HINDI MAGKAMAYAW SI Jacel sa pag-aayos ng kanyang gamit. Late na siya. Pinagpuyatan kasi niyang gawin ang kanilang assignment sa Accounting. “Linsyak naman kasing instructor ‘yon, oo. Bakit kasi kailangan niyang ipa-assignment lahat? Hindi naman niya tsine-tsek!” litanya ni Jacel habang nagsusuklay.
“Jacel, late ka na! Bilisan mo riyan at ‘wag kang kukupad-kupad!” bulahaw ng kanyang Tiya Auring. Simula nang mamatay ang kanyang Nanay noong 16 years old siya, ang kanyang Tiya Auring na niya ang nag-alaga sa kanya. 18 years old na siya sa susunod na dalawang buwan. “Hindi ka na nga nakapaglinis at nakapagluto, ang kupad mo pang bata ka. Pasalamat ka nga at inampon kita. Kung hindi baka pakalat-kalat ka na ngayon sa kalye...”
Hindi na lang pinansin ni Jacel ang kanyang Tiya Auring. Araw-araw na sermon ang naririnig niya sa matanda kaya nasanay na rin siya. Ito ang buhay ng isang Jacel Anne Domingo. Saklap ‘no?
So what makes her story different? Nothing. She was just an ordinary girl who loved to do ordinary things.
Hindi mayaman pero matalino siya.
Hindi siya kabilang sa alta sosyedad pero mataas ang pangarap niya.
Ambisyosa siya. Oo, inaamin niya.
Mataas ang pangarap niya dahil may gusto siyang patunayan sa mundo.
Dito nagsisimula ang kwento ng isang Jacel Anne Domingo. An ordinary girl... until she met her man that makes her an extraordinary woman.
~~o~~
INABUTAN NI JACEL ang mga classmate niya na nagkukumpol sa may hallway nila ng umagang iyon at may pinag-uusapan. Sa Saint James University na pinag-aaralan niya, uso roon ang walang humpay na payabangan. Doon ang makikita kung ano ang uso sa lahat ng bagay. Hindi na kailangang sabihin ni Jacel na halos lahat ng studyante roon ay mayayaman. Outlier nga siya. Naroon lang siya dahil sa scholarship grants na ibinigay sa kanya.
“Anong meron?” tanong niya.
“Natatandaan mo pa ba ‘yong bagong transferee sa Engineering department?” panimula ni KM, ang pinakamadaldal at pinakakwela niyang kaibigan.
“Sino roon,” clueless niyang tanong.
“Naku, itong kaibigan talaga natin, daig pa ang may amnesia. Sinong hindi makakakilala kay Lindon Johann Ong?” sabad ni Meriza. Ang malandi niyang kaibigan. Opps, medyo harsh iyon. Hindi naman malanding-malandi. Mild lang. Nasa safe zone. Kung may ganoon man.
Halatang seryoso ang pinag-uusapan nila dahil lumalaki pa ang nguso ni KM habang nagkukwento. “Totoo raw ang bali-balita na nabuntis niya si Eva. Naku, knowing Eva’s reputation, for sure hindi malabong mangyari iyon.”
Notorious si Lindon sa pagiging iba. He was gifted with an angel’s face. Maamo siyang tignan dahil may lahi siyang intsik. His face conveyed as if he couldn’t do anything wrong. But his eyes, those almond deep-set eyes, were different story. It pictured thousands of emotions. He was naughty. He wore his clothes in a rugged way. He was mysterious, elusive... and usually a player. That’s why, girls in her generation swooned to that man.
BINABASA MO ANG
The Kiss of the Sun and The Lake
RomanceHindi siya iyong lilingunin kapag nakasabay kasi isa lamang siyang ordinaryong babae. Hindi siya iyong mapapansin sa isang lipon ng tao kasi isa lamang siya ordinaryong babae. Hindi siya 'yong magkaroroon ng hitik sa abs na love interest kasi isa l...