CHAPTER 46 ( THE FINAL BATTLE )

1.9K 77 1
                                    

Belle pOV.

" makinig kayo..  Susugod na tayo  mamayang maagang maaga.. Bago pa maka bawi ng lakas si yihan..
.. Yun ang inulat ng reyna bago kami naghanda lahat..

Hahabulin ko pa sana si alpha.. Pero nawalan ako ng lakas ng loob...
Gusto ko syang tanungin kung nagbalik naba ang alaala nya..
..

Kaso.. Nawalan ako ng chance..

Naisipan kong lumabas muna.
Ewan ba.. Kahit alam kong mapanganib ay hindi ko alintana.. Gusto ko lang magpalamig...

Ang layo na ng narating namin nila blaze.. At bukas.  Baka hindi na kami magkita kita dahil pwedeng isa samin ang mamatay.. ..

Oh pwedeng lahat kami..

Nagulat ako ng bigla ay may tumabi sakin..
Ng makita ko sa liwanag ng buwan kung sino ay automatikong lumakas ang tibok ng puso ko...

" lux..... Ah i mean . ice.  Nauutal kong sambit.

Hindi sya kumibo.  Sa halip ay.. Ipinatong nya ang kamay nya sa kamay ko na nakadapin sa upuan ko..

Mas bumilis ang pintig ng puso ko..  Ang kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan ay ramdam na ramdam ko...

Hindi ako makakibo..

Tinitigan ko lang sya.. Naramdaman kong hinawakan nya na ang kamay ko.. At mahigpit yun...

"Ice.. Baki...

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko... Ng maramdaman kong dumampi ang mga labi nya.. Sa mga labi ko...

Hinalikan nya ko???!!!!
Napapikit ako..
Tinugon ko ang halik nya..
Kahit hindi ko alam kung si ice o si alpha na ba ang hinahalikan ko..
O kahit diko alam kung bakit nya to ginagawa.. Basta sinusunod ko lang .. Ang puso ko .. Sa mga oras na to..  Nakikipaghalikan ako.. Hindi dahil masarap sya humalik kundi dahil ramdam ko ang sobrang paguumpaw ng pagmamahal ko sa kanya...

Ng matapos yun ay .. Nagkatitigan lang kami..

At sa isang iglap lang.. Ay naglaho na sya sa harapan ko..

"Alpha??,ice.. Lux.. O kung sino kaman.. Bakit moto ginagawa.  Naiiyak kong sambit.. Matapos kasi ako halikan ay nawala na..

O baka naman.. Nananaginip lang ako ng gising... Baka naman wala talagang humalik sakin.. Baka nangangarap lang ako..

Ng gising??!!!

Hindi nako nakakilos..

Maya maya ay may usok na unti unting... Bumalot sa paligid.. At hindi ako pwedeng magkamali..

Ang aking ina at ama ang nagsasalita..

"Belle anak.. Wag mo kaming intindihin... Wag ka makikinig sa lahat ng sasabihin ng halimaw nayan!!! Sigaw ni mama..

Isang malakas na tawa ang nadinig ko..

Si .. Si yihan yun.. Hindi ako pwedeng magkamali..

"Belle
. .. Namiss mo ba ang mama mo?? Sambit ni yihan..

Matagal ng nawawala ang mga magulang ko.. Hindi ko pa nakikilala sila zeek...

"Hayoopp ka yihan... !!

Yun lang ang nasabi ko..
Naiiyak ako.. Na naawa sa boses ng aking ina. Na tila umiiyak..

"Akala ko ay hindi ko na kakailanganing ilabas ang mama mo.. Kaso .. Dahil masyadong malakas ang iyong mga kakampi.. Kelangan ko ng gamitin ang aking alas..

Sagot ni yihan...

"Naaalala ko pa.  Noon.  Ipinadukot ko ang iyong mga magulang..  Para maging alas ko laban syo.. Buti nalang at hindi ko sila naisipang patayin.  Nakangisi nyang sambit ..

Pumatak ang aking mga luha .. Ng nakita ko kung panung nakagapos ang aking ina.. At sarado na ang mata ng aking ama.. Sa sobrang pagkabugbog..

Nadurog ng husto ang puso ko...

"Kung gusto mo pang makuha ang mga magulang mo... Pupuntahan mo sila dito..ikaw lang...  Ayon kasi sa propisiya.. Kelangan munang mamatay ng dating tagapangalaga ng black pearl bago to tuluyang mapasakin eh...

Tila tuwang tuwa pa ang hayop na yihan na yun.. Sa dinaranas ng aking mga magulang .. Saka tuluyang nawala na ang usok.. 

Na gawa ng mahika..
.
.

Mama..  Mamaaaa..    .. Iyak ng iyak kong sambit...
Halos maglupasay ako ng di ko na makita ang aking ina... At ama..

Nglakad ako kahit hindi ko alam kung san ako pupunta..
Nakita ko ang isang kabayo.. At hinila ko yun sa pagkakatali.. At saka ko.. Sinakyan..

Sasagipin ko sila.. Ang aking mga magulang.  Kahit ikamatay ko pa   
.Nagulat ako ng lamunin ako ng sobrang lakas na liwanag .. 
Kaya pala.. Dahil nakalabas nako sa harang na gawa ni reyna cassiopea   .. Para  . . hindi na muling makapasok.. Ang mga kalaban..

Sumulyap ako .. Muli.. Sa kahariang ewan ko kung makikita ko pa...

"Alphaaa.... Yun lang ang naibulong ko.. At nagpatuloy nako sa pangangabayo ..  Hindi pako nakakalayo ay nakita ko na ang ilang itim na lobo na tagasunod ni yihan... 

Mukhang inaabangan na nila ang ang pagdating ko...

"Sumama ka samin.. Hinihintay kana ng mahal na haring yihan...

Kusa akong agad na sumama.. 
.
.hanggang sa maya maya ay ..

Ay nandun na agad ako.. Sa kaharian nila alpha dati na pag mamayari na ngayon ni yihan..

At nandun kami sa bulwagan.. Nandun sa dating trono ni maddoxx si yihan..

Nakangisi pa sya sakin..

"Hayop ka.. May katapusan din ang kabaliwan mo.. Sambit ko ng buong tapang.. Kaya nagulat ako ng sa isang iglap ay nasa harap ko na sya at malakas akong sinampal.. Dahilan upang ako ay bumagsak at dumugo ang aking labi... 

"Wag mokong pagsasalitaan ng ganyan sa sarili kong kaharian..
Galit na galit nyang sambit...
.
"Kahariang inagaw mo lang siraulo ka!!  Sigaw ko..

At lalo syang nagalit..  Kaya ramdam na ramdam ko.. Ang sakit ng ihampas nya sa aking tuhod ang hawak nyang tungkod.

Napahiyaw ako.. 

"Gagawin kong mas masakit ang iyong kamatayan taga lupa..

Sigaw nya.. At muli sana akong hahampasin ng kanyang tungkod.. Sa mukha na   ...

Pero hindi nya yun.. Naituloy.. Dahil hinarang yun kakaibang liwanag na nag patalsik ng malakas kay yihan..

Halos madurog ang pader na pinagbanggaan ni yihan...

Napatingala ako..
.
Ng may lalaki sa harap ko.. 

Sya ang nagpakawala ng malakas na kapangyarihan nayun...

Halos maiyak ako ng makita ko kung sino ang nagligtas sakin..

"Alphaaaaa    ..  Bulong ko..
Panu mo nalamang.. 

"Tinawag moko kanina diba??
Sagot nya agad... ..

Saka ko lang naalala na .. Oo nga pala .. Nung nilingon ko.. Yung kaharian nila bago ako umalis.. Ay tinawag ko sya..
Pero mahina lang...

" sa susunod   ... Wag kang aalis ng wala ako.. Dahil gusto ko.. Nandito ako lagi para may magtatanggol sayo.. Para hindi ka nasasaktan..  Naintindihan mo??? Pabulong nyang sambit..

Lumingon sya sakin ng hindi ako agad sumagot...

Kaya bigla akong napatango..
Ng sunod sunod..

Saka ko lang napansin..

Nandito nadin pala sa likod namin lahat ng aming kakampi.

Maging si reyna cassiopea....

------- itutuloy ------

THE ECLIPSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon