nya.

Tumabi ako sa kama nya, “Here...” inabot ko sakanya ang medicine nya. Kinuha nya yun pati ang isang basong tubig.

“Feeling better?” Tumango sya. Nakahinga ako dun. Humiga ako sa tabi nya pero syempre, wala akong gagawing masama sakanya. I don’t take advantage.

“I remember when we are still together.. you used to hug me.. kiss me.. tell me corny jokes and sweet things.... pero ngayon..” then suminghot sya na para bang iiyak na naman.

“Stop crying, Sheena... please... take a rest... nandito lang ako sa tabi mo..”

Tumingin sya sakin. “Paano si Raffy?”

Shit! Nakalimutan ko si Raffy!

“Ah eh... magpahinga ka lang... aalis rin ako mamaya kapag nakatulog ka na..” at tumayo na ko para ayusin ang kumot nito sakanya. Pumikit naman na si Sheena pero hawak pa rin nito ang tyan.

Nagmahal Ako Ng Manhid  [ On Going Series ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon