Chapter Forty-one

156 1 2
                                    

Spencer’s POV

 

“Anong nangyari?!” tanong ko kela Grasya at Jedo na nakaupo at tahimik lang.

Nag-iwas ng tingin ang dalawa. Walang may gustong magsalita ni isa sakanila.

“H-hindi rin namin alam”, sabi ni Jedo.

Napahawak ako sa ulo ko. Lakad doon, lakad dito. Hinihintay magising ang dalawang bata.

“Si Raffy nasa kabilang room.”

Lumapit ako sa mga bata at ginawaran sila ng halik. Pagkatapos nun, lumabas ako ng room nila para pumunta sa kwarto ni Raffy. Pagbukas ko ng pinto, nadatnan kong ginagamot ng nurse ang mukha ni Raffy.

Lumingon ang nurse sakin.

“You must be her husband”

“Soon-to-be-husband” pagtatama ko.

Ngumiti ito, “Good thing. Hindi masyadong nasira ang magandang mukha ng magiging asawa nyo. Simpleng pamamaga lamang ng mukha ang natamo nya.”

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng nurse. Pero inaalala ko pa rin ang dalawang bata na nasa kabilang kwarto. Hindi pa rin sila nagigising.

Nang magpaalam na ang nurse, tsaka lang ako lumapit kay Raffy. Nabawasan na ang pamamaga ng mukha nito pero nandoon pa rin ang pamamaga ng mga mata nito. Marahil ay dahil sa kaiiyak.

Niyakap ko sya. Niyakap din nya ko. Pero rinig ko ang paghikbi nito.

“Hush, baby. Everything will be okay”

“I-it’s all my fault. K-kundi dahil sakin, hindi mapupunta sa ganitong sitwasyon sila Basty at Shine.”

Ngumiti ako sakanya para kahit papaano, mapakita ko sakanya na wala syang kasalanan. Na maayos rin ang lahat.

Dumating ang mga doctor upang tignan ulit siya. Nagpaalam ako sakanya. Pero hindi ko na sinabi pa kung saan ako pupunta. Alam kong mag-aalala lamang sya.

Nagpunta ako sa Nurse’s station.

“Miss, saan po ba ang room ni Ms. Sheena?”

“Sa Room 235 po”

“Salamat!”

Agad kong tinungo ang kwarto nito. Bago kumatok ay nagbuntong hininga muna ako. Hindi madali kausapin si Sheena. She is too wild and desperate.

*knock knock*

 

“Pasok”

Pagkapasok ko ng pinto, nagtama agad ang aming mga mata. Hindi namin alam kung sino ang unang kikibo o magsasalita. Basta ang tanging alam ko lang, gusto ko ng matapos ito. Ayoko na ng gulo.

Nagmahal Ako Ng Manhid  [ On Going Series ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon