Chapter 13: The Unexpected Sight of Forbidden Anatomy

4.4K 100 17
                                    

LINGGO AT NASA mansiyon ulit si Jacel nang araw na iyon. Sinabi niya kay Lindon na ‘wag na siyang sunduin dahil alam naman na niya ang daan patungo sa bahay nito. In fact, alam na alam niya ang lugar patungo sa mansion. Ayon kay Manang Ebang tulog pa ang kanyang master kaya nagpunas-punas muna siya sa sala. Hanggang sa dumako ang kanyang paningin sa mga litrato na naka-display sa may antique na cabinet. Halatang namana ni Lindon ang mala-anghel na mukha sa Nanay nito na parang hindi makabasag pinggan sa pagkakangiti. Nakuha naman ni Lindon ang mga mata sa Ama nito na halatang iniiyakan ng mga kabaro niya noong kapanahunan nito.

May litratong kasama ni Lindon ang pamilya nito. They looked dignified in their three-piece suit. Lindon’s family owned the Oriental Pacific Airways, the biggest airway company in the Philippines which catered domestic and international flights around the globe. Siguro sa pakiramdam lang niya, pero may lungkot siyang nakikita sa mga mata ni Lindon sa larawan. He seemed so distant, like a star – unreachable. Nasa gitna at katabi ni Lindon ang halatang kuya nito. Maayos tignan ang kuya nito, nakangiti at nakapomada. Unlike Lindon, his brother seemed to be expressive, someone who could offer the world without any hesitation. Katabi naman ng nakakatandang kapatid ni Lindon, sa kaliwa nito, ay isang napakagandang dilag. Animo isa itong tunay na prinsesa na---

Ikinurap ni Jacel ang kanyang mga mata para siguraduhing hindi siya namamalikmata lamang sa nakikita. Bakit kasama sa kwadro ang babaeng kasama ni Lindon sa Cafe Garden?

‘‘Bakit kasama nila si... si... Aiv, ang babaeng mukhang bangus na ibinabad sa suka?’’ tanong ni Jacel habang namamanghang hinawakan ang larawan. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya mamaaring magkamali. Ito nga ang babaeng kasama ni Lindon.

“Don’t tell me... oh, my God!” tutop niya sa bibig.

Tarantang pinuntahan niya si Manang Ebang at tinanong ito kung kilala niya ang babae.

“’Yan si Ma’am Aiv, ang pangalawang anak nina Senyora Linda at Senior Johann at nakakatandang kapatid ni Lindon. Aba, pagkabait-bait ng batang iyan eh, sobrang ganda pa. Balita ko modelo raw iyan. Sikat ang batang iyan. Minsan dumadalaw iyan dito...” paliwanang ni Manang Ebang.

Pakiramdam ni Jacel ay tinapon siya sa kawalan. Biglang puro, “kapatid ni Lindon...” ang kanyang naririnig. Bigla niyang naalala ang mga pangyayari sa Cafe Garden.

“How can I trust you? Tell me. How can I trust you when everytime I’m trying to put my faith in you, things happen like this? And worst, nakabuntis ka, Lindon. For once, grow up, Lindon. Again, dad will be disappointed. So am I.”

Naalala niya ang sakit na bumalatay sa mukha ni Lindon. He was truly hurt. How could she be so careless? Of all people, kapatid pa ni Lindon.

‘Jacel, ano ba itong nagawa mo? You deserved to be punished,’ piping galit ni Jacel sa sarili habang kinakagat ang kuko.

            “Jace,” gambala sa kanya ni Manang Ebang. “Gising na si Sir Lindon. Dalhin mo itong breakfast niya sa taas.”

Kinuha niya mula sa matanda ang tray ng pagkain at inakyat sa taas. Pagkapasok niya, mukha agad ni Lindon ang nabungaran niya. Magulo ang wavy nitong buhok. Seeing him in this state was a privilege for not everyone had the chance to glance this alpha male in morning. At ang mga mata nito, biglang naging maamo iyon mula sa pagiging mabagsik. Kung sana may camera lang si Jacel, gusto niya kunan ito at i-preserved ang moment na iyon. Para itong anghel na nakakita ng anghel. He looked so serene.

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon