Chapter 21: The Unexpected Pursuit to Happiness

3.7K 84 7
                                    

ANG MGA SUMUNOD na araw para kay Jacel ay may sayang hatid sa kanya. Nawala ang lumbay sa kanyang sistema at may ngiti sa labing sinusuong niya ang bukas. Inaasam niya ang kinabukasan sa positibong paraan.  Marso na iyon at eksatong isang buwan ang nakalipas na pumanaw si Grace. Bumalik na ulit siya sa Angel’s Haven at tumutulong doon. At kay Lindon... napangiti si Jacel pagkaisip sa binata. Maganda ang takbo ng kanilang relasyon. Hindi masasabing sila na pero kung umakto ang binata ay parang boyfriend na niya.

Hapon na at naglalakad siya sa corridor nang mapansin niya ang tatlong studyante na nakahawak na mahaba ang malaking papel. May nakasulat iyon na, This way to happiness, Jacel. Bukod doon may arrow na nakuturo sa kaliwang direksiyon ng corridor. Nagtataka man pero sinunod iyon ni Jacel at ginabayan siya ng tatlong babae. May tatlo pang arrow sign na nadaanan si Jacel hanggang sa makarating siya isang malaking bulletin board.

Unlock the mystery. Find your happiness, Jacel.

Iyon ang nakasulat sa malaking board. Sa baba niyon ay may tatlong tanong. Sagutan daw niya ang tanong in-oder para makuha ang sequence.

1.        Which of the following metal will not rust?

k. Nickel

l. Gold

m. Zinc

n. Silver

Napaisip si Jacel sa unang tanong. Hindi siya sigurado pero may kinalaman ang malleability para hindi mag-rust ang isang metal. Gold ang sagot niya pero mukhang tama rin ang Silver. She crossed out Nickel and Zinc as an answer. Nilagtawan niya ang unang tanong at sinagot ang pangalawa.

2.        What does ‘Amen’ mean?

e. See you same time tomorrow

f. the end

g. I agree

h. So be it.

Dahil nag-aaral siya sa isang catholic school alam niya ang sagot doon. At imposibleng walang nakakaalam ng sagot sa tannog. She picked letter H.

3.        What is the national flower of Australia?

g. Golden Wattle

h. Rose

i. Lily

j. Chrysanthemum

Hindi niya alam ang national flower ng Australia pero alam niyang ang Rose ay national flower ng Great Briatain at ang Chrysanthemum sa Japan. Hindi niya sigurado ang Lily pero parang sa Italy iyon. So Jacel answered letter G golden wattle. Isang pinagtatakhan ni Jacel ay ang mga pagpipilian na letra. Magkakaiba iyon. Sigurado siyang may kinalaman iyon para ma-unlock niya ang mystery na iyon.

Dahil hindi pa siya sigurado sa unang tanong. Kinuha ni Jacel ang dalwang kombinasyon ng letra. L-H-G at N-H-G. Nag-isip siya ng ilang minuto kung ano ang kinalaman ng kombinasyon na iyon. Malamang lugar iyon o pangalan. Inisip niyang mabuti ang mga lugar na alam niya o mga tao na sangkot para sa happiness na iyon.

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon