Belle POV.
Nagmamadali silang sumalubong.
Si blaze, jax , zander, at si zeke.
Anu ba?? bat bigla kang nawawala??
Nag aalala nilang sambit.
Naramdaman namin ang alpha. Nasan na sya?? si zander
Wala na sya. Sagot ko.
Ang kulit mo kasi. Bakit ba kung san2 ka pumupunta?? nag papakamatay kaba? kung ayaw mo kaming tulungan, sabihin mo lang, hindi yang binibigyan mo ang alpha ng pagkakataong tapusin ka, galit na sambit ni zeek
Nagulat ako sa kanya.
Nanginig ako.
Ngayon ko lang sya nakitang ganun kagalit.Ng mangiyak ngiyak nako,
Ay bigla nalang syang umalis.Okay kalang ba?? malambing ang pagkakatanung ni jax. Marahil ay naawa sya ng sigawan ako ni zeke.
Huwag ka mag alala.
Ganun lang sya pag nag alala sya ng husto. Nakangiting sambit naman ni zander.Halika na. Si blaze.
Kaya sumunod nako.
Hindi ko nalang sinabi, ang nangyari . Ayokong madagdagan ang alalahanin nila,Sila palang ang naging malapit sakin maliban sa aking mga magulang.
Pasensya na kayo sakin,
Sambit ko,
Habang kami ay naglalakad. Ang clumsy ko kasi. Lagi ay para akong tanga. Ilang beses nako muntik mapahamak.hindi man malinaw sakin kung bakit ako at anu bang silbi ko,Alam ko sa puso ko, na gusto ko sila matulungan..,
Ng kami ay papasok na sa aming room ay . Biglang napahinto ng sabay sabay silang apat.
Nandito sya.
Nadinig kong sambit ni blaze.
Parang ayaw na nilang humakbang.
Pinag pawisan sila . Kahit mukhang nanlalamig naman sila.
Tila. Takot na takot sila.Dahan dahan silang pumasok sa room namin, nagulat kami saming naabutan.
Lahat ng estudyante. Ay tulog. Sa kani kanilang mga desk.Nasa likod ang isang pamilyar na mukha sa akin..
Dahil kanina lang ay nagkita kami. SI ALPHA.
Nanginig ang aming mga tuhod. Nakaupo sya sa pinakahuling pwesto. Nakahiwalay sa ibang estudyante. Naka dekwatro, na akala mo ay kanina pa nag aantay.
Ang tagal nyo. Nainip nako. Nakangisi nyang sambit.
Nakangiti sya, Ngiting lalong nagpa amo ng kanyang mukha.Subalit napa atras naman kami,
Ng ang ngiting yun. Ay tila naging isang ngiti ng demonyong handang pumatay.Bakit ba ??,takot na takot kayo? Tila nangaasar nya pang sambit
Itinaas nya ng bahagya ang kanyang kanang kamay.
Nanghilakbot ako.
Ng biglang tila puppet na sabay sabay tumayo sa pagkakadukduk sa mesa ang aming mga kaklase.Huwag mo sila idamay. Nadinig kong sambit ni jax.
Ngumiti lamang ng nakakainis ang alpha. At ikinumpas ang kanyang mga kamay.
At sumugod ng sabay sabay ang ang aming mga kaklase,Nilabanan sila nila blaze, nilang apat. Pero hindi nila masyadong masaktan ang mga to. Dahil alam nilang ginagamit lang sila ng alpha.
Duwag ka. Mahina pero alam kong nadinig ng alpha ang sinabi ni zeke
Nangitim ang mga mata ng alpha. Tila hindi nya nagustuhan ang sinabi, ni zeke.
Bigla ay nag alala ako sa pwedeng gawin nya kay zeek.