CHAPTER 24 ( THE BLACK PEARL OUTSIDE)

1.8K 84 0
                                    

Belle POV

Anung klaseng nilalang kaba? nagagawa mong lumipat sa magkabilang puno.. sa loob ng isang segundo.
Bulong ng isip ko.. minsan kasi hindi padin mag sync in sa utak ko na mga halimaw ang mga kasama ko..

Hindi ko alam pero bumilis talaga ang pintig ng puso ko..

Ng makita kong ngumiti si alpha.. ng bahagya.. marahil nabasa nya ang iniisip ko.

"Tinawag ko silang halimaw kahit sa isip ko lang.

Hindi ko maiwasang mapangiti din.. ewan ko ba..

Ngayon ko lang kasi sya nakitang ngumiti ng tila totoong ngiti.. tila masayang ngiti..

At masarap pala sa pakiramdam.

Huminto kami sa isang puno..

Saka ko lang napansin.. wala ng natirang mga ahas.. napabagsak na pala nila..

Nakita kong nauna na sila blaze.

At si zander naman..
Bumalik samin..

"Kayong dalawa. Baka gusto nyong.. bilisan.  Kasi baka hindi na .. ahas ang sumugod satin dito kundi .. mga langgam na..

Sa sobrang tamis nyo..

Nakangisi nyang sambit.. .

"Matamis?? anung matamis?? ulit ko pa. Sweet kami? san banda?? tsss.

Ng muli akong bumaba sa likod nya.. mga ilang lipat pa namin sa mga puno..  ay bumungad na samin.. ang isang malaking kweba..

"Ang kweba ni kizoya' sambit ni blaze..

Kinilabutan ako. Nababalutan kasi yun ng makakapal na tila puno na sobrang tatanda na..
At mapapansin mong..

"Mahiwaga ang lugar.. dahil.. buhay na buhay yun...

Tahimik..

Ng biglang.. napaluhod sila blaze.. tila sila nanghihina..

"Nawawala na ng unti unti ang kapangyarihan natin...si jax

"Anung ibig nyong sabihin? sambit ko

"Walang makakagamit ng kakaibang kapangyarihan sa lugar ni kizoya.. sagot ni alpha..

Napatingin ako sa kanya..

Nakita ko ding.. ang dati nyang blonde na buhok.. ay nagbago
. Naging itim..

"Alpha.. pati ikaw.. ?? nagugulat kong sambit..

"May sumpa ang lugar na to.. na lahat ng umapak ay mawawalan ng kapangyarihan.. sagot ni zeek.
Nagulat ako.. ng matapos nilang mawalan ng kapangyarihan...ay may malakas na lindol na.. dumating..

Halos tumumba kami.

Inalalayan ako ni alpha... sa beywang.. kaya sa kanya ako natumba..

Maging sila blaze.. zeek. Jax at zander ay.. napaupo nadin..

Ramdam ko.. na wala nga silang mga kapangyarihan ngayon.

Malakas na tawa ang sumalubong samin..

Kasabay ng pag sabog ng isang malaking bato.. at pag labas.

Ng isang ulo. . May mahabang buhok...at maganda syang mukha...
Subalit.. napakalaki nya..
At ng makalabas na sya ng buo..saka ko lang napansin...

Madami syang galamay.. mga ahas.. malalaking ahas.. na tila papatay pag nalapitan ka..ay lalamunin kana ng buhay..

"Anung klaseng nilalang sya?? bulong ko.

THE ECLIPSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon