Belle POV.
Hindi ko man sinasadya ay natawag ko si ice .. Sa pangalang LUX.
LUX??? !! HAlos hindi ako makakilos.. Tila nagisip sya .. Sa sinabi ko.. Tila wala syang kilalang Lux.
Pero bakit?? Bakit kamukhang kamukha nya si alpha...
"Binibini.. Umuwi kana.. Delikado dito.. Sambit nya .
.Yung girlfriend nya hindi ko alam ang pangalan ay masama na ang tingin sakin ..
Hindi ko alam kung bakit.. Pero .. Ramdam ko.. Ramdam ko. Ang presensya ni alpha kay ice...
"Unicorn. Iuwi mo na ang babaeng yan.. Bago nya pa agawin ang aking kabiyak.. Sambit nung babaeng .. Hindi maikakailang... Wala akong sinabi sa taglay na karisma nya ..
Ngumiti sakin.. Si ice.
"Mag iingat ka. Bilin nya
Kaya tumulo ang mga luha ko.
Sinubukan ko lumapit.. Pero may humawak sakin.. Yung isang lalaking kasama nila..
Na nag ngangalang unicorn..
Pagkahawak nya sakin.. Ay biglang nawala na sila ice at yung girlfriend nya ... At ako at si unicorn ay naiwang mag isa...
Hanggang sa mag balik ang mga lalaking may dalang karit.. Na humahabol sakin kanina..
Napaatras ako. Pero si unicorn.. Ay hindi mo makikitaan ng kahit na katiting na takot sa mukha..
Ni hindi sya kumikibo..
Kahit napakalapit na ng mga nilalang na tila hayok na hayok na pumatay ....
Ng malapit na malapit na sila samin.. Ay laking gulat ko.. Ng pumalupot sa kanilang mga balikat ang mga tila nabuhay na baging ng mga puno.. At sila ay itinaas .. Hanggang sa mabitay na sila sa taas ... ..
"Panung nangyari yun?? Sigaw ng isip ko..
Kaya bang kontrolin ni unicorn ang mga halaman. ??
Maya maya ay.... May mga maliliit na tila batong tumama sa nga nakabiting kalaban.. At halos mabutas ang kanilang mga katawan.. Sa lakas ng impact ng mga maliliiit na batong yun...
Si unicorn.. Hindi ko sya nakikitang kumikilos... Pero may umaatake sa kalaban..
"Anung ginagawa nyo dito?? Sinabi ba ni ice na sumunod kayo?? Maya maya ay bulong ni unicorn.. Na nadinig ko din..
May kausap ba sya??
Napaatras ako.. Palayo kay unicorn... Kinakausap nya ba ang sarili nya?? Bumangga ako sa isang .. Bulto na alam kong tao.. Sa likuran ko... Kaya napaharap ako...
Halos mapanganga ako... Gwapo na si unicorn... Tapos may panibagong gwapo na naman sa harapan ko.. Na nakangiti pa sakin..
"Sino kayo?? Sambit ko..
Isang malakas na tunog ng tila motor ang nadinig kong papalapit.. At rumaragasang huminto sa harap ni unicorn.. Nakamaskara ang driver ng malaking motor bike. Napaka astig nyang tingnan ....
Gulo gulo ang buhok nya.. May tali ang buhok.. At may napakaganda pero napakatalim na mga mata ...
"Unicorn.. Pinapauwi ka na ng reyna .... Dahil may mga kawal na kelangang gamutin... Sambit ng lalaki sa harap ko ... Samantalang ... Yung nakamotor ay hindi naman nagsalita...
"Yvo.. Ihatid mo sya sa mga kasama nya .... At sniper . mauna na tayong umuwi .... Sambit ni unicorn.. At bigla silang agad na naglaho nung tinawag nyang sniper ...
Hinawakan lang ako ni yvo... At sa isang iglap ... Ay nasa harap nako ng kwebang tinutulugan ng mga kasama ko...
"Itigil nyo na ang pag hahanap sa mga ashwolves.. Dahil wala kaming balak na tulungan kayo... Sambit ni yvo..
Bakit alam nya??
Sandali yvo ... Pigil ko.
Pero nawala na sya . ..
"San ka nanggaling?? Bigla ay sambit ng babaeng taong ahas na si okami...
Gising na pala sya..
Hindi ko sya masagot.."San nga ba ko nanggaling??
"Aba ang aga naman magising ng mga magagandang nilalang na to... Sambit ni yonzii.
Na kalalabas lang...
"Yonziii.. Halika..
Hinila ko sya at kinausap ng sarilinan.. Naiwan namin si okami...
"Yonziiii ... Sino sila yvo... Ice at sniper?? Sambit ko.
Natulala si yonzii
"Panu mo nalaman ang mga pangalan ng mga guardians? Sambit nya.... ..
"Guardians?? Nalilito kong sambit...
Nagising na sila zeek... Blaze... Jax.. At zander ... Nakikinig nadin...
"Sila ang mga bantay sa entrada... Ng dark kingdom... Sila ang nagpapanatiling ligtas ng kahariang yun ... Sila ay katulad nila zeek... Pero sila ay halos kasing lalakas ni alpha.... ....
Bawat isa sa kanila ay lubhang makapangyarihan .. Sambit ni yonzi..
"Kung ganun.. Nakarating ka sa gate ng itim na kaharian?? Sambit ni yonzii.
Nalito ako..
"Ang alam ko lang may nadinig akong kumakanta.. At sinundan ko yung boses ... At bigla nalang may mga humabol sakin na maka nakahawak ng karit. Ang mga sinasabi mong guardians .... Ang nagligtas sakin... At nagbalik sakin dito... Sambit ko..
Ngumiti si yonzii.
" Dalawang paraan para makita sila.. Ang maghanap ng kalahi nila at ipatubos sa kanila.. At ang mas madaling paraan.. .. Ang humanap ng nilalang na kayang madinig ang mga tinig nila habang kumakanta .. At mukhang kaya mo yun... Belle. Si yonzi..
"Ah ako?? Nakakagulat man .. Kung bat nadinig ko yun at sila ay hindi kahit malalakas ang pakiramdam nila.. Ay hindi nako nagtaka ... Naging tagapangalaga nga ko ng black pearl kahit wala akong kakayanang lumaban diba??
"Makinig kayo. Mahilig.. Kumanta ang mga ashwolves .. Dahil mahilig sila sa kasiyahan.. At kayang madinig yun ni belle.. Marahil dahil sya ang tagapagbantay ng black pearl.. Kahit wala na to sa kanya.. Ay nasa kanya padin ang kakayahan... Yun lang ang kelangan nating antayin. Para mahanap natin ang dark kingdom.. Sambit ni yonzi...
"Baka bago pa tayo makapasok.. Ay mamatay na tayo kung kasing lalakas sila ni alpha.. Sambit ni zander ...
Hindi kami nakakibo lahat.
"Wala na tayong choice. Hindi ako habang buhay na magtatago. Sagot ni blaze. ..
"Tama si blaze. Sagot ni zeek. At tumango din si jax...
"Tuloy ang plano. Sambit ni yonzi..
"Ang dark kingdom ay may limang na guardian...
Si loki.. Na bihasa sa paggamit ng kidlat..
Si onhyx .. Na sinusunod ng apoy.
Si unicorn.. Na kayang gumamot at magbalik ng lakas ng kanyang mga kasama .
Si yvo ... Na kayang kontrolin. Ang kahit na anong may kinalaman.. Sa halaman...
Si sniper.. Na kayang bumasag ng kahit anung matibay na bagay.. Sa pamamagitan lamang ng mahinang pitik.. Gamit ang kahit na anung mga bagay na kaya nyang pakilusin...
Si ice?? Ngayon ko lang sya nadinig .. Sambit ni yonzii.Kaya mas lalong tumibay ang hinala ko na sya si alpha ..
"Kung hindi sya isang guardian... Bakit kasama sya ng mga guardian??,
"Kamukha nya si alpha... Sambit ko.
Kaya napatitig silang lahat sakin...
Na tila iisa lang.. Ang aming iniisip...
"Maari nga kayang buhay pa si alpha.... ??
....................
--- ITUTULOY ----