Chapter 25: The Unexpected Black Days

3.4K 81 15
                                    

LUMIPAS ANG MGA araw at nagpatuloy ang buhay ni Jacel at Lindon. Ngunit sa insidenteng pinagdaanan nila, alam ni Jacel na hindi na gaya ng dati ang kanilang relasyon. Madalas silang mag-away, madalas sumama ang loob niya. May mga lakad silang hindi natutuloy dahil biglaan itong may lakad o ipapagawa. Noong una, naiintindihan niya pero nang maglaon ay hindi na niya kinaya dahil mukhang sinasadya na iyon ng Mama ni Lindon. Hindi naman niya masisi ang kasintahan dahil sabik din ito sa pagmamahal sa Ina. Ngunit mukhang inaabuso iyon ni Donya Conchita.

Pero nangako siyang mamahalin niya ang binata at kaakibat noon ang pag-intindi rito.

May lakad sana sila ni Lindon nang araw na iyon pero as usual, hindi na naman natuloy. Pero blessing in disguise iyon dahil nag-text sa kanya si Reymart Sagaysay, tinatanong nito kung pwede raw ba silang magkita. May dalawang linggo na rin niya itong tinuturaan. Nakilala niya ito sa Saint James University noong panahong magpapaenroll siya. Transferee ito at kailangang mag-take ng Battery Exam para matanggap sa College of Accountancy. Nakapalagayang loob niya ito at inalok siya kung pwedeng i-tutor niya ito. Pumayag siya para may pagkakakitaan din siya at tulong sa kanyang Tiya Auring.

Kaya heto siya ngayon, nagbabyahe papunta sa Mallari Hotel, ang pinakamatino at pinakamagandang hotel sa Santa Monica. Paglapit niya sa binata ay agad itong tumayo at pinaghila siya ng upuan. Nginitian niya ito. May itsura ang binata. Bagay dito ang salamin nito. Naging simpatico ito sa maayos nitong buhok, maiksi at nakapomada.

“Good morning. Ano’ng atin?” tanong niya rito.

“May tatanungin kasi ako, alam mo na, malapit na ang Battery kaya kailangan kong aralin lahat nang dapat kong malaman,” ngiti nitong sagot. “Pero bago iyon, let’s eat first? Gutom na ako eh.”

Tinanong nito kung ano ang gusto niya, sinabi naman niya ritong ito na lang ang bahala. Masaya silang kumain. Iisa pa iyon sa napansin niya sa binata. He could make her laugh in an endless manner. He was funny and easy to be with.

“Alam mo bang gusting-gusto ng mga Pinoy na magka-niyebe sa Pilipinas,” out of the blue ay komento nito. Tumango siya bilang tugon. “Ang akala ng mga tao noon may kinalaman ang lenggwahe para magkaroon ng niyebe, kaya naman pinag-aralan ng mga Pinoy ang lenggwahe ng mga Kano. Akala nila sa pamamagitan noon, magkakaroon ng Niyebe.”

Tumawa siya sa kwelang hatid nito. Nagkwentuhan pa sila hanggang sa hindi namalayan ni Jacel ang oras. Pakiramdam niya ay ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Until a surge of nausea hit her, as if the hotel was turning around. Her arms were trembling and her feet were wobbly. Her breath was erratic, like being thrown at the peak of icy Mountain Andes.

“Are you okay, Jacel?” Reymart stand out and approached her.

She looked up on him but everything was blur. In a weak manner, she managed to find her voice. “N-nahihilo at nanghihina ako, Reymart. Pwede bang umuwi na tayo?”

Narandaman niya ang pag-alalay sa kanya ni Reymart. Halos wala siya makita dahil umiikot ang kanyang paningin. Pira-piraso lang ang nagpag-tutuunan niya ng pansin, parang piraso ng isang jigsaw puzzle. Inilagpag siya nito sa isang kama. Inilibot niya ang paningin at isang mabango at maaliwalas ng kwarto ang naaaninag niya. Alam niya wala siya sa sariling kwarto. A panic ran through her.

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon