Chapter Thirty-six

195 4 0
                                    

Spencer’s POV

 

“Wifey..” nakahiga ako kaya hindi ko agad napansin na nakauwi na pala ang future husband ko.

“Pagod ba?” sabi ko habang inaayos ko ang pagkakaupo ko.

Lumapit ito sakin at umupo sa tabi ko. Pinagdikit nito ang mga ulo namin at napansin ko ang pagod sa mga mata nya. Pumikit ito saglit pero dumilat din at tinitigan ako.

“Sorry. Hindi na ko nakakatulong sa pag-aasikaso para sa kasal natin.”

Hinawakan ko ang mukha nito. Pero mas lalo lang nito hinigpitan ang pagkakawak ko sa mukha nya.

Napabuntong hinga ito. “And I heard that you already met your father’s brother.”

Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha nito at tumingin sa kawalan.

“Hindi ko maintindihan kung bakit nawala yung galit ko sakanila ni Tiya Gloria.”

Nilagay ni Spencer ang isang braso nito sa may ulonan ko at ang isa ay nakayakap sakin.

“Sa tingin ko naman ay malilinaw na ang lahat sa pagitan ninyong dalawa. I just wish na hindi sya manggulo sa mismong araw ng kasal natin dahil kapag nanggulo sya, baka hindi ko alam kung ano magawa ko sakanya”

Napatingin ako sakanya. Masyadong nagiging protective si Spencer sakin at kay Basty mula ng maging okay kami. It feels so good, of course.

Bigla tuloy ako nakaisip ng magandang ideya.

“Bakit hindi natin sya isama sa program ng kasal natin? Bakit hindi na lang siya ang maglakad sakin papunta sa altar?” magiliw kong suhestyon.

Napakunot ang noo nito, “Paano pag hindi sya pumayag?”

Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis, “I know his weaknesses. Isang banggit ko lang ng pangalan ni mommy, ngingiti na yun. Hahaha” biro ko.

Ginulo nito ang buhok ko, “Puro ka kalokohan! Kaya manang mana sayo anak natin e.”

Ngumisi ako, “Hihihi. Alam kong magiging okay ang lahat. Positive lang dapat.”

Ngumiti ito at hinalikan ako ng matagal.

“MY GOOOOOOOOOD! Kung mag-aano kayo, sarado nyo ng mabuti itong pinto!”

That’s Tita Peris. Napabalikwas pa kami ni Spencer. Karga karga nito si Basty at nasa tabi ni Tia Peris si Tito Sergio.

“Sa atin na lang matulog itong si Basty. Mukhang may part 2 pa tong dalawa to.” Sabi ni Tito Sergio.

“Aba! Hindi pwede! Pagkatapos na ng kasal nyo tsaka kayo maghoneymoon! Tara na nga, apo ko. Tong mga magulang mo parang mga teenager!”

Bago sila tuluyang makaalis ay narinig pa namin ang huling sinabi ni Tito Sergio.

“Inggit ka lang palibhasa hindi kita pinapansin kapag kinakalabit mo ko. hahaha”

“Kapal ng mukha mo, Sergio!”

Nagkatawanan na lamang kami ni Spencer. Pero sa loob-loob ko, may kaba akong nararamdaman.

------

Felipe’s POV

 

Nasa may hotel ako ngayon. Nakahiga sa kama at walang ibang iniisip kundi si Raquela at Rafaela.

Tama si Rafaela. Hindi matutuwa si Raquela kung hahayaan ko ang galit ko sa ama ni Raffy.

 

Pero nagdududa pa rin ako sa isang babae na nakilala ko kamakailan lang. She was the girlfriend of Spencer. At may anak daw sila. Nakakapagtaka lang na parang gusto nyang ituloy ko ang balak kong pagsira sa kasal nila Raffy.

Naguguluhan ako. Kanino ako kakampi?

Buong buhay ko ay napuno ng galit ang puso ko at sanhi nito ang paglayo ng loob sakin ni Raffy.Imbes na maging ama-in nya ako ay naging pabigat  pa yata ako sakanya.

Buo na ang desisyon ko. Hindi ko sisirain ang kasal nila. Naikatok ko na sa puso ko na mahal ko ang anak nila Raquela. Matagal bago ko yun napagtanto.

At para sa babaeng gustong sirain ang kasal nila Raffy. Pipigilan ko sya.

Kelangan ay may magawa man lang akong tama para sa anak-anakan kong si Raffy.

 

-------

Third Person’s POV

 

After kong makausap si Felipe Tuazon, alam kong hindi ito kumbinsido sa mga kinuwento ko. So what? I don’t even care. Kung papayag sya sa plano ko, eh di mas masaya. Pero kung hindi, okay lang dahil kaya kong mag-isa patumbahin si Raffy.

Matagal na syang tinik sa lalamunan ko. Matagal na syang sagabal sa mga plano ko para saming dalawa ni Spencer. At kung hindi dahil sa pagmamahal nya, marahil ay kami pa rin hanggang ngayon ni Spencer. She is a capital B*TCH.

Makikita mo, Raff. Iiyak ka sa araw ng kasal mo dahil ako ang pakakasalan ni Spencer at hindi ikaw!

 

Nagmahal Ako Ng Manhid  [ On Going Series ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon