Raffy's POV
Isang linggo matapos mangyari ang binyag ni Basty. At isang linggo ko na rin kinimkim ang saya ko sa tuwing maaalala ko ang mga salitang iyon.
Mahal na mahal kita, Raffy.
Automatic na nangiti ako.
"Ooohh. Nagiging baliw ka na naman. Hahaha" untag ni Grasya.
Nasa may mall kasi kami ni Grasya para makabili ng susuotin ni Basty sa kasal nila Ate Spicy at Tristan.
"H-hah? Hindi no. Nacucute-an lang ako sa damit na 'to" palusot ko.
Pero kilala ko si Grasya. Hindi ito basta basta maniniwala sa mga sinasabi ko unless yun talaga ang nakikita nito sakin.
"Kunwari ka pa! Eh for sure naman na inaalala mo yung mga sinabi sayo ni Spencer last week. Hahaha."
Bigla akong nag-iwas at tumalikod sakanya upang hindi nito mapansin ang pamumula at pag-iinit ng pisngi ko.
"Oh seeee! You're being denial again. Wag mo kasing iwasan. Kung mahal mo pa yung tao, eh 'di aminin mo. Mahal ka na naman nya eh."
Hindi ko pinansin si Grasya pero tumatak sa isipin ko ang mga huli nitong sinabi.
Kung mahal mo pa yung tao, eh 'di aminin mo.
Mahal ka naman nya eh.
"Eh paano kung hindi? Sige nga.." sabi ko at sabay harap rito.
Tinaasan ako ng kilay ni Grasya, "Gaga ka ba? Shunga? O bingi? Narinig mo yung sinabi nya that day. Ang sabi nya..
"Oo na! oo na!"
Natawa si Grasya, "Kitams! Ang gulo mo talaga!"
Napabuntong hininga na lamang ako. Naglakad kami papunta sa ibang stall sa dept.store para naman maghanap ng sapatos na susuotin ko sa kasal.
"Alam mo, Rafaela, kung natatakot ka na baka masaktan ka kapag sinabi mong mahal mo sya. Eh nakuuuu! Ako na nagsasabi sayo, wala ng pag-asa na magkaron pa ng happy ending ang buhay nyong dalawa"
Napanguso ako, "At paano mo naman nasabi na natatakot ako masaktan? At tsaka paano mo rin nasabi na mahal ko sya?" sabi ko habang pumipili ako ng mga sapatos sa isan stand.
"Simple lang.." hinawakan ako ni Grasya sa balikat at hinarap ako sakanya. "One look at you, at ayan.." sabay hawak nito sa mukha ko.
"Ayan ang ebidensya.."
"Hah?"
*Pak!*
"Bakit mo ko sinampal?!"
"Because you're glowing!"
At panandalian akong natahimik sa sinabi nito. Am I?
"Everythime na nandyan si Spencer sa paligid mo, para kang daga na nagtatago sa lungga mo. Kulang na nga lang ay hindi ka na magpakita sakanya.
Noong binyag ni Basty, habang kumakain tayo, para kang bulaklak na namumukadkad"
Natawa naman ako sa mga sinabi nito, "Hahahahahaha! Grasya, ikaw ba yan? Wag mo kong ikumpara sa mga bagay bagay okay?"
"And why not? That's true. You're like a flower that blooms when Spencer's around"
Hindi na ako nakaimik pa. Marahil ay masyado ng obvious na mahal ko nga talaga si Spencer.
Oo, mahal ko si Spencer. Pero natatakot akong aminin.
---------------------
Spicy's POV
"Mam, okay na po ba sa inyo ito?"
Napa-wow ako sa hawak hawak na wedding gown ng wedding designer ko.
"Fabulous!" puri ko.
"Bakit hindi mo i-try suotin?" suhestyon ni Spencer.
Kasama ko sya ngayon dahil hindi pwedeng si Tristan. Syempre, ang mga kasabihan ng matatanda ay dapat sundin totoo man ito o hindi.
"Sa bahay na lang pagkauwi natin. Para naman malaman ko opinion nila mommy at Raffy.."
There he goes again.
"Ikaw naman. Wag kang masyadong obvious. Hahaha"
"B-bakit?"
"Sa tuwing mababanggit pangalan ni Raffy, nagmumuka kang kamatis e. hahaha"
Napailing ito. "Masisisi mo ba ko?"
"Hahahaha. Bakit? Ikaw kasi eh! Aamin ka na lang sa harapan pa ng mga magulang natin"
Flashback
"Mahal na mahal kita, Raffy"
After namin marinig iyon kay Spencer. Ni isa samin hindi halos makapagsalita. Kahit yata si Jedo na halatang may gusto at pagtingin kay Raffy ay natahimik sa narinig.
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!HAHAHAHAHA! MANANG MANA KA TALAGA SAKIN, SPENCER! HAHAHAHAHA!"
It was Daddy who laughed so bad. Lahat kami napatingin sakanya. Halos hindi na ito makahinga kakatawa.
"Ano ka ba, Sergio! Napapahiya ang anak mo!" suway ni mommy.
"Naalala mo ba noong nagtapat ako sayo ng pag-ibig ko? hahahaha. Eksaktong yan talaga ang mga sinabi ko. At hindi lang iyon, sa harapan pa ng mga kaibigan, kapatid at pamilya mo. Hahahaha"
Napatingin ako kay Spencer na para bang binuhusan ng mainit na tubig.
Samantalang si Raffy naman ay napayuko lang at mahinhing kumakain.
Napailing na lang ako.
"Dad! Stop it okay? Hindi makakain yung dalawa.." sabi ko.
Pero wala pa ring tigil sa kakatawa si Daddy at syempre, ang tawa ng matatanda ay minsang nakakahawa.
Natapos ang kainan namin na halos sumakit ang mga panga namin sa kapipigil tumawa. Dad's fault of course. Kung hindi nya tinawanan si Spencer, for sure, makakapagpaliwanag pa sya pero it was too late. Naunahan na sya ni Daddy.
Umalis sila Jedo at Grasya na pilit ang mga ngiti.
"Nakaalis na pala sila.." si Tristan iyon.
"Yup.."
"Mukhang mahihirapan si Spencer kay Raffy dahil may Jedo na haharang. Did you see his face?"
Tumango ako. "May the best man win.."
End of flashback.
"Wag mo ng ipaalala yung mga nangyari, Ate! Maiinis mo lang ako"
Natawa ako. "And why not?"
"Dahil ayoko ng maalala"
"Bakit? Huwag mong sabihing hindi totoo yung sinabi mo kay Raffy?!"
Nanlaki ang mga ito, "TOTOO IYON! Mahal ko sya!"
I raised my both hands. "Okay fine! Don't yell at me. Hahahaha"
Hay nakuuuuuu! I just wish na hindi sya maunahan ni Jedo.
*A/N: ayan nakapag-update na rin! Hahahaha. Almost 4k na itong Nagmahal Ako Ng Manhid. :'))) overwhelmed lang! Comment and vote now!!
BINABASA MO ANG
Nagmahal Ako Ng Manhid [ On Going Series ]
RomanceBAKIT?! ANO BA KO SAYO? BETSFRIEND MO LANG AKO!!!! KINAKAUSAP MO LANG AKO KAPAG MAY KAILANGAN KA!!! KAPAG NASASAKTAN KA DAHIL SA BABAENG YAN!” sabay duro kay Sheena.. “MAHAL NA MAHAL KITA... PERO ANG TANGA TANGA KO.... AT NAGSISISI AKO DAHIL... NAGM...