Chapter Thirty-five

210 3 0
                                    

Raffy’s POV

 

“It looks good.” Ngumiti ang wedding gown designer ko. Kasama ko rin si Grasya dito sa bridal shop. At kahit fresh from the States si girl best friend, sinamahan nya pa rin ako.

Hindi naman kasi pwede si Spencer ngayon dahil busy sa trabaho. Okay lang naman sakin. Atleast trabaho ang inaasikaso, hindi kung sino sino.

Naalala ko tuloy si Sheena. Nasaan na kaya sya?

“Okay ka lang ba?” tanong sakin ni Grasya.

“Hah? Ah oo. May naalala lang ako.”

Nagkibit-balikat na lamang si Grasya. And that’s really good about her. Hindi siya nag-uusisa pa sa kung ano man ang bumabagabag sakin or what. Hihintayin nya na lang na ako mismo ang mag-open about dun.

Pagkatapos kong sukatin ang wedding gown, naupo muna kami sa may gilid at nagpahinga muna saglit.

Marami pa kasi kaming dapat asikasuhin. Kahit na hindi ko masyadong nakakasama si Spencer sa mga ganitong bagay. Okay na rin sakin iyon dahil alam kong mas mapapagod sya kapag pareho nyang pinagsabay ang pag-aasikaso sa aming kasal at sa negosyo nito.

“I miss Jedo” mahina pero narinig ko iyon.

“What?!”

“I just miss him.”

Ako rin naman. Speaking of Jedo, uuwi daw sya before my wedding. Syempre, imbitado sya at isa siya sa mga kasama sa program.

Panandalian ako natahimik. May naalala na naman ako. Nakapag move on na kaya sya?

 

“Wag kang mag-alala kay Jedo. Nakikipag-date na nga yun kung kaninong babae eh.”

Hindi na ko nagulat sa balitang iyon ni Grasya. Ganoon naman siguro talaga ang ibang mga lalaki. They loved to go on a date with someone. Pero kapag nakita na nila si the one, hindi na nila iyon papakawalan pa at doon lamang nila ipapakita kung paano magmahal ng seryoso ang mga lalaki.

Naramdaman ko iyon noon kay Jedo. Pero mas iba ang feeling kapag yung tunay na mahal mo ang nagpaparamdam sayo ng mga ganoong bagay. Para bang gusto mo ng kiligin forever.

“I hope na makita nya yung tunay na magmamahal sakanya ng higit pa sa pagmamahal na binigay nya sakin noon.”

Grasya smiled. “Wag kang mag-alala. Ako bahala kay Jedo. Hahaha”

Natawa ako, “Ayan ka na naman. Wag mo ng kulitan ang isang iyon. Imbes na ma-inlove sayo, baka mabwiset na lang eh.”

“Grabe ka, Rafaela! Wala akong gusto sakanya! Duuhh!”

Okay. She looked defensive.

Nagmahal Ako Ng Manhid  [ On Going Series ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon