Chapter 16: The Unexpected Kiss

4.1K 102 12
                                    

NAKASAKAY SI JACEL sa jeep ng umaga na iyon papuntang mansion. Hindi siya nakatulog kagabi. Naguguluhan siya sa nangyayari sa kanyang buhay. Una, ang muntikan nilang pagkamatay ni Lindon, puno siya ng pasasalamat sa binata na naroon ito kasama siya. Pangalawa ang ay pagsama nito sa kanya sa Angel’s Haven. Maraming binuhay na emosyon sa kanya ang lalake. Hindi niya lubos maisip na makakaya nitong makihalubilo sa mga bata sa bahay ampunan. From the looks of it, he will be a good father someday.

Isang rason kung bakit masaya siya ngayong araw na ito ay ang pang-walong yellow card na natanggap niya galing sa kanyang mysterious admirer. Hindi ordinaryo ang mga liham na natatanggap niya dahil may code ang mga iyon at hindi pare-parehas ang mga pamamaraan ng kanyang mystery man. Minsan inaabot siya ng isang araw para malaman ang tunay na mensahe ng kanyang liham. Gaya ni Dennis, natutunan niyang mahalin ang cryptology. Na-e-excite siya kapag may natatanggap siyang sulat. Pakiramdam niya nakakagawa siya ng mahika kapag tuluyan niyang nalaman ang tunay na mensahe noon. Ang pang-walong liham na nakuha niya may may nakalagay na ganito.

Rgl’td dm jnahrdtz agnq. Ej nqiza kd ku.

7 8 9 -2 1   -3 1    5 4 3 1 -4 -3 -2 -1    6 2 4 -5.  -3 -5    2 1 6 -5 3   4 2   -2 -1

To get the real message of the plain text, one must add the number to the plain text. Say for R, its corresponding number was 7; add 7 letters to R to get the letter Y. The plain text would result into a cipher text: You’re an ordinary girl. Be proud of it.

Napangiti si Jacel pagkaalala sa mensahe. “Ordinary girl and proud,” usal niya ngunit napalakas ata ang pagkabanggit niya roon dahil napatingin sa kanya ang ibang nakasakay sa jeep. Pinagtitinginan siyang parang baliw.

‘Be proud. Ngiti ka lang girl.’

Nginitian niya ang mga ito nang pagkatamis-tamis na  animo nanalo siya ng Miss Universe. Ngitian naman siya ng mga ito pero ngiting nanlilibak, iniisip siguro nilang may sira siya sa isip.

 Hindi nawala ang magandang disposisyon ni Jacel nang araw na iyon kahit nakarating na siya sa mansiyon. Naabutan niyang naghahanda ng almusal si Manang Ebang. Tinulungan niya ito sa paghahanda habang pinag-uusapan nila ang paborito nitong love team na KathNiel. Kilig na kilig ito kapag iyon ang pinag-uusapan nila. Wala mag-aakala na sa edad nitong iyon ay maadik pa ito sa mga ganoong tambalan sa telebisyon.

“I’m hungry.”

Agad na napalingon si Jacel sa nagsalita. Kilala niya ang may-ari ng boses na iyon. And true to her natural instinct, Lindon was standing gorgeously. He was wearing his gray boxer shorts and plain undershirt. Jacel sipped a drink because her throat went dry. He looked so adorable, sweet and marvellous. Oh – oh wonderful love.

‘Teka, kanta iyon ah.’

Umupo si Lindon sa hapagkainan at sinilbihan nila ni Manang Ebang ang binata. “Subuan mo ako,” utos ni Lindon na nakatingin lang sa pagkain nito.

“Saglit lang po sir maghuhugas lang po ako,” sagot ni Manang Ebang na halos maibuga ni Jacel ang tubig na iniinom. Gusto niyang tumawa ng malakas pero bungisngis lang ang nagawa niya. Halatang namang uneasy si Lindon at balisa sa maling pag-intindi ni Manang Ebang.

“Hindi po kayo M-manang Ebang, s-si Jacel po ang tinutukoy ko,” medyo awkward na turan ni Lindon kay Manang Ebang.

“Ganoon po ba... sayang,” bulong matanda sa huling bahagi bago ito umalis. Gusto na namang tumawa ni Jacel pero pinigilan niya. Umupo na siya sa tabi ng baby na binata.

“Bakit ka tumatawa?” paangil na tanong ni Lindon na namumula. Oh, he’s cute even in state of embarrassment.

“Wala, Master,” sabi ni Jacel na nagawang ngitian ito ng pagkatamis-tamis. Kinuha ni Jacel ang kubyertos sa pinggan ng binata at sinimulang pakainin ito. “Say ah, baby.” Ibinuka naman nito ang bibig at sinubo ang pagkain. “Ayan, berigud.”

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon