Chapter 24:The Unexpected Confrontation

3.4K 57 5
                                    

KABADO AT HINDI MAPAKALI si Jacel. Iyon ang gabi na ipapakilala siya ni Lindon sa Mama nito. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ng Ina nito. Kung ilalagay niya maharil ang sarili sa kalagayan ng ginang, malamang na kikilatisin din niya ang kasintahan ng anak. Tatanggapin niya kung anuman ang maging reaksiyon nito. Sa katunayan, handa siya at nag-ensayo sa mga maaring maging reaksiyon ng ginang. Handa siya at papatunayan niya sa matanda na gagawin niya ang lahat para bumagay sa anak nito.

Sinabihan siya ni Lindon na kumalma pero lalong nag-igting ang kanyang mga ugat sa kaba. Sa dalawang buwan nilang magkasintahan, wala siyang negatibong maipupuna rito pwera na lang sa pagiging alaskador nito. May mga pagkakataon na kapag naasar na siya rito at kapag nalulungkot siya ay bigla na lang siyang yayakapin nito ng limang minuto. Mukhang naging libangan na nito ang pagyakap sa kanya nang ganoon katagal. Na siyang gustong-gusto naman niya. Their relationship was a bliss. She loved him more as days passed by. Marami siyang natuklasan sa binata. Matakaw itong magbasa ng libro, kung hindi pa niya ito kikilitiin ay hindi ito titigil sa pagbabasa.

Nanginginig ang kanyang kamay nang hawakan iyon ni Lindon. Hinalikan nito iyon at saka siya niyakap. “Relax. Nandito ako. You’re a wonderful person.”

Ngumiti siya rito at huminga ng malalim. Pumasok na sila sa loob ng mansiyon pagkatapos nitong igarahe ang sasakyan. Naghihintay sa kanila si Manang Ebang at iginaya sila sa may komedor kung saan naghihintay ang Mama nito. Pagkakita sa matanda ay bumalik na naman ang bilis na pagtibok ng kanyang puso. Linda Conchita Madrigal Ong possessed the air of aristocracy. She was sitting in the chair like a queen. She carried herself with nobility, and landed her a look with the peers of realm. She was intimidated to her existence. She was a regal, sophisticated and well-educated. She was always featured in newspaper for her charitable works and selfless deeds for empowering women.

The señora standed gracefully and kissed her son in his cheek. “You must be my son’s girlfriend?”

She was smiling but her eyes were measuring her, as if it could assess how much her worth was. “Good evening po, Ma’am,” she bowed her head as she said that.

The doña kissed her not to pleased her but to only show that it was the procedure to do.  She instructed us to sit down. Magkaharap sila ni Lindon ng upuan habang nasa punong upuan naman si Donya Linda. Grabe pa rin ang kanyang kaba kaya pinagsalikop niya ang mga kamay sa kanyang kandungan. Maraming pagkain ang nakahain sa lamesa. Parang may fiesta sa sobrang dami noon. Pero hindi niya mahanap ang sarili natatakam sa pagkain. Nanginginig siya at halos hindi niya malagyan ng pagkain ang pinggan, buti na lang at tinulungan pa siya ni Lindon.

“So aside from studying in Saint James, what else do you do hija? Your parents must be well-off to send you in that school,” Donya Linda asked.

Nagkatinginan sila ni Lindon. Kinagat niya ang dila para kalmahin ang sarili. Tumingin siya sa Donya na mariing nakatingin sa kanya. “Scholar lang po ako ng Saint James University, Ma’am. At student assistant po ako roon,” mahinahong sagot niya sa matanda.

“And like you, Mom, my baby here, is a volunteer in some charity works. She also loves to help other people,” salo sa kanya ni Lindon. Nagpasalamat siya sa pagtulong nito sa kanya.

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon