NASA BATIBOT SINA Jacel at mga kaibigan niya. Vacant nila kaya todo ang chikahan nila.
“Grabe ‘yong conversation ninyo kanina ni Papa Lindon, friend,” ani KM. Nagniningning ang mga mata pagkatapos sabihin ang pangalan ng lalaki.
“Kaya nga. Hindi ako makapaniwala na may tinatago siyang angking galing. Hindi ko maarok kung gaano siya kagaling,” pahayag ni Meriza. She seemed so dazed by Lindon’s acumen.
Well, aminin man niya o hindi, napabilib din naman siya ng binata. And what he showed was just a piece of his intelligence.
‘Wag kang bumilib sa kanya, Jace. Tandaan mo ang ginawa niya sa’yo noon.’
”Ang sabihin niyo, hambog ang lalaking iyon. Kung hindi ba naman isa at kalahating bastos,” may pagkadisgustong pahayag ni Jacel.
“Pero sinakyan mo siya,” nang-uusig na nanunuksong atal ni KM.
“And you pushed him Jace. Kung ako iyon, sasabihin kong habangbuhay akong magpapa-ilalim at magpapaalipin sa kanya,” maharot na pagkasabi ni Meriza. Nagmukha itong broadway actress habang tinuturan iyon. Mukha itong baliw.
Inismiran ni Jacel ang dalawang kaibigan.
“Teka nga. Sino ba ang kinakampihan ninyo rito?” tanong ni Jacel sa dalawa.
“Wala. Wala kaming kinikilingan. Dapat nasa panig lang kami ng katotohanan, Jace. At may punto si Lindon,” ani KM
“Ganoon ba? Hmm sige. Natapos ko pa naman ang assignment natin kagabi sa Accounting. At sobrang hirap ng problem na iyon. Tsk tsk. Goodluck sa inyo friendship. Ipapass ko na ito mamaya,” pamba-blackmail ni Jacel sa dalawa.
“Teka naman. May punto si Lindon, oo. Pero siyempre kaibigan ka namin. Kilala ka namin, may paninindigan, may prinsipyo sa buhay. Ang galing mo nga kanina friendship eh. You stood against that... that... beast!” biglang bawi ni KM.
“Really?” Jacel was amused. Alam na niya ang patutunguhan ng usapang ito.
“Oo! Ikaw kaya ang simbolo ng makabagong babae sa henerasyong ito. Kapag nakilala ka ng mga lalake rito, aba, magkakandarapa silang manligaw sa’yo. May sarili kang disposisyon sa buhay. Matalino. Palaban. Mabait. Matalino ka. Palaban. At mabait. At sobrang ganda mo friendship. Inside,” pagpapatuloy ni KM
Tuluyan siyang natawa sa sinabi ng kaibigan. “Luka-luka. Inuulit mo lang naman eh.”
“Para may emphasis friendship. Para malaman ng nagbabasa ng kwentong ito na iyon ang mga katangian mo na babago sa buhay ng makakatuluyan mo. O, andami ko nang sinabi, amin na ang assignment at pakopya, friendship,” pakwela ni Jacel.
Natatawang ibinigay ni Jacel ang kanyang assignment kay KM. Minsan hindi niya lubos maisip kung paano niya naging kaibigan ang mga ito. Madalas may saltik ang mga ito. Kaya siguro pati siya nahawaan ng mga ito.
BINABASA MO ANG
The Kiss of the Sun and The Lake
RomanceHindi siya iyong lilingunin kapag nakasabay kasi isa lamang siyang ordinaryong babae. Hindi siya iyong mapapansin sa isang lipon ng tao kasi isa lamang siya ordinaryong babae. Hindi siya 'yong magkaroroon ng hitik sa abs na love interest kasi isa l...