Chapter 23: The Unexpected Conversation with Naughty Girl

3K 67 3
                                    

KAGIGISING NI JACEL. Agad  siyang bumangon at tinignan ang kalendaryong nakasabit sa kanyang dingding. April 16 na nga. Hindi siya namamalikmata. Nakalagay doon ang Special Day. May sigla niyang kinuha ang kanyang cellphone at pinadalhan ng mensahe si Lindon.

Good morning, baby.

Message sent. Inayos muna niya ang pinagtulugan habang hinihintay ang reply ng lalake. Patingin-tingin siya sa cellphone kung may dumating na mensahe nito. Nang hindi makatiis ay nag-text ulit siya.

Tulog ka pa? Gising na, milo. 

Pagkapindot ni Jacel ng Send button, ay agad siyang naghilamos at nag-toothbrush. Tinignan niya kung may reply na si Lindon pero wala pa rin kaya napasya na siyang magluto para sa kanilang agahan. Pakanta-kanta pa siya habang ginagawa iyon.

Dahil sa 'yo, nais kong mabuhay

Dahil sa 'yo, hanggang mamatay

Dapat mong tantuin

Wala ng ibang giliw

Puso ko'y tanungin

Ikaw at ikaw rin

Masaya nang umagang iyon, at pakiramdam niya’y nakikisama sa kanya ang mga ibon na nag-aawitan. Pagkatapos niyang magluto ay taranta siya pumasok sa kanyang kwarto. Halos napatalon siya sa tuwa dahil may sumagot na sa kanyang mensahe si Lindon. May dalawang mensahe roon.

Good morning too, baby.

 

Milo?

Nangingiting humiga patihaya sa katre si Jacel. Nagtipa siya sa kanyang keypad.

MILO. My Lindon Ong. <3

 

Kinikilig na naghintay si Jacel ng reply mula sa kasintahan. Dumating iyon pagkatapos ng limang Segundo.

 

'Hahaha. That was cute. You really never fail to amaze me, baby. So should I call you my Ovaltine?'

 

'Nah, it’s nothing compared to what you have done for us. Why Ovaltine?'

 

'Kasi mabilog ka. Hehehe.'

 

'Hmft!'

 

Nakanguso man si Jacel ngunit nakikinita niya sa balintataw ang mukha ni Lindon na tumatawa at naaliw kapag naasar siya. Tumatawang hinintay niya ang reply nito.

'I’m just joking, baby. Alam mo namang ikaw ang pinakaseksing babae sa buhay ko ah. Gawa mo?'

'Kahiga. May kayakap. Ikaw?'

 

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon