Chapter 34: Sold

299 10 0
                                    

Chapter 34: Sold

Mere's POV

"I will go home. Just in time for Ate's wedding" sabi ko habang inaayos ang toga ko sa hanger.

"And you didn't tell us about your graduation." bored niyang tingin sakin. I smiled.

"It's just a short course. Diyan na lang tayo magcelebrate Kuya. I miss you, kamusta ang gang?" iba ko ng topic.

"Ganun parin. Medyo busy sa negosyo yung iba. Eliz's engaged. Rico's in love. Yung kambal maganda ang takbo ng Recording company nila. Si Devon, Sheen, Gerald,Gerome, Em at Jei nagEuropean trip. Mga ungas hindi nagsasama"

Natuwa naman ako.

"And you?" ngisi ko, ang alam ko ay may nililigawan siyang Artist sa company nung kambal.

"Wala pa...sa ngayon" he smirked back.

Nakarinig ako ng iyak sa kabilang kwarto.

"Is that?" kunot noo niya, I just smiled.

"Yes. I have to go Kuya. See you soon!"

Tumango siya at ngumisi. "Okay, have a safe flight baby. I love you."

"I love you too Kuya. Bye!" pinatay ko na ang Skype at kumaripas ng takbo sa kabilang kwarto.

"Why baby?" itinaas nito ang dalawang braso. Nagpapabuhat. Basang basa ng luha ang matatambok na pisngi nito at pulang-pula.

"Mommy..." humikbi itong muli. It's early, 6:34 AM palang, 7:00AM pa ang gising niya.

"Hungry?" binuhat ko siya, napipikit pa ang mga mata nito.

"OH-khee." sagot nito sabay sik-sik sa leeg ko. It means 'no' in greek.

"Play?" tanong ko ulit at lumakad papuntang kusina. Nang ibaba ko siya sa highchair niya ay kumapit ito sa leeg ko.

"Why baby?" tanong ko ulit, mukhang may sumpong ang anak ko ah?

"Mum-mum!" iritado nitong sigaw. Kaya naman napabalik ako sa sala. Nandun parin ang nga laruan niya, hindi ko naayos kagabi. Mabilis siyang bumalikwas at bumaba. Umupo ito sa mat niya at nagsimulang pagpatung-patungin ang mga blocks. In order. Sa height at color. I smiled at that. He's gifted.

I live alone. Pero minsan pag may klase ako at tawag sa trabaho ay nandito si Gammy, she's more like a Lola to Lyx. Kapit bahay lang namin siya, at nung nanganak ako si Gammy ang tumulong sakin. Purong greek si Gammy and she's 70 years old pero malakas pa. Ngayon, hindi ko iiwan si Lyx, it's my graduation pupunta akong school and Seth will be here to attend all the way from the Philippines.

2 years and a few months before, I asked Seth to bring me somewhere far. Then I asked him to leave me. Dahil gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. And with him around alam kong di ko magagawa iyon, at saka he has his responsibilities masyadong mahalaga iyon para hilinging iwan niya.

Pumupunta parin naman siya dito. Tulad nung nanganak ako, at tuwing birthday ni Lyx or birthday ko. Minsan pag bored siya pumupunta rin dito. Siya lang ang may alam kung nasaan ako. Hindi ako nakipagcommunicate sa pamilya ko ng dalawang taon. Only this year, nung nahanap ako ni Kuya Jet. I was ashamed of myself kaya umalis ako. And I want to live for my son, na kaming dalawa lang.

Naglagay ako ng gatas sa bottle niya. He's 2, so I'm already starting to train him with his eating habits. He's a peculiar kid, medyo choosy at may pagkapilyo. Don't know if he got it from me...or from him.

I also finished my studies here. Tinapos ko ang business course ko then kumuha ako ng short course about upholstery and crafts. It was interesting and I'm good at it kaya pinagpatuloy ko.

Cards: Ash CrisantoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon