CHAPTER 44 ( JEALOUS? )

1.8K 71 0
                                    

Belle POV ..

Halos hindi ko makayanan ang eksenang yun..

Lumabas ako sa hardin para makapag isip isip..
Pero hindi ko akalain na ang ang taong dahilan ng pag sakit ng puso ko ang makakasabay ko tumambay dun..

'Wag ko daw sya tawaging lux. Dahil hindi nya kilala ang pagkatao nya bilang alpha lux.. At umiwas pa sya kahit sinusubukan kong.. Ipaalala sa kanya lahat..

ang sakit sobra..

Hindi ko mapigilang magiiyak..
Kaya hindi ko napansin na may dumating..
Habang umiiyak ako ng todo sa isang madilim na parte ng kHarian.. 

Ay nagulat ako ng magsalita si zeek 

"Anu ba.. Tahan na.. Sambit nya.

Hindi ko mapigilang tumakbo at yumakap sa kanya..

"Zeek.. Hindi nya na talaga ako mahal. Parang bata akong nagsusumbong..
Habang patuloy na umiiyak ako..

" ako belle. Mhal na mahal kita.
Sagot nya 

Tumahan ako.. Dahil nabigla ako sa sinabi nya..
Tinitigan ko sya sa mga mata.

Umiiyak din sya.

"Ayokong makita kang nasasaktan kasi mas nasasaktan ako.. Kaya please.. Isuko mo na sya.  Tila nagmamakaawa nyang sambit sakin..

At saka nya ko niyakap ng mahigpit.. Naramdaman ko ang sobrang pagmamahal ni zeek ng mga oras na yun.. Kaya yumakap din ako sa kanya..
.

Hindi ko alam kung bakit bigla syang kumalas sa pagkakayakap sakin..
Kaya kumalas nadin ako.. Nakatingin sya sa likuran ko.. Kaya lumingon din ako sa likod ko..

Natulala ako.. Ng makita ko si lux..
Nakatayo sa likod namin..
Parang hindi nya alam kung anu gagawin at sasabihin.. Samin..

"Ah. Napadaan lang ako. Sorry. Sa huli ay sabi nya.

Shit. Ang sakit. Bakit ako nag assume ?? Na sinundan nya ko. Nung alam nyang nasaktan nya ko. Hindi pala.

Aalis na sana sya.

"Sandali..Lux.. Ice.

Sa sinabi kong yun.. Ay huminto sya..

"Im sorry din kung pinipilit kitang..  Maalala ako. Sambit ko.

"Simula ngayon alpha.. Malaya kana.. Tinatapos ko na kung anu man ang meron tayo. Noon. Buong lakas loob kong sinambit.

Ipinakita ko .. Na kaya ko. Kaya ko. Na wala sya. Kaya ko alam ko.

Hindi man lang sya lumingon.
At tuluyan ng umalis.

Para akong babagsak sa sobrang sakit. Na naramdaman ko.

"Napakasakit eh. Bwisit sya. Umiyak ako ulit. Ng mas matindi.. Yung iyak na.. Parang hindi ko na gustong tumahan..

"Lux.. Alpha... Bakit moko sinasaktan ng ganto. Bakit mahal ko.. Sigaw ko sa isip ko. Tinakpan ko ang bibig ko.. Habang umiiyak ako.. Para hindi lumabas ang hagulhol ko..

Nakalimutan kong nasa likod ko si zeek..

Naalala ko lang sya ng madinig ko nadin ang mahina nyang hikbi. Nilingon ko sya. Punong puno ng luha ang mga mata nya. Tahimik na pala syang umiiyak.

" zeek.. Sambit ko..

Bigla nya kong hinablot sa leeg ko palapit sa kanya..
At madiin akong hinalikan..
Tinugon ko yun...

Pero... Pero... Hindi ko maramdamang nabawasan ang sakit sa naramdaman.. Ko..
Kaya itinulak ko sya..

Natigilan sya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Nalito ako.

"Okay lang. Sambit nya.

"Belle. Mahal kita pero wala kong sinabing mahalin mo din ako.. Sambit nya..

At muli nya kong niyakap..

"Bilang kaibigan.. Nandito lang ako.. Sa huli ay sambit nya..

Matagal kami sa ganung ayos bago kami.. Nagkalas.. At nagpasyang umuwi na..

Kinaumagahan pag gising ko.. Ay nag sasanay na naman lahat.. Kabilang sila blaze.. Zander.. Zeek at jax.  At ang lahat ng mga ashwolves.

Malalakas sila.. Kaya marahil may pag asang.. Manalo kami..
Napakalakas na ng aking mga bantay.
Dahil sa mga pagsasanay nila dito..

"Belle. Nadinig kong nasa likod ko si reyna cassiopea.

Yumuko ako. Bilang pag galang.

"Belle. Noon pinaniwala ni yihan lahat na bawal ka ibigin.. Dahil natatakot syang pag inibig ka ni alpha.. Ay mas lalakas pa sya.
Tapos nagawa mo pang alisin lahat ng galit sa puso ni lux.. Pero bat ngayon.. Sumusuko kana?? Nakangiti nyang sambit.

Hindi nako nakakibo..

Maya maya ay... May nakakasilaw na liwanag kaming nakita sa kalawakan..
Lahat napalingon..

"Ang spirit wave?? Sambit ni reyna cassiopea.. Saka nya naisipang sundan yun..

Napaisip ako.. Ang liwanag nayun.. PRang nakita ko na yun dati...

Saka nag flash back sa alala ako..

Tinira ako ng ganung kapangyarihan ni alpha dati nung galit pa sya samin.. Butiy nakaiwas ako... Nabutas na nga ang pader ng school.. Yun yung time na sinundan nya ko para bigyan ng kiss of death.. Na muntik ko ng ikamatay...

"Pero diba sabi nila??,lahat ng kapangyarihan ni alpha noon ay hndi nya alam gamitin mula ng magka amnesia sya??

Kung ganun sino ang may kaparehas ng spirit waves ni alpha?? Sinundan ko ang reyna.. Papunta sa pinanggalingan ng liwanag  na yun..

Naabutan ko syang .. Nakatayo at pipanood ang kung sino man sa gitna ng kakahuyan..

( IN THE END in the back ground music to this scene)

Nagulat kami... Sa kung sino ang may gawa nun...

"Lux ??? Sambit nya..
"Alpha?? Sambit ko.

Sunod sunod na pinapakawalan ni lux ang na spirit waves.. Na gumuguhit sa kalangitan.. Napakalakas ng lahat ng itira nya.. Tila nahahawi ang ulap sa lakas ng kPangyarihan.. Na yun na lumalabas sa pamamagitan lang ng hintuturo nya..

"Luxxxx !!! Panu mong nagagawa yan??,sigaw ni reyna cassiopea..

Saka nya lang yata namalayan na nasa paligid lang kami..
Tila nagawa ni reyna Cassiopeia na itago ang presensya namin kay lux.

Dahan dahang lumingon si alpha...samin

...

Ang ayos nya... Tila nalalapit na sa kung panu manamit si alpha..

Wala man syang tila eyeliner sa mga mata..
Ay nakakatakot naman ang dating ng mata nya.. Maamo pero mabagsik..

Parang.... Parang nagbalik na si alpha...

Nagbalik na nga ba ang nilalang na minahal ko ng husto???

------- itutuloy ---------

THE ECLIPSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon