PAYAPA ANG ARAW na iyon para kay Jacel Anne. Nasa mansiyon siya ni Lindon at nililinis ang mga larawan sa sala. Maaga siyang pumasok para sa trabahong iyon at para personal na magpasalamat kay Lindon sa walang sawang suporta at paggabay nito sa kanya. Napatitig siya sa maamong mukha ni Lindon. Kinuha niya ang family picture na meron ito at tinitigan iyon. Jacel could feel that there was something wrong in his picture. He seemed so distant and his eyes were dull of any emotions. The mystery behind his expression made Jacel wanting to know everything about him. The sudden realization hit her, she didn’t know the real Lindon Johann Ong.
“Iyan ang huling larawan na buo kami bilang isang pamilya.”
Napalundag sa gulat si Jacel sa nagsalita. Agad siya lumingon at nabungaran niya ang taong hindi niya inaasahan. Nakatayo sa harapan niya si Aiv, ang nakatatandang kapatid ni Lindon, ang babaeng nilait at binansagan niyang ang babaeng mukhang bangus na ibinababad sa suka. Nawalan ng kulay ang mukha niya pagkakita sa babae.
Starstruck. That was the exact term to describe her feeling at the moment. She was stunned how beautiful she was up close. Her skin was glooming as if it was bathed in a milk for a long time. She had a perfect nose, rosy checks at full lips.
“K-kayo po pala,” bahagyang yukong saad ni Jacel.
“So, ibinahay na pala ng magaling kong kapatid ang babaeng nabuntis niya?” nakataas ang kilay na tanong nito.
“Naku, n-nagkakamali po kayo ng akala. K-katulong po ako ni Lindon,” nahihiyang bulalas ni Jacel.
“Katulong?” tanong ni Aiv na may pag-aalinlangan sa mukha.
“Opo.”
Bumuntong hininga ito saka umakyat sa hagdan. Nasa kalagitnaan na ito nang lumingon sa kanya. “Mag-usap tayo sa library.” Iyon lang at nakataas noo na itong pumunta sa library sa ikalawang palapag.
Kinakabahang napalingon siya sa kusina kung saan nakamasid si Manang Ebang. May simpatya sa mukha nito, parang sinasabi na kaya niya iyon at maging totoo lang siya.
‘Bakit nandito siya? At ang aga niya para pumunta rito. Tulog pa si Lindon. Dapat ko ba siyang gisingin?
Agad na iwinaksi ni Jacel ang huling naisip. Haharapin na lamang niya ang kapatid ni Lindon kahit nanliliit siya ng oras na iyon. Pagbukas niya ng pintuan ay nakaupo na si Aiv. Nangingiming umupo siya sa upuan na gawa sa mahogany.
“Explain yourself. I want to know all the details concerning you and my brother,” utos nito sa kanya.
Huminga siya ng malalim. “Una po kaming nagkita...” at nagsimulang magkwento si Jacel sa babae. Ang insidenteng nangyari kaya siya nabansagang ‘toothpaste girl,’ ang ginawa siyang katatawanan dahil sa papel na inilagay sa likod niya kasabay ng halikan scene nito sa ibang babae sa library, ang pagganti niya sa binata, ang pagkasira ng kanyang bike at isinisi iyon sa binata. At ang huli nga ay ang ginawa niyang eksena sa Cafe Garden. Iyon ang dahilan kaya siya nasuong at naging katulong sa oras na iyon.
Napansin niyang kumurba ng ngiti ang mga labi nito at may aliw sa mga mata nito. Pero agad iyong nawala. “Ano ngayon ang relasyon mo sa kapatid ko?”
“W-wala po.”
“Wala? Iba ang dumating sa aking balita. Kayo na ba?” mapanghinalang tanong nito.
“H-hindi po,” sagot niya na ikinampay ang mga kamay. “Nanliligaw lang po siya.”
“Nanliligaw?” Gulat na tanong nito saka tumawa ng malakas. “Si Lindon? Nanliligaw?” naaliw nitong tugon.
BINABASA MO ANG
The Kiss of the Sun and The Lake
RomanceHindi siya iyong lilingunin kapag nakasabay kasi isa lamang siyang ordinaryong babae. Hindi siya iyong mapapansin sa isang lipon ng tao kasi isa lamang siya ordinaryong babae. Hindi siya 'yong magkaroroon ng hitik sa abs na love interest kasi isa l...