CHAPTER 42 ( THE DARK KINGDOM'S QUEEN )

1.5K 70 0
                                    

Belle POV

Nagtagpo tagpo lahat sa bulwagan. Ng reyna, ipakikilala nadaw kami sa kanilang reyna,

Medyo natagalan na ipakilala sya samin, dahil sinanay pa kami, sa kabundukan,

"Halika na, nakaakbay na sambit sakin ni zeek,
Nakangiti sya, kaya nakaramdam ako ng kakampi sa harap ng gf ni ice, na mukhang pinagiinitan ako.

Nasa likod ko nadin pala sila jax,blaze at zander,

Kaya nakalusot nako. Sa napakatalim na tingin sakin ng babaeng yun, ,

"Zeek, wag nyo na muna ako iwanan, bulong ko
.

"Mukhang pinagiinitan ka nun ah, natatawa nyang bulong kaya nainis ako, pinagtatawanan pako nito

"Zeek. Naman eh,
Nakanguso kong sambit.

Ng makarating kami sa bulwagan, ay nakayuko na lahat. Kaya nakitayo nadin kami habang nakayuko,.

MAGBIGAY GALANG SA MAHAL NG REYNA!!!!!!! SIGAW NG ISANG KAWAL ,

Sabay ang pag tunog ng isang gong,na umalingawngaw sa katahimikan ng paligid.

Hinanap ng mata ko si ice.kaso wala sya,,

Unti unti ng, nagbukas ang pinto para sa pagpasok ng mahal na reyna..

Nakayuko kami, bawal daw tumingin hanggat wala sa trono ang mahal na reyna.,

Kaya hinintay naming makarating sya sa trono,
Hindi ko alam kung bakit bigla syang, huminto sa harap namin ni zeek,

Hindi naman kami makatingin ng deretso sa kanya dahil bawal,

"Matagal kong hinintay ang pagkakataong to
. ,, sambit nya, napakaganda ng boses nya.

Napalingon ako, kay zeek, dahil dahan dahan syang nag angat ng paningin sa reyna kahit bawal, hindi ko alam kung bakit ,

Bigla ay tila sya nakakita ng multo,,

Natulala sya,, ayoko namang tumingin dahil kabilinbilinan yun samin,

Subalit.. . . . .

"INA, . . . . . !!!!

MAhina, pero naiiyak na sambit ni zeek.

Ina???!!!!!!! sa gulat ko ay napatingin din ako sa kanila,
Sa reyna.

At halos mapako din ako sa kinatatayuan ko..

Sa aking nakita,,

Si REYNA CASSIOPEA!!!!! ANG INA NI LUX AT NI ZEEK, !!! MINSAN KO SYANG NAKITA SA BLACK PEARL.. NUONG PINAPAKITA NITO ANG MGA NAKARAAN KAY LUX,

Buhay ka???? Tumutulo na ang mga luha ni zeek,

Ngumiti si reyna cassiopea,

"Oo mahal ko, nakangiti ngunit naiiyak nyang sambit kay zeek,

Bigla ay niyakap sya ni zeek,
Ng sobrang higpit.

Nagyakapan sila.,

Inaaaaa., . !!!!! Halos bumaha ng luha , sa bulwagan..

"Patawarin moko, kung ngayon lang ako bumalik, iniayos ko lang ang lahat. Sambit nya kay zeek,

"Mahal na reyna, handa na ang hukbo para sa anumang pag sugod, , sambit ng isa pang kawal, ,

"Babalikan natin. . At tatapusin ang may kakagawan ng lahat ng toh. Sambit ng reyna.

Alam ko, ramdam ko, nakapakasaya ni zeek, dahil hindi nya nako napansin
,

Napatras ako at bumangga ako sa isang bulto ng matangkad na lalaki sa likuran ko,
Ng lumingoN ako. ,

Ay nakita kong si ice yun.

"Ice. Bulong ko.
. Nakatitig sya sakin,

" Hindi sya si ice, sambit ng reyna, kaya naguguluhan akong napalingon sa reyna,

Maging sila blaze,na kanina pa nakatulala sa pagkagulat.
.ay natigilan din si sinabi ng reyna,

"Sya ang isa ko pang anak,

Si LUX, ANG ALPHA,

PAra akong nabingi sa nadinig ko,Kaya hindi nako nakapag salita,,

Tumulo lang ang mga luha ko
.

Aking reyna, sabi po nila ay sya si ice, paglilinaw ni zander,

"Pinalabas ko lamang yun, upang hindi mawala ang konsentrasyon ni belle sa pag eensayo, sagot ng reyna,

Hindi ko napigilang yakapin si iced, na si lux pala,

"Sabi ko na nga ba, ikaw yan, umiiyak ko nading bulong,

Napakahigpit ng yakap ko sa kanya,
Subalit hindi sya yumakayakap sakin
.

Ng muli ko syang tingnan, ay nakatingin lang din sya sakin,

"Belle. Wala syang naaalala na kahit ano,dahil nawala lahat yun ng muli syang buhayin ng black pearl,

Sambit ni reyna cassiopea,

Natulala ako.

"Lahat ng mga namamatay na muling binubuhay ng black pearl, ay nawawalan ng alaala,

Maging ako. Dagdag nya.

"Dahil pag mamay ari ko ang black pearl.
Muli akong binuhay nito. At napulot lamang ako ng lahi ng mga ash wolves, ang kanilang reyna ay ang aking kapatid, at dahil wala syang anak.ay ako ang nagmana ng itim na perlas at ng ng kaharian, dahil isa akong kalahating puti, at kalahating abo na taong lobo, pinatay din ni yihan ang aking kapatid, at inubos ang mga ashwolves, kaya ng magkatagpo tagpo kami, ay bumuo kami ng kahariang napapanahon na para makilala ni yihan, pahayag ng reyna,

"Subalit ina
. Bakit natagalan kang bumalik,
Si zeek.

"Dahil matagal din akong nawalan ng alaala anak ko. Sagot nya

Bigla ay hinila ng gf ni lux, si lux.

"Sya si ice. At ako ang gf nya nung nawala ka. Sambit nya sakin,

Tiningnan lang ako ni ice.

"Tayo na
. Sambit nya sa gf nya,

Naiwan akong hindi ko alam kung panung, papahintuin ang puso ko, sa sakit na nararamdaman ko, na makitang hawak sya ng ibang babae, at hindi nya man lang inisip ang nararamdaman ko at umalis sya kasama ng babaeng yun,

Walang hinto ang mga mata ko sa pag luha.

Bigla ay naramdaman ko si zeek sa likod ko, at inakbayan ako,

Tahan na.baka magulpi ko pa ang sarili kong kapatid pag hindi ka tumahan,

Tila galit nyang sambit,

-------

----- Itutuloy -----

THE ECLIPSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon