Chapter 18: The Unexpected Tears of an Ordinary Girl

3.6K 92 18
                                    

“MAY GWAPO AT mayaman ka raw na manliligaw?” Ginagawa nila Jacel at Andrea ang assignment ng huli nang sumingit si Shaira at iyon agad ang tinanong. Halata ang inggit sa boses nito, gusto kasi nitong laging ito ang lamang. Napangiti si Jacel sa pinsan, ngayon ang naisip niyang pagkakataon para igisa ito sa sariling mantika.

“Bakit mo naman natanong?” tanong niya rito at saka kinindatan si Andrea.

“Wala, curious lang ako. Hindi lang ako makapaniwala,” taas noong tugon nito.

“At bakit naman ayaw mong maniwala, Ate? Maganda naman itong si Ate Jacel ah, hindi pa maitim ang singit,” saad ni Andrea na natawa sa huling sinabi. Napangiti rin siya sa sinabi nito.

“Pwede ba, Andrea. Hindi ikaw ang kinakausap ko.” Bumaling si Shaira sa kanya. “So, ano ang pangalan niya?” Naging malambing ang boses nito, parang batang hindi mapakali hangga’t hindi nakukuha ang kending gusto nito.

“Donato,” sagot ni Jacel.

“Donato?” kunot-noong saad nito.

“Oo.”

“Parang hindi naman tunog gwapo ah.”

“Gwapo siya. Mayaman at may kotse,” pagyayabang niya.

Mukhang nakakita ng pera ang mga mata nito at kuminang. “Ano’ng apilyido niya?

“Cayago.”

“Cayago? Donato Cayago?” Tumawa si Shaira ng pagkalakas-lakas. “Ang bantot naman. Tunog matanda. Siguradong kang gwapo at mayaman ang manliligaw mo?”

“Oo naman. Gusto mong ipakilala kita?”

“T-talaga?” excited nitong tanong.

“Oo naman. Pero siyempre bago kita ipakilala sa kanya, dapat maging kaaya-aya ka muna. At may kapalit. Ipagtimpla mo muna kami ng juice ni Andrea at saka kita ipapakilala.”

Agad namang tumalima sa kusina ang loka na ikinatawa nila ni Andrea. Masaya sila nang gabing iyon. Tawa lang sila nang tawa.  At sabi nga ng isang kasabihan, kakambal ng saya ang kalungkutan.

(*--------------------*)

JACEL WOKE UP in that morning with a sudden feeling of nausea. She felt so drained and the beat of her heart was erratic... as if something bad will happen. She had once experienced that feeling two years ago – when her mother died. And it only made Jacel to trust her gut instinct. Jace  took some time to pray before going to school hoping that she was just being paranoid.

Pagpasok ni Jacel sa loob ng klase halos pumutok ang dibdib niya nang malaman niyang nasa hospital si Izza at nadisgrasya diumano  ito. Napanatag lang ang loob niya nang sabihin sa kanya na maayos na ang kalagayan nito. Sabi na nga ba’t tama ang kanyang hinala. Nagpasalamat siya sa Ama at walang nangyaring masama kay Izza. Nag-mental note siya na dalawin ang kaibigan pagkatapos ng klase.

Nawala lahat ng agam-agam niya. Pinalitan iyon ng irregular na tibok ng kanyang puso nang umupo sa tabi niya si Lindon. Logic class pala nila. Halos hindi na niya mapansin iyon. May ngiti sa labi ang mga kaklase niya.

“Nakakainggit naman.”

“Ang gwapo talaga ni Lindon.”

“Sana ako na lang si Jacel.”

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon