Spencer's POV
Ngayon ang araw ng binyag ng anak namin ni Raffy. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko.
Kaba dahil sa unang pagkakataon, may magagawa akong tama sa anak ko at maski kay Raffy. Pero may takot dahil kasama si Jedo sa mga magiging ninong ni Basty.
"Are you okay?"
Si Ate Spicy iyon. Suot suot nito ang tshirt na may nakasulat na Proud Ninang.
Tumango ako, "Cute mo pala kapag ganyan lang ang suot mo. Hahahaha. Hindi puro kung ano anong burloloy pa nakasabit sayo"
Bigla ako nitong binatukan, "Siraulo! Minsan mo na lang ako makitang simple magsuot, aalaskahin mo pa ko. hahaha"
Natawa na lang ako sa sinabi nito.
"Anyway, here comes the bride.." bulong nito sakin.
Paglingon ko sa may hagdanan..
Si Raffy... nakasuot ng tshirt na may nakasulat na Proud Mom.
Saktong nagtama ang aming mga mata.
Ewan ko ba kung guni guni lamang iyon pero ngumiti ito sakin.
"Bakit hindi ka pa nagbibihis?" tanong sakin ni Raffy ng makababa na ito ng hagdan.
"Ah k-kasi..."
Shit! Ano nangyari? Dahil lang sa simpleng ngiti, nautal ako.
Napailing nalamang si Raffy, "Magbihis ka na. Sayo kami sasabay sa pagpunta sa simbahan.."
Agad itong dumiretso sa may kusina.
"Hay naku! Kung habambuhay ka magiging ganyan sa tuwing nandyan si Raffy, aba eeeeeh! Mauunahan ka nyan!" babala sakin ni Ate Spicy.
---------------
Nasa simbahan na kami. Ang daming tao as usual pero ang kinaganda lang niyon, ay mas angat kami kesa sa ibang pamilya na naroon.
Ako ay nakasuot ng Proud Daddy tshirt. Sila mommy at daddy naman ay Proud Lolo and Proud Lola. Syempre yung iba, alam nyo na.
Hinihintay na lamang namin ang ninong at ninang ni Basty sa side ni Raffy. Walang iba kundi sina Grasya at Jedo. Samantalang si Ate Spicy at Tristan naman ay sa side namin.
Simple lang ang binyag ng anak ko. Hindi rin naman namin kasi mahagilap ang tiyo at tiya ni Raffy para maging saksi man lang sa pagbibinyag ng anak namin ni Raffy.
Tinapik ako ni Tristan, "Andyan na bago mong karibal kay Raffy.." bulong nito sakin.
Paglingon ko sa pintuan ng simabahan, nandoon si Jedo kasama si Grasya. Nakatayo ang mga ito at kausap si Raffy na karga-karga naman si Basty.
Ano kaya pinaguusapan nila?
Tumayo ako at naglakad papunta sakanila. Nang makita ako ni Jedo ay binati agad ako nito.
"Good morning, Mr. Spencer.."
"Good morning. In a few minutes, magsisimula na ang binyag.." pakunwari ko.
Ngumiti ito at sabay tingin kay Raffy, "Tara na?"
"Sure.." sagot naman ni Raffy.
Naunang naglakad sila Raffy, Grasya at Jedo patungo sa pwesto namin.
"Ano nangyari? Naunahan ka?" asar sakin ni Ate Spicy.
"Just shut up, will you?" inis kong sagot.
BINABASA MO ANG
Nagmahal Ako Ng Manhid [ On Going Series ]
RomanceBAKIT?! ANO BA KO SAYO? BETSFRIEND MO LANG AKO!!!! KINAKAUSAP MO LANG AKO KAPAG MAY KAILANGAN KA!!! KAPAG NASASAKTAN KA DAHIL SA BABAENG YAN!” sabay duro kay Sheena.. “MAHAL NA MAHAL KITA... PERO ANG TANGA TANGA KO.... AT NAGSISISI AKO DAHIL... NAGM...