Chapter 7: The Unexpected Reminiscence

4.7K 124 10
  • Dedicated kay Andreng Vergara Fabian
                                    

MARAMING PANGYAYARI SA buhay ang hindi natin maintindihan. Matagal nang natanggap ni Jacel ang kanyang kapalaran. Na ang buhay ay parang isang laro, minsan talo, minsan panalo. Walang mangyayari sa buhay niya kung patuloy siyang ngangawa.

She had learned the hard way in life. She accepted the things that she can’t change right now. But she believed that with her will, everything will change and fall into places according to her desire in proper time. Oo may galit pa sa kanyang puso. She wanted to avenge for her mother, for both of them. Pero natututo siya sa murang edad na hindi pa panahon para gumanti. 

Tinunton ng bisekleta ni Jacel ang daan na matagal din niyang hindi nadalaw. Ipinarada niya ang kanyang bike at isinandal ito sa isang puno. Nasa harapan niya ngayon ang isang napakalaking bahay. A three-storey mansion that depicted an old-fashioned yet elegance manor. It stood against time with its enormous power and authority. It seemed to have its life.

Tinignan ni Jacel ang bahay nang may poot. Kinuyom ni Jacel ang kanyang mga kamay sa galit. Hinding-hindi magmamaliw ang kanyang galit sa mga taong nakatira roon.

Sinulyapan ni Jacel sa huling pagkakataon ang nagpapaalala sa kanyang nakaraan.

‘Lumuhod ka sa harapan ko, tonta!’

Alam niyang masama sa pakiramdam na dala-dala niya sa matagal na panahon ang galit na iyon. Pero ayaw siyang patahimikin ng kahapon.

“Darating ang araw na kayo naman ang luluhod sa harapan ko. Mata sa mata.”

Umuwing may determinasyon sa buhay si Jacel. She will survive. She’ll win this fight. And she’ll finish the fight they started.

Gagawin niya ang lahat, mabaliktad lang ang kapalaran nila.

~~o~~

AGAD NA NAGSAING si Jacel pagkauwi niya. Naabutan niyang nag-aaway si Shaira at ang nakababatang kapatid nitong lalake na si Wimbledon dahil sa remote ng TV. Sinundan naman siya sa kusina ng bunsong si Andrea.

“Ate, patulong naman sa assignment ko oh.”

Nginitian ni Jacel ang labinglimang taong gulang na pinsan. “Sigurado kang tulong lang?”

Ito ang pinakamabait sa tatlong magkakapatid. Minsan tinutulungan siya nito sa mga gawaing bahay. Pero sinusuway ito ni Shaira. Ang rason nito, pinapaaral at pinapakain daw siya ng mga ito kaya dapat lang na solo niya ang mga trabaho. Kung anong kina-itim ng budhi ni Shaira, siya namang kinabuti ni Andrea.

Nagkamot ng ulo ang bata. “Eh, kung kaya mong gawin lahat, ‘di ikaw na lang ate.”

“Kuuu, ikaw talagang bata ka, dapat nagsisikap kang mag-aral. Darating ang araw na wala kang maasahan kundi ang sarili mo lang. Oh, siya ilagay mo muna sa lamesa, at gagawin ko mamaya. Magluluto lang ako.”

“Ewan ko ba ate. Bakit kailangan pang pag-aralan ang mga Geometry at Mole-molecure na iyan. Anong bang silbi ng Law of Exponents sa mga nagbabasura? Kailangan bang gumamit ng Phytagorian Theorem ang mga naglalaba? Dapat bang memorize ng mga karpentero ang Table of Elements?”

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon