Chapter 10: The Unexpected Actress in the Making

4.3K 113 18
                                    

“AYOS NA BA ang suot ko?” ang tanong ni Jacel sa dalawang kaibigan. Nasa loob sila ng sasakyan nila KM na nakaparada malapit sa Cafe Garden. Iyon ang gabi na isasakatuparan nila ang mga plano niya.

‘Matitikman mo ang paghihiganti ko, Lindon Johann Ong!’

 

“Oo, Jace. Ayos na ‘yang get-up mo. Mukha ka ng tao,” sagot ni KM sa kanya. Labag man sa kanyang kalooban, hinayaan niyang inaayusan siya ni Izza para magmukhang ‘convincing’ daw ang palabas nila.

Hindi niya alam kung matutuwa siya sa kanyang suot. Naka-sundress siya na kulay dilaw. Lampas tuhod ang haba noon. Inilugay at kinulot nila ang palaging nakaipit niyang buhok. Tinanggal ng mga ito ang kanyang salamin at pinalitan iyon ng contact lens. Aaminin niya, nagandahan siya sa kanyang sarili. Gulat nga siya eh, akala niya si Carla Abellana ang nakikita niya sa salamin.

‘Asa ka, Jace. Cacai Abellana, pwede pa.’

 

Hinamig niya ang sarili at iwinaksi ang negative vibes. Aminin niyang kinakabahan siya.

“Tandaan mo ‘yong ensayo natin kanina,” bilin ni Izza. Dahil frustrated actress, pinamalas siya ng acting prowess nito. Istrikta itong mentor niya, dahil lahat ng pilantik ng kamay at daliri niya, kalkulado nito.

“Opo, Madam Auring,” sagot niya saka bumaba sa sasakyan at nilakad papuntang Cafe Garden.

Maganda ang Cafe Garden. Medyo malayo iyon sa lungsod ng Santa Monica, malayo sa ingay at trapiko. From its word alone, the restaurant was a garden enchantment. It was really nice place for couples. It was as if we were thrown into a magical place. The place was just magnificent.

Nagtago sila sa may likod ng puno at bushes. Nilibot ng mga mata nila ang naturang restaurant para hanapin si Lindon. The manor of the cafe is made of glass giving the people outside what’s happening inside.

“Wala naman si Lindon!” reklamo ni Jacel.

“Sigurado akong nandito siya, dahil iyon ang sinabi ni RJ,” depensa ni Izza. “Teka, sino iyong nasa may gilid ng garden? Si Lindon iyon! Wala sila sa loob ng manor, nasa labas sila!”

Tinignan ni Jacel ang tinuturo ni Jacel. Si Lindon nga iyon. Nasa may dulo at pinakagilid siya.

‘Mahilig siya sa may dulo at gilid, Jace,’ tudyo ng kanyang isip patungkol sa nangyari sa library.

Marahang lumapit sila sa posisyon para makita at masigurado nilang si Lindon nga iyon. Ingat na ingat ang mga hakbang nila. Nagtago agad sila sa mga bush na halatang alagang-alaga. Sumilip sila sa loob ng cafe.

“Si Lindon nga... haayyy.” Biglang natumba si Izza at napahiga sa damuhan.

Kinabahan si Jacel para sa kaibigan. Baka napano na ito. Kinalong niya ang kaibigan. “Izza, anong nangyari sa iyo?”

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon