Raffy's POV
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa banyo at bathtub pa talaga.
Dali dali akong bumangon pero agad akong nakaramdam ng pangangalay sa likuran ko.
Hawak hawak ko ang likuran ko ng lumabas ako sa banyo.
Bwiset ka, Spencer! Kung hindi mo ko inasar, hindi ako makakatulog sa banyo at mangangalay ang likuran ko ng ganito!
At napailing na lang ako habang sinasara ko ng maingat ang pintuan ng banyo.
"Ano iniiling iling mo dyan?"
"AY KALABAW!" sigaw.
Sakto namang pagkaharap ko sakanya ay isang hakbang na lamang ang pagitan namin.
Nakangiti ito sakin na para bang di alintana ang isang hakbang na pagitan sa aming dalawa.
At itong puso ko, para bang mga naghahabulang daga.
Nangako ako sa sarili ko na hindi ako muling iibig sayo, Spencer. Pero ano ba tong ginagawa mo sakin? Bakit binabalik mo yung dating ako... yung dating bestfriend mo..
"Tumabi ka dyan.." sabi ko. Ramdam kong nag-iinit ang mga pisngi ko.
He gave me a way.
Halos patakbo akong pumunta sa kama at wala akong pakielam kung saan matutulog itong Spencer na to. Nagtalukbong pa ko ng kumot para hindi nito mahalata ang pamumula ng mukha ko.
At ulit, nakatulog na naman ako ng hindi ko namamalayan.
------------
Spencer's POV
Dito ako ngayon sa couch natutulog pero hindi ako makatulog. Nakarehistro pa rin sa utak ko ang itsura ni Raffy kanina.
Halos magmuka na syang kamatis at hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti dahil dun.
Lumapit ako kay Raffy. Mahimbing na itong natutulog sa kama. Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok na tumatabing sa magandang muka nito. At may napansin akong kakaiba sa labi nito.
Hindi pa rin sya nagbabago.... may laway pa rin sya sa labi.
*door opens
"Spencer.."
"Ate Spicy?"
Napatayo naman agad ako. Biglang sumilay ang nakakalokong ngiti kay Ate Spicy.
"Kaw aaaaaah! Minamanyakan mo si Raffy!"
Lumapit ako sakanya. "Buti naman at hindi na ito naka-lock.." sabi ko. Hindi ko na lamang pinansin ang pang-aasar nito sakin.
"Hah?! Hindi naman to naka-lock ah"
"ANO?!?!"
At ito na naman si Ate Spicy, "Kunwari ka pa.. gusto mo lang masolo si Raffy at masundan si Basty"
Nagsalubong ang mga kilay ko.
"Hoy! Ayain mo muna magpakasal si Raffy no.."
"Dadating din tayo dyan. Pero mauna muna kayo ni Tristan.." seryoso kong sagot.
"Speaking of that, tutal 2 months before ang binyag ni Basty. Plano namin na mauna muna ang binyagan before our wedding"
"Kelan ba ang kasal nyo?"
"Secret. Hahaha"
At bumaba na ito.
"Baliw.." sa loob loob ko.
BINABASA MO ANG
Nagmahal Ako Ng Manhid [ On Going Series ]
RomantikBAKIT?! ANO BA KO SAYO? BETSFRIEND MO LANG AKO!!!! KINAKAUSAP MO LANG AKO KAPAG MAY KAILANGAN KA!!! KAPAG NASASAKTAN KA DAHIL SA BABAENG YAN!” sabay duro kay Sheena.. “MAHAL NA MAHAL KITA... PERO ANG TANGA TANGA KO.... AT NAGSISISI AKO DAHIL... NAGM...