Chapter 17: The Unexpected Fall of a Bad Boy

3.9K 88 2
                                    

NAIIRITA SI JACEL. Ngayon lang niya nalaman ang ginawa ni Lindon sa Java Zone. Alam niyang siya ang dahilan kaya nito iyon ginawa. Hinarang siya kanina ng grupo ni Cynthia para ipaalam iyon – para sisihin siya. As much as possible, gusto niya ng simpleng buhay. Kaya’t dagli niyang hinanap ang lalaki at nakita ito sa may Lighthouse Garden kasama sina Rey Joseph at Jomatt.

“Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong sa kanya ni Lindon. Seeing him again, Jacel remembered the way how he kissed her, how she responded and how that kissed haunted her dreams. It was a sweet nightmare.

“Bakit mo ginawa iyon?” tanong ni Jacel, pinutol ang daloy ng isip tungkol sa halik na pinagsaluhan nila.

“Ginawa ang alin?” salubong ang kilay na tugon nito.

“’Yong kay Lery, bakit mo kailangang gawin iyon at ipahiya siya?” pag-uusig niya sa binata.

“Alam mo ang dahilan kung bakit ko ginawa iyon,” blangko ang expression na tugon nito.

“Iyon na nga eh. Ayokong pinapangunahan mo ako o nagkakaroon ng utang na loob kahit kanino. I don’t care about them pero gusto ko ng maayos na buhay. At dahil sa ginawa mo, lahat na naman ng tao ako ang sinisisi,” mahabang litanya niya.

“Bakit mo ba siya ipinagtatanggol? May gusto ka ba sa kanya?” salubong ang kilay na akusa nito. Jacel could feel his rage.

“Wala. Ayoko lang ng ginawa ---“

“I did it for you!” sigaw nito. “Hindi mo alam kung anong takot ang sumukob sa akin noong gabing iyon. Isipin ko pa lang na mawawala ka, para na akong mababaliw. Happy now?” sagot nito, halata ang sakit sa mga mata nito.

Dali-daling umalis si Jacel sa lugar na iyon at umupo sa bakanteng upuan sa may batibot. Lupaypay ang kanyang mga balikat sa sagutan nila ng salita. Nagpadalos-dalos siya sa kanyang emosyon at ngayon nakokonsensiya siya sa ginawa. Ang laki niyang tanga para sugurin ang taong nagligtas sa kanya at nakapalagayang-loob niya.

“Kapag may pinagdadaanan kang problema, daanan mo lang. ‘Wag kang tumambay doon. Iyan ang sinabi mo sa akin noon.”

Napalingon si Jacel sa nagslaita. Halos hindi niya namalayan na nakaupo na pala sa tabi niya si Dennis. Nagpasalamat siya sa presensiya nito. Mawawalan siya ng katinuan kung wala siyang makakausap.

“Sabi mo noon, dapat mataas ang lipad ng isang tao. Masyadong mataas si Lindon at naabot mo siya.” Lumingon siya sa dereksyon nito para kontrahin ngunit pinigilan siya nito. “Don’t get me wrong. Alam kong ginawa mo ang lahat para iwasan siya at hindi mo kasalanan ang mahulog sa kanya. Nakikita ko sa mga mata mo. Mahal mo siya. Bakit mo siya nagustuhan? Sabi mo nga, hindi siya ordinaryo.” tanong nito na lumingon sa kanya.

‘Bakit nga ba?’

Huminga ng malalim si Jacel at inisip kung bakit niya nagustuhan ang binata. “Totoo. Hindi siya ordinaryo, Dennis, at hinding-hindi siya magiging ordinaryo sa pamantayan ng ibang tao. Akala ko kilala na natin siya. Pero hindi, Dennis. May mas malalim na Lindon Johann Ong. Para siyang batang sabik sa isang bagay na hindi pa niya nagagawa at nararanasan. Alam ko, gaya ko rin siya, bilanggo sa isang pangyayari kaya siya naging ganoon.” Pinahid ni Jacel ang luha sa kanyang mga mata. “Pero noong makita ko siya kasama ng mga bata sa Angel’s Haven, o noong niligtas niya ako, noong yumakap siya sa akin ng mahigpit, naramdaman ko iyong tunay na nilalaman ng kanyang puso. He may seemed to be extraordinary but he smiles so humane, he laughs with those children with compassion, and he looks innocent most of the time. That makes him ordinary to me... and special.”

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon