Chapter 29: The Unexpected Quest for Forgiveness

4.2K 82 2
                                    

“MOMMY DEAR, READ me a story again.” Jacel leaned back as Grace looked at her. Nasa kama siya ng bata at oras na iyon ng pagtulog nito.

 

“What story you want me to read?” she asked, touching her forehead. They’re inseparable, her love for this witty girl was infinite. They both filled the emptiness in their hearts. It was like losing a house then finding a home afterwards.

 

“I want Goldilocks and the Three Bears,” Grace said, smiling and beaming.

 

“Bakit ba gustong-gusto mo ang story na iyon?” The story revolved about Goldilocks intruding the house of the Three Bears. “Wala namang ibang ginawa si Goldilocks kundi kainin ang pagkain ng mga Bear at sirain ang mga gamit nila.”

 

Niyakap siya ni Grace, siniksik ang munting ulo sa leeg niya. “Because it talks about forgiveness.”

 

Jacel hugged her tightly, that word alone, coming from seven-year old girl, melted her heart.

 

Forgiveness.

Forgiveness.

Forgiveness.

 

Nagmulat ng mga mata si Jacel. Binabalik niya sa alaala ang panaginip. Matagal na ring hindi niya napapanaginipan si Grace, at nangyayari lamang iyon kapag hindi maganda ang pakiramdam niya o may pahiwatig ito sa kanya.

Agad bumangon si Jacel nang mapansin na pasado alas-siyete na. Mabilisan ang kanyang pagligo at pagbihis. Makalipas ang dalawampung minuto ay pababa na siya sa hagdan. Pinuntahan niya ang ama na nasa komedor.

“Oh, hija, kain ka muna,”

 

“Hindi na, Pa. Male-late na ako.” Agad siyang humigop ng kape saka humalik sa pisngi ng Ama.

“Pinapabayaan mo ang sarili mo. Subsob ka masyado sa trabaho. Paano ako magkakaapo niyan?” pahabol na tanong ng matanda nang palabas na siya sa komedor.

Pinaikot ni Jacel ang mga mata. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, palage nitong inuungot na bigyan na raw niya ito ng apo na parang may instant pregnancy capsule sa Pilipinas, na pag-inom mo may iluluwa ka na kaagad na bata.

Dahil coding siya ngayon at may emergency na pinuntahan ang kanilang driver, naisipan ni Jacel na mag-taxi na lamang. Tumawag na siya sa may guard na magpadala ng taxi.

Nasa labas na siya ng bahay at hinihintay ang taxi nang napansin  niya ang kotse na nakaparada sa gilid ng kalsada. Noong isang gabi ay nabungaran niya ang sasakyan mula sa kwarto. At bawat umaga ay naroon ito.

Dala ng kuryusidad ay nilapitan niya ang sasakyan. Habang papalapit siya ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Ganoon na lamang ang gulat niya nang mabungaran ang mukha ni Lindon, natutulog at mukhang pagod dahil nangingitim ang palibot ng mata nito at may mga balbas itong hindi naahit ng ilang araw.

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon