Chapter Twenty-six

276 3 0
                                    

Raffy's POV

"Bakit ba kasi kelangan pa nila tayong i-lock dito?!" pagmamaktol ko.

Samantalang itong si Spencer ay prenteng nakaupo sa couch nito.

"Do something!!!" utos ko.

Pero nakatingin lang ito sakin na para bang nasisiraan na ko ng baliw. Napaupo na lang din ako sa gilid ng kama at yumuko.

Hindi ito pwedeng mangyari samin ni Spencer. Hindi pwedeng kami lamang dalawa ang naririto sa kwarto.

"Stop thinking non-sense, Raffy. Mababaliw ka lang lalo.." sa wakas ay nagsalita na ito.

Tumingin ako rito. Nag-iinat-inat ito at humikab pa.

Binigyan ko ito ng masamang tingin.

"Oh what?" sabi ni Spencer nang mapansing ang sama ng tingin ko rito.

Agad kong niyakap ang sarili ko.

Hindi pwedeng maulit ang dati. Hindi pwede.

Bigla itong tumawa.

"Hahahahahaha! Iniisip mo ba na pagsasamantalahan kita?" at wala tigil pa rin itong tumatawa.

Binato ko ito ng unan pero nasalo lang din nito iyon, "H-hindi ah! N-nilalamig lang a-ako!" palusot ko.

Lumapit ito sakin at sabay hagis ng towel, "Maligo ka na. Hindi kung anu-ano ang pinapasok mo sa utak mo. Hahahahahaha. Malisyosa ka rin ha.."

Padabog akong tumayo at nang makalagpas ako rito, "GAGO!"

------------

Spencer's POV

Halos sumasakit na ang panga ko kakapigil tumawa dahil sa reaksyon ni Raffy kanina.

Kung alam mo lang, Raffy. Matagal na kong nagtitiis na hindi ka mayakap sa tuwing nakikita kita.

Nang makalabas na si Raffy galing sa cr, naamoy ko agad ang mabango nitong perfume.

Napatingin ako rito. Sakto rin namang nakatingin din ito sakin.

"Ano?!"

Napangiti ako, "You smell good.."

Nagsalubong ang mga kilay nito, "Inaakit mo ba ko?"

Natawa ako, "Hahahaha. Why would I do that?" tanong ko rito. Natatameme ito.

Tumayo ako at kinuha ang twalya na nasa gilid ko at lumapit kay Raffy, "Kung aakitin man kita, sisiguraduhin kong maaakit ka. Dahil sa oras na maakit kita, akin ka na.."

Pumasok na ko sa banyo at iniwan ko itong nakatulala.

One point for me..

Pagkatapos kong maligo ay nadatnan ko itong nakaupo at nakapikit.

She looks hot..

Ang sarap tuloy isipin na ako ang asawa nya at hinihintay nya kong matapos sa gagawin ko upang sabay kami matulog.

Pero hanggang sa panaginip na lang yata yun. Depende kung makakadiskarte ako ngayon.

"Kanina ka pa tapos?" mukang nagising ko yata si Raffy.

Lumapit ako sa kama at umupo, "Oo" sagot ko.

"Dito na lang ako sa couch, dyan ka na lang sa kama. Mukang walang balak sila Tita Peris na palabasin tayo rito"

Agad akong tumayo. Tsansa ko na para makita nya ang pagiging gentleman ko.

"Dito ka na sa kama, dyan ako sa couch."

Pero mariin itong umiling, "Dito na lang ako. Hindi ako sanay na walang katabi"

Bigla kong naalala si Baby Basty. Base sa nakikita ko sa mga mata nito, malungkot ito.

"Hindi ka sanay na walang katabi dahil kay Basty? Tama ba?"

Marahan itong tumango.

Napangiti naman ako sa naisip ko, "Oh tara dito sa kama! Tayo ang magtabi. Hahaha" labis labis na siguro ang kakapalan ng mukha ko kung tutuusin.

"Gago!" sabay talikod sakin at dali daling pumasok sa banyo.

Napahiga ako sa kama at sabay tawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

Mukang mahihirapan ako sa isang to ah.

*A/N: Eto lang kinaya ko. Pasensya na :)) 10 votes naman dyan for author's energy.

Anyway, sa mga makukulit dyan. Mag-uupdate ulit ako next time. Dadalasan ko na rin para hindi kayo masyadong mainip. :))))

Comment and vote now!!

Nagmahal Ako Ng Manhid  [ On Going Series ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon