Raffy's POV
"Ano?!?!" halos pasigaw kong tanong kay Tristan. Kausap ko ito sa phone at nanggigigil akong ibato itong cellphone ko dahil sa pag-amin sakin ni Tristan na aksidenteng nalaman nila Ate Spicy at Spencer ang lahat lahat tungkol sa pagbubuntis ko noon kay Basty.
"Sorr, Raffy. Alam kong galit ka sakin pero isipin mo naman na kelangan din malaman ni Spencer ang totoo. Hindi habang buhay ay maitatago mo si Basty sakanya.."
Nag-init ang tenga ko sa mga narinig ko, "At sino may sabing itatago ko si Basty sakanya?! What the hell! Hindi ako makasarili para hindi ipakilala sa anak ko ang ama nya!"
Narinig kong nagbuntong hininga si Tristan. Nakonsensya naman ako bigla dahil sa tono ng pananalita ko at sa mga nasabi ko na rin.
"Sorry, Tristan. I'm tired and I want to take a rest.." sabi ko.
"Sorry, Raffy. Go ahead, you take a rest.."
At in-end na nito ang call. Napahiga ako sa malambot na kama sa hotel na tinutuluyan ko.
I'm here in the Philippines with Basty samantalang susunod na lamang dito si Jedo dahil sa mga trabaho na hindi nya pwedeng iwan sa States.
Hindi pa nila alam na nandito na ko sa Pilipinas. Pero kelangan ko ng tapusin ito. Kelangan ko ng kausapin si Spencer. Sapat na yung halos isang taon na hindi ko sya nakita at nakausap.
Pinagmasdan ko si Baby Basty na natutulog.
Anak, bakit kamukang kamuka mo ang ama mo?
Sa tuwing nakikita kita, siya lagi ang naaalala ko.
Sana sakin ka na lang nagmana..
-----
Spencer's POV
"Hello?.. Ano?!.. They're here?!.. Okay.. Thank you!"
Kagigising ko lang ng tumawag sakin ang investigator at sinabing na-trace na nila kung nasan ang mag-ina ko.
Nasa Pilipinas na sila. At ang nakakatuwa doon ay ipapakilala nya sakin ang anak ko. How did I know about it? Sinabi sakin ni Tristan. Yes, Tristan is on my side now.
Gusto nya din kasi ako matulungan para magkaayos na kami ni Raffy.
Ano nga ba ang gusto ko? ...
Gusto kong pakasalanan si Raffy para maging one big happy family na kami..
----------------
"Spencer, what is this?" sabi ni Ate Spicy sakin habang hawak hawak nito ang mga papel.
Hula ko, meeting proposals ko yun para kay Raffy.
"Are you insane? Do you think papayag si Raffy ng basta basta sa meeting proposals na 'to? My God, Spencer! Hindi 'to isnag negosyo na kelangan nyong magpalitan ng kontrata at kondisyon para kay Basty!"
Nainis naman ako.
"So what do you suggest?! Sugurin ko sya sa hotel na tinutuluyan nila at sabihing, Raffy come back to me.. marry me and we will live happily ever after?!" I shouted.
Huminga ng malalim si Ate Spicy hudyat na pinapakalma nito ang sarili.
"Let me handle this.."
BINABASA MO ANG
Nagmahal Ako Ng Manhid [ On Going Series ]
RomanceBAKIT?! ANO BA KO SAYO? BETSFRIEND MO LANG AKO!!!! KINAKAUSAP MO LANG AKO KAPAG MAY KAILANGAN KA!!! KAPAG NASASAKTAN KA DAHIL SA BABAENG YAN!” sabay duro kay Sheena.. “MAHAL NA MAHAL KITA... PERO ANG TANGA TANGA KO.... AT NAGSISISI AKO DAHIL... NAGM...