Chapter 5: The Unexpected Destiny

6K 185 29
                                    

MASAYANG ITINABI NI Jacel ang kanyang bike sa gilid ng kanilang bahay. Kauuwi niya galing paaralan. Pumapasok at umuuwi siya gamit ang kanyang bike. Bago namaalam ang kanyang ina, ang bike na iyon ang huling regalo sa kanya. Parang kaibigan at most valued possession na niya ang bike na iyon. Mumurahin man sa iba pero malaki ang sentimental value noon sa kanya.

Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya. Pakiramdam ni Jacel nalunok niya ang bato ni Darna. Ang high ng pakiramdam niya.

‘Aychu, masaya ka kasi nakita at nakausap mo si Lindon.’

 

“Whatever.”

Papasok na siya sa terrace nang makita niyang hinihintay siya ng kaibigang si Dennis. Nakaupo ito sa may pasimano ng terrace. Halatang malalim ang iniisip nito dahil hindi siya napansin na pumasok.

“Ilang butuin ang nabilang mo, tsong?”

Lumingon sa kanya si Dennis at nginitian lang siya. Halata ang lumbay sa mga mata nito. Lumapit at tumabi siya rito. “Anong problema natin?”

“Wala. Masama bang dalawin kita? Hindi ba pwedeng na-miss kita?” pagtatanggi nito.

Siniko niya ito. “Naku, kilala na kita. Alam ko kapag may problema ka o wala.”

Hindi ito umimik. Tumingin lang sa kawalan. “Hmmm, the usual.”

Naulinigan ni Jacel ang pait sa tinig nito. Ang the usual na sinasabi nito ay ang pag-aaway ng mga magulang nito. Hindi maayos ang pagsasama nina Tita Melodie at Tito Aljun. Masyadong seloso si Tito Aljun na siyang rason ng pag-aaway ng mga ito.

“Minsan hindi ko alam kung saan ako lulugar, Jace. Wala pang araw na hindi sila nag-away. Pakiramdam ko, sa impyerno ako nakatira,” garalgal na salaysay ni Dennis.

Inakbayan niya ang kaibigan at hinagod ang likod nito. “Alam kong wala ako sa lugar at hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo, Dennis. Pero nandito lang ako para sa iyo.”

“Alam ko.” Pinahid nito ang luha sa pisngi nito. “Takte, sa’yo pa ako umiyak, oo.”

“Ano ka ba, okay lang iyon. Kapag may pinagdadaanan kang problema, daanan mo lang. ‘Wag kang tumambay doon.”

Tumawa ito ng pagak. “Kaibigan nga kita. Kung anu-anong advice mo sa akin. Pero may sense. Kaya mahal na mahal kita eh.” Tumingin ito sa kanya habang nakatingin naman siya sa mga bituin.

“Sometimes, all of our problems start in our minds. We tend to forget that happiness is not a feeling; it’s a choice, Dennis. “ Tinignan niya ang binata nang may pagsuyo. “Your joy comes from how you think, the choices that we make in life.”

“Ang lalim n’on ah. Thank you. Teka, ikaw, kumusta? Nabalitaan ko ‘yong nangyari sa’yo sa Saint James ah,” pag-iiba nito ng usapan.

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon