Chapter 22: The Unexpected Relationship

3.8K 73 2
                                    

JACEL WORE THE sweetest smile in the world. It was her big event. She was anticipating this to come for a long time yet she couldn’t contain the apprehensive she was feeling at this moment. Smiling, Jacel pushed the car door to open. Everything was perfect. From the impeccable flowers to the to the extravagant apparel of the guests. The place was just solemn yet magical. It was her wedding day. And at the end of the aisle waiting the most handsome groom in the world.

 

Connecting an unbreakable stare with Lindon, Jacel slowly and gracefully walked towards him. Looking at him with his I’m-thankful-you’ll-be-my-wife expression made her eyes clouded by tears. On one second, she was dreaming of him; the next thing she knew, she was marrying him. And she couldn’t ask no more. They would open a new chapter of their lives. It was exciting her the thought of waking up every morning with the first sight of him.

 

Nang abutin nito ang kamay ni Jacel para tumungo sa altar doon tumimo sa isipan ni Jacel ang gagawin niyang desisyon. Tatanggapin niya iyon ng buong-buo. Halos hindi namalayan ni Jacel na tapos na ang sermon ng pari.

 

“You may now kiss the bride.” Iyon ang umalingawngaw sa isip ni Jacel. Dahan-dahang itinaas ni Lindon ang belo niya. May ngiti sa mga mata nito at siya’y lubos na nanabik sa halik na kanilang pagsasaluhan. Halos hindi na makita ni Jacel ang mga mata nito sa pagnunudyo niyon.

 

Unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha. Maghuhugpong na ang kanilang labi na siyang magsisilbing patunay na sila’y mag-asawa. Palapit iyon nang palapit hanggang sa biglang may humablot sa kanyang mga braso. Biglaan iyon kaya halos mapasubosob siya sa semento at mawalan siya ng hangin. Patuloy ang pagyugyog niyon sa kanya.

 

Napasinghap si Jacel na nagmulat ng mga mata. Una, totoong may yumuyugyog sa kanya. Pangalawa, naiinis siya dahil naudlot ang kanyang panaginip. Kung kailan naman hahalikan na siya ni Lindon saka naman nag-iinarte itong si Shaira. Kung makapasok sa kwarto niya parang may sunog.

“Totoo ba!?” pabulyaw nitong tanong. Pinalis niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang balikat.

“Totoo ang alin?” naiiritang tanong niya rito. Nilingon niya ang alarm clock at mag-a-alas sais pa lamang. Tumayo siya at pumunta sa kusina.

“’Yong balita!” habol sa kanya ni Shaira.

“Ano’ng balita?” sagot niya habang naghahanda ng isasaing na kanin.

May initsang diyaryo sa lamesa malapit sa kanya si Shaira. Iyon ang Santa Monica Daily News. At nanlaki ang mata niya noong makita ang nilalaman niyon. Ang kuhang larawan ay sa Santa Monica Park kasama ang daan-daang taong nagsasayaw habang nakatayo siya kasama si Lindon.

“Totoo bang boyfriend mo na iyan?” inggit na tanong nito.

 Pagkaalala ng nangyari kahapon, agad sumilay ang ngiti sa kanyang labi. “Oo.”

Nanlaki ang mga mata nito. “Aish! How could you do this to me? Ano’ng nangyayari sa mundo?”

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon