Raffy’s POV
Back to normal, I guess. Balik na ko sa condo ko. Nagpaalam na rin ako ng maayos kay Tristan at mukhang nalinawan naman na sya sa mga sinabi ko sakanya kanina sa opisina.
And for Spencer, parang okay na kami pero nandun pa rin yung awkwardness kanina noong magkita kami sa Japanese Resto.
*beep beep beep*
From: Spencer
Nandito po ako sa labas ng condo unit mo.
Pagkabasa ko nun ay dali dali akong tumungo sa pinto at pagkabukas ko niyon..
O_O “What are you doing here?!” labis kong pagkagulat. Mukhang hindi nasiyahan tong lalaking to kanina sa Japanese Resto.
“I bought you a monigold... favorite mong ngatain..” with pa-cute-smile.
Kinuha ko iyon, “T-thanks.. p-pasok ka..” nagdadalawanag isip pa ko pero wala eh, pinapasok ko na rin. Bestfriend naman kami eh.
Yeah... bestfriend huh..
Pagpasok namin, inayos ko agad ang mga nakakalat na gamit ko. “Pasensya ka na, medyo magulo pa tong condo ko eh..”
“Okay lang, kelan ba naging maayos yan? Hahaha” here it go.. nagbibiro na naman sya at syempre, tatawa ako.
“Hahahaha. Che!” sabi sa inyo eh, tatawa ako.
Inayos ko muna ang sofa na medyo nawala sa ayos tsaka ako umupo, “bakit mo nga pala ko binilhan ng monigold?”
(*A/N: Guys, in case na hindi nyo alam yung monigold, it is a chewable tamarind candy *insert picture on the right side* )
“Ah eh... Welcome back?” sabay wagay wagay ng dalawang balot ng monigold. I found it sweet pero... wag mag-assume... mahirap masaktan ulit. He he he
"Aaaahh.. okay.. thanks anyway” wala kasi akong masabi eh. Nabigla rin naman ako no.
Umupo ito sa tabi ko gaya ng dati.
Dati? Hindi na kagaya ng dati.. kasi kung dati, wala pa kaming keme keme eh.. ngayon... jusko... awkward lang ang peg namin..
Binuksan ko ang isang balot ng monigold at bago ako kumuha, inalok ko muna sya, “you want?”
Napangiti si Spencer, “Syempre.. favorite natin yan eh. Hahaha”
Nacurious ako, “Anong masamang hangin at napapunta ka pa dito?” seryoso kong tanong. Ang bilis kong mag-mood swing no?
Natuliro naman si Spencer, “G-gusto lang kita makausap..”
“About?”
“S-sa tin..”
Napailing ako, “I told you, after ng problema nila Ate Spicy .. tsaka natin aayusin ang problema natin..”
Natahimik ito, “Pwede namang ayusin natin ng sabay yun di ba? Tsaka na-realize kong bakit natin kelangan mangielam sa relasyon nila Ate Spicy at Tristan noon...
Unless.... mahal mo na si Tristan ngayon...” napatingin ako sa mga mata nito. Parang nakikita ko na nasasaktan sya pero I doubt.
Nag-iwas na lang ako ng tingin, “O-oo mahal ko na sya...” pagsisinungaling ko. Nandodoon pa din ang takot ko.
“K-kung mahal mo sya, bakit kelangan mo pa ring ayusin ang relasyon nila Ate Spicy?”
“D-dahil may pagmamalasakit ako kay Ate Spicy. G-gusto ko lang maging okay na sya because she’s also my sister..” another lie.
BINABASA MO ANG
Nagmahal Ako Ng Manhid [ On Going Series ]
RomanceBAKIT?! ANO BA KO SAYO? BETSFRIEND MO LANG AKO!!!! KINAKAUSAP MO LANG AKO KAPAG MAY KAILANGAN KA!!! KAPAG NASASAKTAN KA DAHIL SA BABAENG YAN!” sabay duro kay Sheena.. “MAHAL NA MAHAL KITA... PERO ANG TANGA TANGA KO.... AT NAGSISISI AKO DAHIL... NAGM...