Chapter 2: The Unexpected Rise to Fame

7.1K 180 7
  • Dedicated kay Lindon Reginaldo Ong
                                    

KATATAPOS LANG NG duty ni Jacel sa office ng College of Accountany. Palabas na siya nang lapitan siya ni Joseph Matthew Sierra at Rey Joseph Gaffud. Sa Business Administration department ang mga  ito, kilala ang grupo nila bilang Delinquent.  Oo, kaliga ng mga nito si Lindon. Iyon ang mga bansag nila sa tatlo. Pamoso ang mga ito hindi dahil sa kagandahang katangian na meron sila kundi dahil sa pagiging war freak at pagiging iba nila. They were inclined to break rules. They followed their own rules. They’re not loud. They were silently watching and tracking their prey. Tahimik pero nakakatakot.

Joseph Matthew was handsome in his own way. He was the speaker of the group. Kung gusto mo ‘yong mukhang Espanyol, maputi at maangas ang dating, Jomatt was one for you. Pero wala itong dating sa kanya gaano man kalakas ang sex appeal nito sa kabaro niya. Mukha itong... mananakop.

Rey Joseph Gaffud was the typical Filipino hottie. Tall, dark, handsome with deep-set brooding eyes. He was the panther of the group, silent yet dangerous. His way of clothing himself was so rebellious. Like Lindon, RJ was oozing with self-arrogance. Pero walang tatalo kay Joseph Matthew, bagyo ang katumbas ng confidence nito.

“A-ano’ng meron?” pautal na tanong ni Jacel. Kahit naman papaano kinakabahan din naman siya. Ilang beses nang nasali sa gulo ang mga ito.

“Masama bang dalawin ka?” maangas na tanong ni Joseph Matthew. Napabalitang ibinenta nito ang kidney nito para tustusan ang pag-da-drugs nito. But of course, that’s just a hearsay pero isipin pa lang niya, kinikilabutan na siya.

“Masama kung ngayon lang tayo nagkita. Anong kailangan niyo sa akin?” There was something wrong. Ramdam niya.

Lumapit sa kanya si Rey Joseph at inakbayan siya. Patay na patay rito ang kaibigan niyang si Meriza. Landi lang ni Izza ‘yong kay Lindon. Sa totoo lang, mahinhin at mayumi si Meriza kapag malapit si RJ. Kapag nalaman nito na inakbayan siya ni Rey Joseph, tiyak na kakalbuhin siya nito.

“Hmm, tama nga sila, masyado kang matapang,” swabe pero madiin na turan ni Rey Joseph.  “Sabi nga nila, beware of false knowledge, it is more dangerous than ignorance.” Tinitigan siya nito at nginitian siya. Ngiti pero hindi umabot sa mga mata nito. Natakot siya sa maaring dala ng mga ito na panganib.

Namalayan na lamang niya na nakaalis na ang mga ito. Hindi pa rin niya maalis ang kaba na nararamdaman niya. Ano ba ang pinagsisintir ng mga ito? Daig pa ang mga babae kung makapag-react? Ano ngayon kung iyon ang opinion niya kay Lindon? Totoo naman.

 

‘Totoo nga ba? Do you mean every word you said to him?’ kontra ng isang bahagi ng utak niya.

“Okay hindi, pero ganoon naman ang pinapakita niya. Iyon ang gusto niyang makita ng ibang tao sa kanya. Masisisi mo ba ako? Sa tingin mo okay lang sa akin na sabihin iyon kay Lindon?” usap niya sa sarili. Tumigil lang siya nang mapansin niyang pinagtitinginan na siya ng ibang studyante.

 

‘Yan iniisip na nila na baliw ka! Stupida!’

Napansin niyang tumatawa ang mga taong madaanan niya. Kahit naman siguro siya matatawa kapag nakakita ng taong kinakausap ang sarili.

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon