Chapter 19: The Unexpected Acceptance of Life's Will

3.4K 87 1
                                    

MAN MAINTAINS his balance, poise, and sense of security only as he is moving forward. Sinabi iyon ng sikat na si Maxwell Maltz. Moving forward. Iyon dapat ang gawin niya pero mukhang hindi ganoon ang nangyayari. Nakakulong siya sa isang limbo ng pagdadalamhati. Hindi sa hindi niya kayang harapin ang bukas, ayaw lang niya.

Marami ang nakidalamhati sa burol ni Grace na karamihan ay mga kamag-aral niya. Tatlong araw ang lamay at sa durasyon na iyon ay hindi siya nilubayan ni Lindon. Laking pasasalamat niya at laging nakaalalay lang ito sa kanya. Hindi ito nagsasalita o ano pero ramdam niya ang pag-aalala nito sa kanya. Ito at sila Sister Kirshner ang nanghihikayat sa kanyang kumain muna na madalas niyang tanggihan dahil wala siyang gana. Sa loob ng tatlong araw, halos wala siyang tulog. Gusto kasi niyang sulitin ang mga araw kasama ang mga alaala nito.

Hindi talaga patas maglaro ang tadhana. Gaya na lang nang araw iyon. Libing ni Grace. Makulimlim ang panahon at nagtatago ang araw, nakikisama sa pagdadalamhati ng mga tao sa araw na iyon.  Mabilis umusad ang oras at ang mga tao ay unti-unting nawala. Nagpaalam na ang mga kaklase niya, kaibigang si Dennis at mga tao sa Angel’s Haven. Siya na lang ang naiwan doon kasama si Lindon. Umupo siya sa tapat ng lapida ni Grace, hinaplos iyon kasabay ng pag-agos ng luha. Pansin niyang hindi maubos-ubos ang kanyang luha.

 Huminga siya ng malalim at tumingin sa kawalan. “Alam mo bang ilang buwan din akong tumira sa Angel’s Haven?” usap niya kay Lindon. “Noong una, ilag din ako. Ang tanda-tanda ko na pero nasa bahay-ampunan pa rin ako. Punong-puno ako ng galit. Pero isang umaga, araw ng tag-ulan nang makilala ko si Grace. Nanonod ako sa klase ni Sister Kirshner. Nagtanong siya sa mga bata kung ano ang pananaw nila sa trash can. Marami ang sumagot na iyon ang tamang lagayan ng mga basura. Pero isang anim na taong gulang ang nagpabago ng pananaw ko. Tumayo si Grace at tinanong ulit siya ni Sister Kirshner. Alam mo kung ano ang sagot niya? ‘Buhay po ang tingin ko sa trash can.’ Iyon ang sagot niya. Kumunot ang noo ni Sister Kirshner at tinanong niya ulit si Grace kung bakit ‘buhay’ ang pananaw niya sa mga trash can. Ang sagot niya, marami raw mga batang doon nakasalalay ang pang-araw-araw na pagkain. Noong sinabi niya iyon, tumayo ang mga balahibo ko.” Tumingin si Jacel kay Lindon at nginitian ng mapait. “Para masabi iyon ng isang anim na taon na bata, malamang punong-puno siya pangaral at positibo ang tingin niya sa buhay. Mga katangian na meron ako noon. So you see, I started fighting again. For her... and for myself,” bulong ni Jacel habang hindi mapatid sa pag-agos ang mga luha.

 Ngumiti ng mapakla si Jacel. “At alam mo kung bakit hindi patas ang buhay? Ngayon ang kaarawan ko, Lindon. Debutante ako ngayong araw na ito. B-birthday ko ngayong araw na ito, Lindon. Anong bagay ang mas hindi nakakasakit doon?” hagulgol at sumbat ni Jacel. Namalayan na lamang ni Jacel na may mga kamay na pumulupot sa kanya. Sinakop niya ang yakap na ibinibigay ni Lindon. Nagpakanlong siya sa suporta ni Lindon. Umiyak siya roon. Pinakawalan ang emosyong pinigil niya ng tatlong araw.

Jacel cried in eternity.

“Dapat nasa isang mamahaling hotel ako ngayon, nakasuot ng magarang damit. Bababa ako sa hagdan para masilayan ang mga bisita kong nag-ga-gwapuhan at nag-ga-gandahan. Dapat sumasayaw ako ngayon ng 18 roses. Dapat masaya ang lahat. Dapat masaya ako ngayon Lindon. Pero pinaglalaruan talaga ako ng tadhana, narito ako, inililibing na naman ang isang importante sa buhay ko,” sisinok-sinok sumbong ni Jacel kay Lindon. Humigpit ang yakap ni Lindon sa kanya animo sa pamamagitan niyon ay makukuha nito ang sakit na nararamdaman niya. Hinagod nito ang kanyang buhok. Isang bagay ginagawa ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito.

 “Alam kong mahirap tanggapin ang mga ganitong pangyayari sa buhay, Jacel. Kung pwede nga lang hatiin natin ang sakit na nararamdaman mo, gagawin ko,” masuyong saad ni Lindon.

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon