Belle pov,
Kitang kita ko sa mga mata ni yonzi ang pag aalala sa kanyang kuya drake,
Kaya nilapitan ko sya.
"Inaasahan ka ng kuya mo,kaya maging matapang ka. Smbit ko
"Dapat kasi, hindi nalang namatay si alpha, pag nandyan sya, tahimik ang arezona.
Tugon nya.
Nakonsensya ako. Dahil kasalanan ko kung bakit wala na si alpha ngayon.
At nasasaktan ako, dahil bigla kong namiss si alpha.
"Ginawa nya yun para sayo,kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Biglang sambit ni yonzi.
"Magpahinga kana. Dugtong nya..
"Maililigtas natin ang kuya mo. At ang lahat. Gawin natin lahat, pwede ba?? sambit ko.
Tumango lang sya at ngumiti saka tumingin sakin,
"Teka, nakakabasa kadin ng iniisip ko?? ibig sabihin?? yung iniisip ko dun sa……
hindi ko natuloy ang sasabihin ko, dahil natawa sya ng bahagya.
"Alin?? na baka may gusto ako sayo, dahil nagawa mong paibigin ang Alpha ? oo naman nabasa ko yun, sambit nya na bahagyang natatawa,
Pinamulahan yata ako ng mukha,
Sa sobrang hiya."Joke lang yun. Sambit ko.
"Sa palagay ko, pwede naman kitang magustuhan, tila pangaasar nyang sambit sakin
Tssss. Marunong kadin pala mag biro. Nakanguso kong sambit.
Kaya lalo syang natawa, natawa na din ako,
.."Magpahinga na kayo.. !!
sigaw ni jax, na nasa medyo kalayuan,"Opo.. sabay na sabay naming sambit,
Inilahad nya ang kamay nya sakin,,
"Ano yan?? pangaasar ko din.
Kaya kinuha nya nalang ang kamay ko,
Alam ko, kahit sinong babae ay mafafall sa kagwapuhan nya,Pero ako… si alpha.padin ang nasa puso ko,
Sa ngayon, at alam ko matatagalan bago ako makamoveon."kinabukasan………
May lalaking sumalubong sa aming pag lalakad,
"Kamahalan???,agad syang tumakbo.. papunta kay yonzii.
"Azirrr ??!!! nasan si kuya?? sambit nya sa lalaki,
"Kamahalan, nagapi na silang lahat... at nakapiit sa ilalim ng palasyo ng mga itim na lobo, maging ang mga taong pusa, ay tinutugis ang tagapangalaga ng black pearl maging ang kanyang mga taga bantay, dahil nakapiit din ang kanilang reyna, kapalit ang kanilang reyna, kelangan nilang tapusin kayong anim.
Mahaba nyang paliwanag.
"Nasan na ang mga taong ahas??
Si yonzii."Kamahalan, tinutugis din nila ang mga kasama mo, dahil sinasabi nilang pinatay daw nila si kizoya, kalaban na natin lahat ng lahi…… lahat ng taong bato,
Ay nabihag na, kasama si haring maddoxx at haring drake.
Sambit nyang muli.
"Imposible . Ganun sila kabilis natalo?? !!! sigaw ni yonzi.
"Kamahalan, bukod sa madaming kakampi si yihan,
"Ginagamit nya nadin ang black pearl, , laban sa lahat ng kumakalaban sa kanya,