Chapter 12: The Unexpected Master, Servant, and Encryption

4.8K 103 19
  • Dedicated kay Chenchen Brin Felix
                                    

SABADO IYON NG umaga at kinakabahan si Jacel. Ngayon ang simula ng pagiging ‘katulong’ niya. Kinausap niya kahapon ang kanyang Tiya Auring at pumayag naman ito. Mas mabuti raw iyon para may maipapantustos siya sa kanyang pag-aaral. Mabait naman ito at hindi naman sobrang istrikta. Mabunganga lang talaga ito, maramot, at malaki ang issue sa mga palamunin.

Naka-jeans, t-shirt at backpack lang siya. Maaga siyang gumayak at nag-abang tatlong bloke mula sa kanila. Sinabi ni Lindon kahapon na susunduin siya sa bahay nila. Nagtaka siya kung bakit alam ng binata kung saan ang bahay nila pero sa huli napagkasunduan na lang nilang sa highway malapit sa kanila. Naputol ang pagmumuni-muni niya nang may pumaradang kulay abong Porsche. Takaw pansin iyon sa kalye nila dahil halatang pang-mayaman ang kotse nito.

Bumaba ang bintana ng kotse nito at lumitaw ang kanyang paningin si Lindon na naka-Ray ban. Nakatingin ito sa kanya at hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito.

“Hop in,” utos sa kanya ni Lindon.

Nadismaya siya na hindi man lang ito lumabas para pagbuksan siya ng pinto.

Jace, katulong ang role mo sa kanya. Hindi isang prinsesa. Kaya ‘wag kang mag-ilusyon.’

 

Sumakay siya sa kotse nito. Kung gaano kaganda sa labas, walang sinabi sa loob ng kotse nito. Sobrang bango at lamig. Pati ang upuan ay sobrang lambot. May inabot itong papel sa kanya at nang tignan niya iyon ay tseke na nakapangalan sa kanya.

“Ano ito?” inosenteng tanong niya sa napakagwapong binata.

“Paunang bayad,” masungit nitong tugon.

 

“Masyado naman ata itong maaga.” Jacel tried to give the check back to Lindon but he refused.

“Keep it. Hindi iyan bigay. Pagta-trabahuan mo iyan,” pinal na saad nito.

Hindi na lang nagsalita si Jacel dahil hindi rin niya alam ang sasabihin niya. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Parang may mangyayaring hindi niya alam. Walang umimik sa kanila sa dalawampung minutong biyahe nila. Naging doble ang kabang naramdaman niya nang mapansin niya ang daan na tinatahak nila, pamilyar iyon sa kanya.

Nang huminto ang sasakyan nito sa isang bahay, doon na siya hindi mapakali.

“A-anong ginagawa natin dito?” kinakabahang tanong niya.

‘Kilala na ba niya ako? Naaalala na kaya niya? Pero imposible, masyado pa kaming bata noon!’

 

Kumunot ang noo nito sa tanong niya. “This is my house.”

“Dito? Nasaan ‘yong mga nakatira rito?” aligagang tanong niya.

‘Back out, Jace. You’re not yet ready.’

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon